bc

Forbidden Attraction

book_age18+
323
FOLLOW
1K
READ
billionaire
revenge
forbidden
sex
twisted
sweet
bxg
realistic earth
cheating
seductive
like
intro-logo
Blurb

Sky Bernese — isang magandang dilag na modelo at mula sa isang mayaman na pamilya. Pihikan siya sa mga lalaki at wala pa siyang nagiging nobyo buong buhay niya. Wala rin siyang panahon na magkaroon ng nobyo, dahil sa kaniyang ina.

Noong bata si Sky Bernese ay namatay ang kaniyang kakambal na si Cyan Bernese. Hindi nakayanan ng kaniyang ina ang pagkamatay ng kaniyang kakambal at halos mabaliw na ‘to. Namatay si Cyan sa isang aksidente. Dahil hindi makayanan ng kaniyang ina ang biglaang pagkawala ni Cyan, naisipan ng ama ni Sky na mag-ampon ng isang lalaki na tatayo bilang si Cyan Bernese.

Axel Leo — ang lalaking tatayo bilang si Cyan Bernese. Siya ay inampon mula sa America. Tinanggap siya ng buong puso ng ina ni Sky. Wala na silang pakialam kahit hindi talaga kamukha o kahawig ni Cyan ang lalaki. Ang mahalaga sa ina ni Sky ay may maalagaan pa rin siya bilang kaniyang anak na lalaki.

Ngunit hindi sang-ayon si Sky sa gusto ng kaniyang mga magulang. Hindi niya matanggap na humanap ng kapalit ang kaniyang mga magulang sa kaniyang kakambal. Hindi niya masikmura na may ibang tao nang magpapanggap bilang kakambal niya sa loob ng kanilang pamilya.

Ano nga kaya ang magiging relasyon nina Axel Leo at Sky Bernese?

FORBIDDEN ATTRACTION: Ang istoryang ito ay puno ng mga hindi inaasahang plot twist at magugulat ka sa mga kakaibang eksena! Kaabang-abang ang istoryang ito.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“Sky! Come here! Let’s party!” May bigla na lang humila sa akin habang umiinom ako sa gilid. Napairap ako dahil ang sakit na ng paa ko kakasayaw kanina pa sa dance floor. Tapos may humila na naman sa akin ngayon. “Don’t touch me!” maarteng sigaw ko sa lalaki na humila sa akin. Lumalabo na ang paningin ko ngayon. Ang sakit sa ulo ng alak at ang sakit sa mata ng ilaw sa bar. Sobrang lakas pa ng tugtog kaya halos pati ulo ko ay dumadagundong na. Hindi ko na alam kung nasaan ang mga kasama ko. “Ang arte mo naman! Hindi naman kita binabastos. Gusto lang naman kita na makasayaw!” sigaw pa ng lalaki sa akin. Tiningnan ko siya at ang labo na talaga ng itsura niya sa akin. Ugh! Napasobra na ako sa alak. Kaya ayoko talaga na mag-bar dahil hindi ko napipigilan ang sarili ko. Private bar naman ‘to. Pero marami pa ring tao. Ang dami pang sumasayaw dito sa dance floor ngayon. Pinilit ko na umalis sa harap ng lalaki pero talagang makulit siya at hinawakan pa ang kamay ko para hilahin pabalik. Hinawakan na niya ang magkabilang baywang ko para maisayaw niya ako. “Excuse me! Kung gwapo ka ay papatusin kita! But if you’re not hot and handsome, get your freaking hands off me!” Sinampal ko siya dahil nakita ko na ang pagmumukha niya. Para siyang gangster sa tabi-tabi. Medyo kalbo at pangit na nga tapos manyak pa! The nerve of this guy! “Tang ina, arte mo talaga ah! Totoo pala ang sabi-sabi na maarte ka sa lalaki! Akala mo naman sobrang ganda mo!” sigaw niya sa akin. Mukha namang walang nakakarinig sa sigawan namin ngayon dahil abala ang lahat ng mga tao sa paligid namin na sumayaw at uminom. Pakiramdam ko rin ay may tama na ang lahat ng mga tao rito at wala namang pakialam sa amin. “Oo, maganda talaga ako! Kaya layu-layuan mo ako!” sagot ko pa sa lalaki. “I have money to offer you. One night lang!” Sasagot pa sana ako pero may isa pang humawak sa baywang ko mula sa aking likuran. “No. Ako ang titikim sa kaniya. Maybe you want to consider my handsome face, darling.” Tiningnan ko naman ang lalaki na nasa gilid ko ngayon. Okay… May itsura naman. Gwapo nga at mabango pa. Hinila na niya ko palayo sa crowd. Oo, maarte ako sa lalaki. Pero hindi ako inosente. Ngayong gabi na ‘to ay nagsimula na ang pagiging rebelde ko — sa mga magulang ko at sa sarili ko. I want to experience something new, something wild, something fun, and something exciting! Inilagay ko ang magkabilang kamay ko sa kaniyang leeg at saka siya sinayawan. Nakahawak siya sa baywang ko habang nakakagat pa siya sa kaniyang labi. Oohh, he’s hot. Umaayos na ang paningin ko ngayon at medyo nahuhulasan ako. Pero alam ko na may tama na ako ng alak kanina pa. “So will you consider me?” nang-aakit na tanong niya sa akin. Nginisian ko naman siya. “You’re lucky. You will be the first guy to taste me,” sagot ko sa kaniya. Pinapatulan ko ngayon ang pang-aakit at panglalandi niya sa akin. “Oh my gosh! Is that Sky Bernese, the model?” “What is she doing here right now?” “And who’s that guy? Sinasayawan niya?” “Oh! Sky Bernese is wild!” “Take a picture of her, dali! Magva-viral ‘yan.” “I knew it. May tinatago rin na landi ang babae na ‘yan!” “Sshh! Baka marinig niya tayo. Sinisigaw niyo, oh.” Hindi na ako nagulat ngayon na may nakakilala sa akin at gagawan na ako ng issue. I expected this already. Malamang ay pumunta ako sa isang bar, tapos nawala na ang mga kasama ko, then nakikipagsayaw ako ngayon sa isang lalaki na ‘di ko naman kilala. Of course, may makakakilala sa akin. Sikat ako, eh. I am a branded woman. Hindi rin naman ako nagtago ngayon sa publiko. Naririnig ko ang mga usapan nila dahil biglang humina ang tugtog. Wala na akong pakialam kahit kuhanan pa nila ako ng litrato ngayon o kahit video pa ‘yan. Nagrerebelde na nga ako ngayon. Pagod na ako na magpanggap na isa akong mabuting anak, mabait na babae at matino. No, I’m not like that. I was born to be the bad girl. Hindi ako isang magandang ehemplo para sa lahat ng mga nanonood sa akin sa media. Kaya ngayon ay ipapakita ko na kung sino talaga ako. Hahalikan ko na sana ang lalaki na kasayawan ko ngayon, para naman mas mag-viral ang video nila sa akin. Ngunit bigla na naman na may humila sa akin, palayo sa lalaki na sinasayawan ko. Nagulat ako at hindi ako nakagalaw agad. Ramdam ko ang higpit ng hawak sa kamay ko ng lalaki na nasa harapan ko ngayon. Medyo nasa likod niya ako at tinatago niya ako. Napatingin ako sa hawak niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may emosyon na galit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Hindi ako nasasaktan, pero mahigpit ang hawak niya na ayaw niya akong pakawalan. “Stop filming,” madiin na banggit niya. That voice… I think I heard it somewhere… Natauhan ako at pinilit ko na alisin ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Pero hindi ko maalis ‘yon. “Get off me! I don’t even know who— Hey!” Hindi ko na natuloy ang dapat kong sabihin nang bigla na lang niya akong hinila paalis doon. Nagpupumiglas pa ako noong una pero bigla niya akong binuhat sa likuran niya! Tapos ang bilis pa niya na maglakad palabas ng bar. Naramdaman ko na naman ang hilo at napapikit ako. Nagbabakasakali na sana ay umayos ang pakiramdam ko. Maya-maya ay natahimik na ang lugar. Pagmulat ko ng mga mata ko ay palabas na pala kami sa elevator ngayon. Naalala ko na ang club na nasa baba ay konektado sa hotel, kaya may mga rooms dito sa itaas na palapag. Saan naman ako dadalhin ng lalaki na ‘to?! Hindi ko pa siya masigawan at malabanan dahil nahihilo pa din ako ngayon. Ang iniiwasan ko lang ay ang magsuka. Kaya kinokondisyon ko pa rin ang sarili ko. Nang makapasok na sa loob ng isang kwarto ay saka ako nagsalita. “Ibaba mo ako,” mariin na utos ko sa kaniya. Binaba niya ako sa sahig at nang makababa ako ay mabilis ko siya na sinampal sa kaniyang mukha nang humarap siya sa akin. “Who the hell are you?! Isa ka ba sa mga manyak sa bar? Bakit mo ako dinala rito sa hotel room? I don’t even know who you are!” sigaw ko agad sa kaniya. “Then do you know who’s that guy earlier? ‘Yong lalaki na sinasayawan mo at muntik mo nang halikan kanina?” malamig at seryoso na tanong niya sa akin. Hinarap niya ang kaniyang mukha sa akin. Dahil napatagilid nang sampalin ko siya kanina. Umayos na rin ulit ang paningin ko at medyo luminaw na, pero masakit pa rin ang ulo ko. Saka ko nakita kung gaano siya kagwapo. Mas gwapo pa siya kaysa sa lalaki na muntik ko nang mahalikan kanina. Sobrang tangos ng ilong ng lalaki na ‘to, mahaba ang pilimata, medyo makapal ang kilay, tapos ang kaniyang mga mata ay kulay brown pa. Oh, God! Siya na ba ang pinadala mo para sa akin? Siya na ba ang magdadala sa akin sa langit ngayong gabi? Siya na ba ang magiging unang lalaki na makakatikim sa akin? Parang biglang nagbago ang mood ko. Kung kanina ay galit ako sa kaniya dahil inistorbo niya ang pagrerebelde na balak ko. Ngayon naman ay natutuwa ako dahil sa mas gwapo ko pa pala maibibigay ang pagiging birhen ko. Oo… Plano ko na talaga na isuko ang lahat ng mayroon ako ngayon. Kahit hindi ko naman kasintahan ang makakatikim sa akin. Parte ito ng pagiging rebelde ko sa buhay ko na ‘to. Nilapitan ko ang lalaki na nasa harap ko at hindi siya gumalaw. Nanatali siya na nakatitig ng seryoso sa akin. “For some reason… your eyes look so familiar to me,” medyo nang-aakit na boses na sambit ko sa kaniya. “You’re drunk. You don’t even remember who I am,” sagot niya sa akin. Nagtaka ako ng bahagya sa sinabi niya pero wala ako sa katinuan ko para isipin kung ano ang ibig niyang sabihin. All I want is to kiss his lips… Mukhang malambot at matamis ang kaniyang labi. “Can I kiss you? I want to give up my everything to you right now.” “You’ll regret this night, Sky. Don’t do anything stupid.” Oh, kilala niya rin ako? Hindi na ako nagulat! Kilala ako ng lahat! Sikat ako, eh! Pero kakaiba ang awra ng lalaki na ‘to. Hindi siya katulad ng mga lalaki na na-meet ko kanina na gustong-gusto na akong tikman. Hard to get ang isang ‘to, huh? “I won’t regret this. Mas pagsisisihan ko pa kung hindi ko magagawa ang gusto at plano kong gawin. I want to have sèx with you…” Bigla siyang lumayo sa akin. Naamoy ko na amoy alak na rin pala siya. Napatingin ako sa gilid at nakita kung gaano karami ang bote ng alak na naroon na ubos na. Dito ba siya nag-inom? Siya lang ba mag-isa ang umubos sa mga alak na ‘yon? Nakita ko na napahilot siya sa kaniyang noo. Mukhang may tama na rin pala siya ng alak. Akala ko naman ay ako lang ang may alak sa sistema. Thank goodness that he also has it. Lumapit ako sa kaniya muli at sinubukan ko na siyang halikan, pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko saka deretso na tumingin sa mga mata ko. “Sky, why are you doing this to me?” “What do you mean?” nagtataka na tanong ko sa kaniya pabalik. I can see his desperate eyes… Para bang sinasabi niya sa akin na ‘wag ko nang ipilit pa. “If you keep on doing this to me… I’ll probably lose my mind and I won’t be able to stop myself anymore.” Napangisi ako. “Then don’t stop yourself. Hindi ko rin naman sinabi na pigilan mo ang sarili mo. Crave for me… I’ll satisfy you with what I have.” Hinawakan ko na siya sa kaniyang leeg. Pinulupot ko roon ang mga kamay ko. Hindi na siya gumalaw pa nang ako na ang unang kumilos. Bigla niya na lang akong binuhat at saka hinalikan. Pinatulan ko ang kaniyang halik sa akin. Ngunit maya-maya ay tumigil siya at saka nagsalita. “Sky… You are the forbidden attraction that I refuse to take for years… But I won’t stop myself tonight.” *** ARTICLE: SKY BERNESE IS RUMORED TO BE PREGNANT FOR BEING HIATUS IN MODELING! “What?! Kung buntis ako, sino naman ang bubuntis sa akin?! Sino ang ama ng dinadala ko?! Ano ba naman ‘tong chismis na ‘to tungkol sa akin! Para lang siraan ako?” sigaw ko agad nang makita ang article na kumakalat ngayon sa social media. Katawagan ko ngayon sa phone ang manager ko. “You’ve been hiatus for two months already, Sky. Hindi na ako magtataka kung bakit ganiyan ang mga kumakalat tungkol sa ‘yo. Kahit ako ay hindi mo ina-update kung bakit ka ba biglang tumigil sa modeling.” “Hindi ba dapat ay trabaho mo na ipagtanggol ako? Hindi ba ako pwedeng magpahinga? I have been working for years. I think I deserve to take a rest for a couple of months.” “I’ll wait for you and let’s talk about this in person. Kahit ako ay mapapaisip na baka buntis ka nga dahil hindi ka rin nagpapakita sa akin sa personal, Sky. I’ll give you an official rest basta magpakita ka muna sa akin. Okay?” Pinatay ko na ang tawag niya at hindi ko na siya sinagot pa. Dahil ang totoo ay nagtatago ako ngayon… Am I really pregnant? I kept on feeling these symptoms… that only pregnant woman have… Hindi ako pwedeng mabuntis… Lalo na at hindi rin pwedeng ang ama ng anak ko ay ang lalaki na ‘yon. Hindi maaari… Dahil hindi kami pwedeng dalawa…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook