Alexander's POV Ang tahimik ng bahay ngayon. For once, walang maingay na music galing sa sound system, walang dumadagundong na background noise mula sa TV, at hindi umiiyak ang aso namin sa labas. Pero sa totoo lang, hindi ako sanay sa ganitong katahimikan. Kaya ngayong araw, mas pinili kong imbitahin ang buong squad dito sa bahay para sa supposed to be group study session namin para sa upcoming quarterly exam. "Bro, sure ka bang okay lang talaga dito?" Tanong ni Mark habang dala-dala ang isang backpack na parang isang buong locker ang laman. "Oo naman." Sagot ko. "Wala sina, Mom and Dad, nasa business trip. Maluwag ang bahay." Si Nicole, Carla, Andrea, Megan, Claire, Victor, Andrew, Julio, at Mark. Lahat sila ay unti-unting pumuno sa sala namin. Halos hindi ko alam kung excited ba sil

