“MGA HIJO DE PUTA!” sigaw ni Zakh sa mga tauhan nito nang makarating ito sa hideout nila. Nang makatanggap ito ng tawag mula sa isa sa mga tauhan nito kanina ay dali-dali itong nagtungo roon. At wala na nga roon si Ysolde. Matalim na titig ang ipinukol ni Zakh sa limang tauhan nito na nasa harapan nito. Malinga-lingang pagbabarilin ito ng binata dahil sa galit na nararamdaman nito ngayon. “Mga inutil!” muling singhal nito. “Kabilin-bilinan ko sa inyong magbantay kayo ng maigi para walang may makapasok na ibang tao rito. Pero ano ang ginawa ninyo? Ang tatanga ninyo! Mga wala kayong silbi.” Umigting muli ang panga nito at nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. Padabog nitong binitawan ang baril sa ibabaw ng lamesa. “Mga lintik!” “E, boss... marami po kasing tauhan si Hideo—” “I d

