Claire's POV 8:00 AM. Monday. Pagpasok ko ng classroom, ramdam ko ka agad ang energy ng buong section. May mga nagkukulitan sa likod, may sumisigaw ng "pa-kopya!", at may ilang tahimik lang sa upuan, sabay-sabay ang kamay na gumagalaw sa pagsusulat ng assignment na due in ten minutes. Ako? Nasa gitna lang. Literal at figuratively. Hindi masyadong tahimik, hindi masyadong maingay. Sakto lang. "Claire!" Sigaw ni Andrea habang lumapit sa akin. "Anong sagot mo sa number three sa Math?" Binigay ko agad yung sagot. "Pero huwag mo i-copy-paste, ha. Iintindihin mo dapat." Tumawa siya. "Copy that, ma'am." First subject: Math. Si Ma'am Rodriguez ang teacher namin sa Math. Strict pero fair. At higit sa lahat, laging may hugot habang nagtuturo. "Class, just like life, equations are meant to b

