Chapter 3

2533 Words
 HINDI ko alam kung bakit pero hindi ko talaga siya makita, Amor!” May panic sa tinig ni Luna. Siguro ay nararamdaman din nito ang situwasyon niya. Kasalukuyan silang nakaupo sa isang pabilog na mesa: siya, si Mrs. Gatchalian at si Nina. Si Luna ay nakatayo sa tabi niya at kasalukuyang isinasagawa ang ritwal para kausapin ang kaluluwa ni James. Hinihintay na niya ang isasagot nito sa mga tanong ni Mrs. Gatchalian pero iyon nga, hindi raw nito ma-contact ang kaluluwa ng taong iyon. Pinagpapawisan na siya kahihintay sa sasabihin ni Luna pero wala pa rin itong positibong sagot. Pinilit niyang mag-focus at nagsimulang mag-adlib. “James, narito kami. Magparamdam ka. Ang bilog na ito ay simbolo ng dibisyon ng mga espiritung ligaw o mga kaluluwang nananahan pa dito sa lupa at ng mga taong nabubuhay pa. Halika. Huwag kang matakot na tumawid. Kailangan ka naming makausap...” marahan niyang sabi, umaasang ano mang sandali ay may masasabi nang matino sa kaniya ang kapatid. “Wala pa rin, Amor…hindi ko siya makita…” “James, halika…sige, lumapit ka pa. Huwag kang matakot...” “Wala talaga eh! Ano’ng gagawin natin ngayon?” “Tumawid ka at pumasok sa liwanag na iyong nakikita, James...halika...” “Amor, sorry...negative!” “Sorry, James...negative...” “Huh?” Napadilat siya nang maramdaman ang pagbitiw ni Mrs. Gatchalian sa kaniyang kamay. Mabilis siyang napatingin rito. “Pinaglololoko mo ba kami? Kanina ka pa halika nang halika diyan, may pabilog-bilog ka pang nalalaman! Nasaan na ang kapatid ko?!” “Eh, Misis…malabo pa po ang nakikita ko eh…sobrang layo ng kaluluwa ni James sa portal. Hindi pa po siya makapasok…” “Kailan siya papasok? Bukas? Sa makalawa? Next year?” “Depende po sa kaniya—pero sigurado po akong malapit na, Misis! Nararamdaman kong malapit na!” Umangat ang kilay ng babae at pagkuwa’y masama ang tinging ipinukol sa kaniya. “Siguraduhin mo lang na hindi mo kami pinaglololoko! Kung hindi, iaatras ko ang five units na sinasabi ko sa’yo at idedemanda pa kita!” “Demanda? Ano po’ng kaso?” “Cheating! Kahit anong kaso basta idedemanda kita!” “Grabe Ma’am, huwag naman po!” awat niya rito. “Promise po, sa susunod ay sisiguraduhin ko nang makakausap ninyo si James.” “Sure ka ha?” “Opo. Next time po ay magsama kayo ng lalaki. Baka po maisipan niyang sumanib, mas mabuti pong sa lalaki niya iyon gawin.” “Sige.” Walang babalang tumalikod na ito pagkatapos. Kasunod nito si Nena na pangiti-ngiti lang.   “BAKIT nagkaganoon?” sita ni Amor sa kakambal na si Luna nang makauwi na sila sa kaniyang condo unit. “Aba’y ewan ko! Hindi ko din alam kung bakit hindi ko makita ang kaluluwa ng James na ‘yan! Baka naman ayaw magpakita sa kapatid niya o kaya ay nananahimik na.” “Pinatay siya, Luna! Siguradong naghahanap ng justice ang kaluluwa niya. Kung nakita mo lang ang hitsura niya, grabe, hindi mo iisiping si James iyon!” “Ha? Bakit, nakita mo ba?” “Hindi. Kuwento lang ni Nina sa phone.” Sumimangot ang usok na si Luna. “Kung makapagsalita ka naman, akala mo nakita mo talaga eh.” “E ano na ang gagawin natin ngayon? Sayang naman ang five units, malaki ang komisyon ko doon,” nanlulumo niyang sabi. “Sa susunod ay pagbubutihan ko na. Baka mailap lang talaga ‘yang James na ‘yan kaya ayaw magpakita pero pipilitin kong makausap na siya next time.” “Sige. Please do your best, sis. Kailangan ko na ng pera para hindi mawala ang bahay natin na pinaghirapan nina Mama. Teka, ‘di ba sabi ko sa’yo dati, itanong mo sa kanila kung bakit nila isinangla ang bahay?” Napailing-iling ito. “Hindi ko na sila ma-reach. I told you, ibang level na sila sa akin dahil pinili kong mag-stay dito kasama mo.” “So nasa langit na sila?” “Kung sa langit nga sila pupunta...” “Ano kamo?” gulat niyang tanong. Nag-peace sign lang si Luna sa kaniya. “Hindi ba puwedeng mag-joke? Malay mo, hindi agad tumuloy sa langit. Baka namasyal muna kasi may tsika na boring daw sa langit.” “Grabe ka. Hindi ganoon sina Papa at Mama. Sabi mo nga, wala na silang earthly desires dahil wala na silang pisikal na katawan tulad ko. Hindi na sila tao, ‘di ba.” “Kaya nga joke, eh. Hindi totoo. Huwag kang masyadong serious, baka sumunod ka agad sa amin.” Tumawa siya. “Kakayod na lang ako para matubos ang bahay. Saka na ako susunod.” “Hindi, nagmamadali ka yata eh…” “Hindi naman. I’m taking my time...” Malakas na tawa na naman ang pumuno sa kaniyang silid. Matapos ang evening routine  ay nahiga na siya sa kaniyang kama. Tumabi naman si Luna at yumakap sa kaniya. Ilang sandali pa ay payapa na silang natutulog na magkapatid.           IKALAWANG gabi ni Miguel sa Villa Esperanza. So far, okay naman ang stay niya. Kakatwang masarap ang tulog niya nang nagdaang gabi. He spent the day staying at home. Nag-gym siya at nagbasa-basa sa library. Nag-short nap nang bandang hapon at nang gumabi ay saglit na naligo sa swimming pool saka nag-dinner. Nagpapa-deliver na lang siya ng pagkain para walang hassle pero kanina ay inutusan niya si Lester na ipamili siya ng beer at juice. May refrigerator naman ang silid niya kaya walang problema. Nagpalit siya ng damit pantulog at saka nahiga sa kama. He took one magazine from the cabinet of the bedside table and started flipping through its pages. Mayamaya pa ay naghihigab na siya. He checked the clock on his side. Nine o’clock. Maaga pa pero inaantok na siya. Ibinaba niya ang binabasang magazine sa kama at saka pumikit pero hindi pa man tuluyang nakakatulog ay napadilat siyang muli nang marinig ang paglangitngit ng kung ano. Bumangon siya at nakiramdam sa paligid. Nakita niyang bukas ang bathroom door. Napakunot ang noo niya dahi natitiyak niyang sarado naman iyon kanina. Tumayo at humakbang siya palapit roon. Wala sa loob na nahawakan niya ang door knob bago napatingin sa loob ng banyo. Humakbang siya ulit at pumasok roon. Maingat na tiningnan kung may nakapasok nang hindi niya namamalayan. Walang tao. Walang anu-ano’y may narinig na naman siyang tunog sa kabilang silid. Saglit siyang nakiramdam. Silence. Humakbang siya palapit sa katapat na pinto. Maingat na in-unlock niya iyon. Bubuksan na lang niya ang pinto nang biglang may kumatok sa pinto ng kaniyang silid. Gulat na napahakbang siya pabalik sa loob. “Nanang?” tawag niya sa napagbuksang matanda. “Nasa ibaba si Jerry. Hindi ka raw niya makontak kaya hindi siya nakapagpasabi.” “Sana po ay tumawag na lang kayo para hindi na kayo naabala.” “Ayos lang at talaga namang papanhik ako para pumunta sa library.” Ang library ay katapat ng museo na nasa dulo ng pasilyo. “Okay, salamat po. Nasaan po ngayon si Jerry?” “Nasa porch. Doon mo na lang daw siya puntahan.” Tumalikod na ang matanda pagkasabi niyon. Siya naman ay nagpalit ng shorts at sando saka bumaba. Quarter to ten. Napailing siya sa sarili. Ibang klase talaga itong abogado ng papa niya. Gagawin kung ano ang maisipan sa buhay.   “KUMUSTA ang stay mo rito sa Villa Esperanza, pare?” tanong ni Jerry matapos siyang tapikin sa balikat. Inabutan niya ito ng dalawang bote ng beer bago ito sinagot. “Ayos naman. Akala ko nga ay hindi ako makakatulog dito but so far, so good.” “Mabuti naman. Gusto mo na ang bahay na ‘to, pare?” nakangising tanong ni Jerry. “Okay lang. Bakit, ibebenta mo sa’kin? Wala akong interes, pare. Saka mukhang okay naman, maraming umuupa. Bakit ibebenta? Dahil sa multo ba?” “Sinabi ko bang ibebenta?” Tumawa ito. May sasabihin sana ito tungkol sa bahay pero hindi sinasadyang naputol niya iyon nang magkasabay silang nagsalita. “Teka, pare. Tama ba ang narinig ko? May multo sa bahay na ‘to?” “Huwag kang maingay, baka marinig ka ni Nanang!” sita niya rito sabay linga sa paligid. Ikinuwento niya rito ang mga karanasan niya sa loob ng dalawang araw na itinigil roon. Una, naririnig niyang may nagpapatugtog sa silid na kakonekta ng inookupa niya. Hindi naman nakakatakot ang tunog kaya hindi na niya pinapansin. Inakala pa nga niyang si Nana Pacita iyon o ibang guests pero nang pasimple niyang itanong kay Lester kung may occupant sa kabila ay sinabi nitong wala. Nakakandado raw iyon dahil hindi pinapagamit. Ikalawa ay nang minsang nagtu-toothbrush siya. Naaninag niya ang isang bulto ng katawan sa kaniyang likuran pero nang tingnan niya ay wala namang kahit sino roon. Inisip niyang guni-guni lang iyon kaya hindi na naman niya pinansin. Ang ikatlo ay ang nangyari kanina. Balak na nga sana niyang buksan ang kabilang silid upang masigurado ang hinuha nang biglang kumatok si Nana Pacita. Napalingon siya kay Jerry nang marinig ang malakas na pagtawa nito. “Nagpapatawa ka ba, pare? Multo? Hindi na uso iyon, ano ka ba?!” “I don’t believe in ghosts, as well. Kalokohan ‘yan para sa akin pero ewan ko ba! Tumataas ang balahibo ko, pare.              ” Muling tumawa si Jerry. “Ilang gabi rin akong natulog sa silid na iyon pero wala akong naramdaman. Baka naman pati mga multo ay nagkakagusto na sa’yo niyan, wala na ko talagang masabi!” “Loko!” aniya, then he murmured expletives. Tinawanan lang siya ni Jerry. “Ano na nga ulit ‘yung sinasabi mo kanina?” “Alin?” “Yung tungkol dito sa bahay. Balak mong bilhin o ipinabebenta?” “Ah, wala. Nakalimutan ko na rin eh.” Tumawa ito at saka tinungga ang hawak nitong bote ng beer.   “LUNA! Luna, nasaan ka na naman ba?! Huwag mo naman akong pahirapan, please! We need to talk!” Sinipat ni Maria Amor ang sarili sa salamin. Suot naman niya ang medalyon. Ayaw lang talagang makipag-usap sa kaniya ng kakambal. Ah, siguro ay nagtatampo na naman ito. Ang tamporista niyang kapatid! “Okay, tapusin lang natin ang project natin with Mrs. Gatchalian at uuwi na tayo. Promise ‘yan! Next week, magpapaalam ako sa boss ko at uuwi tayo sa bahay. Yuhooo! Luna!” Napahugot siya ng isang malalim na paghinga nang ilang sandali na ay wala pa rin si Luna. “Ano ba’ng gagawin ko sa’yo, Luna?” desperado niyang tanong. Problemado siya. Kanina ay nakatanggap na naman siya ng sulat. Isang buwan na lang ang palugit na ibinibigay ng abogado sa kaniya at kung hindi siya makababayad ay kailangan na raw nilang magpirmahan ng mga dokumento. Litong-lito siya kung ano ang gagawin. Halos ay one third lang ng halagang kailangan ang ipon niya. Naroon pa ang mga panggastos niya. Kinausap na niya si Luna tungkol sa kaniyang problema at humingi ng payo rito pero nainis lang siya sa suggestion nito. Ibenta raw niya ang mansiyon sa mas malaking halaga. May point kung tutuusin. Wala na siyang utang, may pera pa siya. Meron naman siyang condo unit at mga condotels na siguradong pagkakakitaan sa hinaharap kaya hindi siya mawawalan ng tirahan. Puwedeng-puwede nga sana niyang sundin ang payo ng kapatid pero paano niya iyong gagawin kung walang katumbas na halaga ang bahay na iyon para sa kaniya? Ang mansiyon lang ang tanging bagay na nagpapaalala sa kaniya ng lahat-lahat tungkol sa kaniyang mga magulang. Tungkol sa kaniyang kabataan kung saan normal ang lahat. Magkasama sila ni Luna, masaya—sa piling ng kanilang mama at papa. How could she just let go of that property? “Kung ayaw mong ibenta, ako ang magbebenta!”ani Luna. “Ano’ng sinasabi mo diyan? Ano, magiging tao ka at ikaw ang magbebenta ng bahay, ganoon?” “Amor, makinig ka! Hindi na natin kailangan ang bahay na iyon! Patay na ang mga magulang natin at kahit ano pa ang gawin mo, hindi na tayo babalik sa nakaraan! Sell the house and live a peaceful life, ganoon kasimple!” Napailing-iling siya kasabay ng malaking disappointment. Hindi niya alam kung bakit nang lumaki sila ay nagkaroon sila ng malaking pagkakaiba ni Luna. Dati naman ay parehong-pareho sila. Tuwang-tuwa nga ang lahat lalo na ang kanilang mga magulang dahil hindi lang anyo ang magkamukha sila—kundi halos sa lahat ng bagay. Paborito nila ang nakatirintas na buhok. Gustong-gusto nila pareho ang sunrise. Ayaw nila ng sunset dahil para sa kanila ay malungkot itong tingnan. Pareho rin sila ng mga paboritong pagkain at higit sa lahat, pareho din silang takot sa tubig. Pero kahit pareho ng gusto, hindi sila nag-aagawan sa mga gamit nito. Palagi silang nagpapasensiyahan. Luna was very patient when it came to her. Ito ang laging nagpapasensiya at tinuruan din siya nitong maging matiisin. Natatandaan niya lahat ng bagay na iyon. Ang mga laruan at damit, kahit pareho sila ng gusto ay may schedule sila ng paghihiraman. All those things, si Luna ang may ideya. Sadyang mabait ito at mapagmahal na kapatid. Kaya laking pagtataka niya ngayong ipinabebenta nito ang bahay. Naisip niya, ganoon ba ‘pag namatay? Nawawalan ng emosyon? Pero bakit matampuhin naman si Luna? Bigla siyang napabalikwas nang lumitaw ang usok ni Luna sa sulok ng pinto. Paminsan-minsan ay natatakot pa rin siya kapag bigla itong sumusulpot, lalo ngayon na seryoso ang anyo nito habang nakatingin sa kaniya. Wala itong kangiti-ngiti. “Bakit ganyan ang tingin mo sa’kin?” tanong niya ritong pilit kinakalma ang sarili mula sa pagkagulat. “Ano’ng nasa isip mo?” tanong nito. May limitasyon ang kayang gawin ng kapatid. Nakakakita at nakakarinig ito pero hindi nito kayang basahin ang isip ng isang tao, liban na lang kung yumao na ang taong kausap nito. “Kanina pa kita hinihintay. Saan ka ba nagsuot?” tanong niya rito. Hindi nito sinagot ang tanong niya. Umangat ang mga paa nito sa sahig at tinangay ng hangin sa kama. Naupo ito roon habang nakatitig pa rin sa kaniya. “Napag-isipan mo na ba ang sinabi ko?” “Hindi ko ‘yun kayang gawin. Please naman, Luna. ‘Yun na lang ang alaalang iniwan niyo sa akin.” “Hindi ka naman umuuwi doon, ano pa’ng silbi?” “Busy lang talaga pero siyempre, uuwi din ako.” “Umuwi ka na. Umuwi na tayo doon. Doon mo i-celebrate ang birthday mo.” Napangiti siya pagkaalala sa kaarawan. Tama ito, malapit na nga ang twenty-second birthday nila. “Birthday natin iyon, nakalimutan mo na ba?” “Hindi naman nagbi-birthday ang mga patay.” “So ilang taon ka na ngayon? Seven pa rin?” “Hindi. Sixteen.” Tumawa ito. Bahagya siyang nagtaka nang nakaramdam siya ng kilabot sa tawang iyon ng kakambal. “Joke lang. Ayusin mo nga ‘yang sarili mo, mukha kang namumulto!” Siya naman ang napangiti. “Ano pa nga ba? Kapag may nakakita sa’kin ay pag-iisipan pa ‘kong nababaliw nito.” “Huwag kang mag-alala, temporary lang ito at matatapos din.” Bigla siyang kinabahan. Ibig bang sabihin ay iiwan na siya ng kapatid? “Aalis ka? Sasama ka na kila Mama?” Lumungkot ang anyo nito. Tumitig sa kaniya nang kung ilang saglit bago nagsalita. “Lahat naman ay may katapusan, Amor. Alam naman natin iyon kahit noon pa.” Unti-unting nangilid ang luha niya sa mga mata. Ang isiping mag-iisa na talaga siya nang tuluyan ay nagpabigat sa kalooban niya. “Oh, umayos ka! Ano’ng idina-drama mo diyan?!” anito sabay hagis sa kaniya ng isang stuff toy. Kung titingnan ng isang ordinaryong mata ay lumutang sa hangin ang stuff toy na iyon bago bumagsak sa kaniyang harapan. “Huwag ka ngang emo diyan! Pati ako, nahahawa sa’yo eh.” “Nauna ka kasi eh.” Kinuha niya ang stuff toy at inihagis din dito. Umalingawngaw ang tawa ni Luna nang tumagos lang iyon sa katawan nito. “O sige na, magpahinga ka na at maaga ka pa bukas.” “Ha? Saan ako pupunta?” taka niyang tanong. “Sa Tagaytay.” “Luna!” “O bakit? Doon ko gustong mag-birthday.” “I need to work. Wala munang birthday-birthday!” “Pag hindi ka umuwi, akong mag-isa ang magbi-birthday sa mansiyon at dahil wala ka, sasanib ako sa kahit sino doon para personal kong mai-celebrate ang birthday mo.” Ngumiti ito nang makahulugan. “Bakit dumadagdag ka pa sa problema ko, Luna? Hindi ko na nga alam ang gagawin eh.” “Eight months ka nang hindi umuuwi doon. Isa pa ay ngayon lang ako hihiling sa’yo. Doon ko gustong mag-birthday.” “Pero—” “Hindi ko kakausapin ang kaluluwa ni James kapag hindi mo ‘ko pinagbigyan! At magugulo ang mga plano mo oras na nagparamdam ako sa mansiyon!” “Hindi mo gagawin ‘yan...” “Actually, ginagawa ko na. At tuluyang mabebenta ang mansiyon kapag hindi ka pa kumilos.” “Luna naman!” “Kaya nga matulog ka na dahil maaga pa tayo bukas!” Tila walang ano mang nahiga na ito matapos sabihin iyon. Wala siyang nagawa kundi pagmasdan ang tagos-tagusan nitong usok.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD