CHAPTER 1 - 2015

2226 Words
THE DAY OF THE ACCIDENT (10 YEARS AGO) “Mom! Good bye! Male-late na kami for the flight to US!” sigaw ni Sky. Nagmamadali na siya na umalis dahil ayaw pa rin ng kanilang ina na paalisin si Cyan. “I think Sky should go first. Cyan, later flight ka na lang. Magbo-book na ako ng ticket para kasama mo ako papunta sa US,” sagot naman ng kanilang ina na si Melody. Si Melody Flores at si Carl Flores ang mga magulang nina Sky at Cyan. Kambal silang dalawa at ika-onse anyos pa lamang ngayon. Ang pamilyang Flores ay kilala sa pagiging isa sa sikat na music entertainment, hindi lang sa Pinas, kundi sa iba’t-ibang mga bansa. Kilala rin sila dahil sa clothing brand nila na Hestia Elegance. Marami na rin silang mga artista sa iba’t-ibang mga bansa at talagang mahuhusay ang kanilang mga artists sa pagsayaw at pagkanta. S&C Entertainment ang pangalan ng kanilang kumpaniya. Mayroon na silang kumpaniya sa Philippines, Japan, China, at sa Korea. Sampung taon na sila sa industriya at talagang nakikipag-kumpetensiya ang kanilang mga artista sa iba pang mga kumpaniya. Kaya naman ay isa rin sila sa mayaman na pamilya na kinikilala sa Pilipinas. Ngayong araw ay mayroong out of the country field trip ang kanilang mga anak. May flight sila papunta sa US. Kanina pa nagmamadali na umalis si Sky, ngunit hindi siya makaalis dahil hinihintay niya ang kaniyang kakambal. “Mommy! Why are you like that to me? Bakit mas love mo si Cyan kaysa sa akin?” nagtatampo naman na sagot ni Sky. Kaunti na lang ay paiyak na siya. Pero pinapakita pa rin niya na matapang siya. “Melody, bakit ba ayaw mo pang paalisin ang mga bata? Kanina pa naghihintay sa kanila ang service. Mahuhuli na talaga sila sa flight n’yan,” sabat naman ni Carl. “Hindi kasi ako mapakali, Carl. Hindi maganda ang napaginipan ko kagabi at tungkol lamang ‘yon kay Cyan. Ewan ko ba. Iba talaga ang pakiramdam ko ngayong araw na ‘to.” “Mom, I just want to enjoy. Please? Ngayon lang naman ako aalis na hindi ka kasama po. I will be fine. Me and Sky will be fine. Five days lang naman po kaming wala,” magalang naman na sagot ni Cyan. Kahit bata pa lamang sila ay talagang matalinong bata sina Sky at Cyan. ‘Yon nga lang ay magkaiba sila ng ugali. Kung anong ikinabait ni Cyan ay siya namang ikinamaldita ng sobra ni Sky. Napairap si Sky at bumubulong-bulong na lang sa gilid. “Parang mas babae pa sa akin si Cyan. Ako ay nakakagala na with my friends at hindi man lang ako sinasamahan ni Mommy. Dinadala pa nga ako sa mall ng mommy ng friends ko. Samantalang si Cyan ay hindi makapaglaro sa labas with his friends dahil palagi siyang binabantayan ni Mommy,” bulong niya. Ngunit naririnig naman ng kaniyang ama. Niyakap siya ng kaniyang ama para hindi na siya magtampo pa. “Sky, be more understanding. Okay? Sakitin kasi noon ang kakambal mo kaya mas inaalagaan siya ng mommy niyo. You’re a strong girl kaya alam naman namin na kaya mo ang sarili mo.” “Whatever, Daddy. I’m still a baby, but you kept on treating me like I’m already an adult. If hindi pupunta si Cyan sa US, then I will go now,” maarte na sagot ni Sky. Humalik siya sa pisngi ng kaniyang ama at hinila na ang maliit na bagahe niya palabas sa kanilang malaking bahay. Naroon na sa labas ng kanilang gate ang bus shuttle na naghihintay sa kanila. Marami namang mga bantay na guro ang mga estudyante at kasama rin sa US. Nag-aaral kasi sila sa malaking eskwelahan kaya naman ay miski ang kanilang field trip ay sa ibang bansa pa. “Oh, Sky? Where is your twin brother?” tanong naman ng kaniyang guro nang umakyat na siya sa bus. “I don’t know. Maybe Mom wants to go with us in USA, teacher. Cyan is a mama’s boy.” Natawa naman ang guro sa naging kumento ng batang si Sky. Pero hindi rin nagtagal ay napapayag naman ni Carl ang kaniyang asawa na hayaan na muna ang kambal na umalis nang hindi siya kasama. Tumabi si Cyan sa kaniyang kakambal sa loob ng bus. “I don’t really understand my Mom. She said na nanaginip daw siya ng hindi maganda about sa ‘yo in this trip. Then, what about me? We are together in this trip. If something bad happens to you, I will also face the same. Right?” kumento ni Sky. Tinapik naman siya ng kaniyang kakambal. Naging matured na ang pag-iisip ni Sky at Cyan dahil na rin sa talino na mayroon sila, kahit sa murang edad pa lamang. “Huwag mo na lang pansinin si Mom. I’m sorry if you’re feeling that way… na sa tingin mo ay hindi pantay ang trato sa atin ni Mom. But she loves us both equally.” *** Ikalawang araw na ng kambal sa US ng kanilang field trip. Nasa hotel na sila at nakauwi na ng ala-singko ng hapon. Lahat sila ay pinapabalik na sa kani-kanilang mga kwarto. Iisa lang ang kwarto na mayroon ang kambal. “I’m still bored. I want to swim,” sambit ni Sky. “Hindi na tayo pwedeng lumabas ngayon, eh. Mamaya pa sa dinner ulit,” sagot naman ng kaniyang kakambal. Napanguso naman si Sky at saka kinuha ang phone niya. “May nakilala ako kaninang batang lalaki, Cyan. I think he’s the same age like us and he spoke Tagalog! He’s cute rin hihi. I got his phone number!” kwento ni Sky. “Sky, ako lang dapat ang gwapo sa paningin mo.” “We’re already texting. I’m still bored, Cyan. Gusto ko mag-swim. Nasa swimming area raw siya. Hindi mo ba ako sasamahan?” “The swimming pool area is restricted to us, Sky. Medyo malalim daw ang pool dito sa hotel na ‘to, sabi ni Miss Gena. Tsaka baka mahuli tayo at mapagalitan. Hindi tayo pwedeng lumabas ng hotel room natin without our teacher’s permission. Hindi rin naman ako marunong lumangoy kaya wala rin akong gagawin sa pool.” Napairap muli si Sky dahil sa sinabi ng kaniyang kakambal. “Ugh! Ako rin naman ay hindi marunong mag-swim. But I want to go out. Ang boring kaya rito sa loob ng room. I want to play with my friends. But hindi ko alam kung ano ang room number nila. Besides, saglit lang naman tayo roon. I just want to see my crush!” Hindi pa rin pumayag si Cyan sa sinabi ng kakambal niya. Kaya naman ay tumayo na ang batang si Sky at nagdadabog na. “Fine. If you don’t want to come, then I’ll go alone. Madali lang naman bumaba sa elevator dahil may mga bantay doon. Hmp.” Aalis na sana si Sky ngunit agad na nagsalita ang kaniyang kakambal. “Okay, okay. Fine. I will go with you. But promise me na saglit lang tayo. Thirty minutes lang.” Ngumiti naman si Sky. “Yes! Sure! Thirty minutes is enough.” Napailing na lang si Cyan sa tigas ng ulo ng kakambal niya. Graduating na sila ng elementary next month kaya naman ay talagang pinag-iingat sila ng kanilang ina. Naniniwala kasi si Melody sa mga kasabihan ng mga matatatanda na nasa hukay ang isang paa ng isang tao kapag may nalalapit na importanteng ganap sa buhay. Mayaman man ang pamilya nila, pero naniniwala pa rin si Melody sa mga gano’ng kasabihan. Bumaba na ang dalawa at hindi naman nakita ni Sky ang lalaki na sinasabi niyang crush niya. Sinubukan niya ito na tawagan ngunit hindi sumasagot. Napanguso muli siya at umupo na lang sa hagdan ng pool. “What? Nasaan na ang crush mo? Bakit wala naman siya rito?” nang-aasar ang tono na tanong ni Cyan. “Shut up, Cyan. Baka umalis na dahil sobrang bagal mo. Ayaw mo pa kasi ako samahan kanina, eh. Ayan tuloy baka nainip na siya tapos umalis na.” “HAHAHAHA! Baka ayaw niya lang talaga na magpakita sa ‘yo. Pangit siguro ang itsura n’yan. Wala naman na pala tayong gagawin dito, e ‘di umakyat na ulit tayo sa room natin. Bago pa tayo mahuli ng teachers natin na lumabas tayo sa hotel room.” Umiling naman si Sky. Walang bantay sa swimming pool area ngayon. Wala ring tao na gumagamit dahil gabi mas ginagamit ang pool area sa hotel na ‘yon. “I really want to swim. Hindi naman malalim dito. Tara muna at mag-swim saglit, Cyan!” yaya ni Sky. “Walang safety guard ngayon kaya hindi tayo pwedeng lumusong d’yan sa tubig. Baka mamaya ay malalim ‘yan. Parehas tayo na hindi marunong lumangoy lalo na kapag hindi na natin abot ang sahig.” “Ang KJ mo talaga! D’yan ka na lang at picture-an mo na lang ako or take a video. Ise-send ko kay Mom and Dad later. Then, mag-video ka rin sa phone mo na tayong dalawa. Phone ko na lang ang gamitin mo sa pag-picture at video mo sa akin. Okay?” Hindi na umangal pa si Cyan sa request ng kaniyang kambal. Dahan-dahan na bumaba sa hagdan ng pool si Sky at nang naabot na niya ang sahig ay nalaman na niya na hanggang dibdib niya ang tubig. Masayang-masaya si Sky sa tubig habang kinukuhanan siya ng litrato ng kaniyang kakambal. May katangkaran si Sky at Cyan kahit na magdo-dose anyos pa lamang sila. “Hindi naman pala malalim, Cyan! Abot ko pa rin naman. Look, oh!” “Huwag ka lang pumunta sa mas malayo na parte dahil baka mamaya ay biglang lumalim ang tubig d’yan. Malapit na rin naman matapos ang thirty minutes kaya aakyat na rin tayo agad sa room natin.” “Come here muna! Let’s play! Look, oh! Hindi naman kasi malalim— AHH! OMG!” Napasigaw si Sky dahil habang lumalayo siya sa pwesto ni Cyan ay mas lalo pa lang lumalalim ang tubig sa pool. Kaya naman ay hindi na niya maabot bigla ang sahig at nahihirapan na siyang huminga. Hindi siya marunong lumangoy kaya agad siyang nag-panic. “A-a-ang… lalim. H-help me, Cyan!” sigaw niya. Nalulunok na niya ang tubig ng pool habang sinasabi ‘yon. Lumulubog ang kaniyang ulo. “Sky! Sky!” Agad na naghanap si Cyan ng mahihingian ng tulong. “Help! Please help my sister!” sigaw niya. Tumakbo siya at gustong maghanap ng kahit na sinong matanda na makakatulong sa kaniyang kakambal. Ngunit medyo lumalayo na siya. Malayo rin ang swimming pool area sa main lobby ng hotel. Kaya hindi siya makakatawag ng tulong sa mga guards. Ayaw niyang iwan ang kaniyang kakambal kaya naman ay bumalik siya at biglang tumalon sa pool nang hindi na nag-iisip pa. Pinilit niyang hilahin si Sky papunta sa naaabot nila na sahig. Ngunit nahihirapan siya dahil hindi rin siya marunong. Nang mahawakan na niya si Sky at pinipilit na itulak papunta sa mababaw na parte, siya naman ang lumulubog at halos hindi na makahinga. Kaunti na lang ay mawawalan na ng malay si Sky. Bago pa mawalan ng malay si Sky at Cyan ay may dumating na lalaking halos kaedaran lang nila. Agad siyang lumusong sa pool para subukan na iligtas ang dalawa. Ngunit isa-isa lang ang kaya niyang hilahin. “Take my hand! I’ll try to lift the both of you!” sigaw niya. Ngunit ang tanging kamay na ibinigay ni Cyan ay ang kamay ng kakambal niya. “T-Take her… f-first,” sagot pa ni Cyan habang lumulubog na ang ulo. Inuna ng lalaki si Sky na iangat. Umubo nang umubo si Sky habang umiiyak na. Hindi siya nawalan ng malay. “Cyan! Cyan! Please help my brother. Please…” umiiyak na pakiusap ni Sky sa lalaki. “Lumubog na siya. Masiyado nang malalim ang parte na ‘yon at hindi ko na kaya. Hindi ko na rin ‘yon abot. Kailangan na nating humingi ng tulong,” sagot ng batang lalaki. Siya ang tinutukoy ni Sky na gwapong lalaki na nakita niya. “He has a weak heart po. Please, help him. Hindi ko na alam ano gagawin ko. I-I will call for help! Cyan, please stay alive!” Tumakbo na si Sky upang humingi ng tulong. May nakasalubong siya na isang amerikano at agad naman silang rumesponde. Ngunit nang maiahon si Cyan ay wala na itong malay. Ang staffs sa hotel ay nagdala ng first aid kit nang malaman nila ang nangyari Sinubukan nila na i-CPR si Cyan ngunit… “Cyan! Come on! Wake up, pleaseeee! Magagalit si Mommy at Daddy kapag hindi ka gumising ngayon! Cyan, pleaseee! Maglalaro pa tayo, oh. I… I’m so sorry. Hindi na magiging matigas ulo ko. Please po gumising ka na,” nagmamakaawa habang umiiyak na sambit ni Sky habang hinahawakan ang kaniyang kakambal na walang kamalay-malay. “His heart is not beating anymore…” sambit ng nurse ng hotel. Naintindihan naman ‘yon ni Sky kaya mas lalo siyang umiyak. “No! That’s not true!” Dumating na ang ambulansya at hanggang sa loob ng sasakyan papunta sa ospital ay sinusubukan nilang buhayin si Cyan, ngunit wala nang pag-asa… “Cyan Flores… Time of death: 6:28PM December 14, 2015.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD