Chapter 1

2893 Words
Five years later… HINAPLOS ni Miguel Alcaraz ang gumagatid na sintido. He was really stressed. Sumasakit na ang ulo niya sa kabi-kabilang problema sa Alcaraz Dream and Designs (ADDS), ang architectural firm na pagmamay-ari ng pamilya. He was thirty-one years old pero pakiramdam niya ay doble na ang edad niya sa dami ng responsibilidad niya sa ADDS. Mula nang maka-graduate sa kursong Architecture sa edad na beinte uno, napasabak na siya sa pagpapalakad ng firm. He only had two years of rigid training but because of the fact that he had no choice but to be excellent in his field, he did everything to make the impossible possible. Napaigtad siya nang tumunog ang intercom. Inangat niya iyon at saglit na nakinig sa kaniyang sekretaryang si Faye. May bisita raw siya na nasa lobby ng building—si Jerry Robles, ang kaniyang matalik na kaibigan at abogado ng kaniyang ama. Ilang saglit pa ay naroon na ito sa kaniyang opisina. “Woke up at the wrong side of the bed? Again?” kantiyaw nito matapos makipag-high five sa kaniya. Pagkuwa’y prente itong naupo sa harap ng table niya. Iling lang ang naisagot niya rito. “I told you, magbakasyon ka muna. Maloloko ka sa dami ng problema sa negosyo, man! Matagal na kitang binalaan,” tatawa-tawa nitong sabi. “ I knew it wasn’t easy but I didn’t know it was that stressful.” “Well, there’s no easy money. Alam mo iyon. Nagkataon lang at alam kong hindi mo ito linya. Mas gusto mo pa yatang ibilad ang sarili mo sa photoshoot kaysa dumito sa firm ng dad mo.” “Very ironic. Hindi ko linya pero ito ang profession ko! What the heck!” “Of course, I know that! Pero alam ko rin na hindi mo ito talaga gusto. Dad mo lang ang pumilit sa’yong kunin ang Architecture para sa ADDS, pero wala rito ang puso mo. Anyway, you’re already here at sa tingin ko ay kaya mo naman. Kaunting tiyaga lang, pare.” “Ano pa nga ba?” Kinuha niya ang puswelo ng kape at ininom ang nalalabing laman niyon. Inalok rin niya si Jerry pero tumanggi ito. “I’m not taking coffee anymore, thanks,” anito. “Anyway, may sadya ako sa’yo. Naparito ako dahil gusto kong i-discuss sa’yo ang properties ng daddy mo. Katatawag ko lang sa kaniya at wala pa siyang planong umuwi. When I asked him about this certain property in Tagaytay, he told me to talk to you. Sa’yo ko naman daw ipapangalan ang property na iyon.”   According to Jerry, Villa Esperanza was an old mansion that was built during the Spanish era. It was originally called Villa Esmeralda but was later changed to Villa Esperanza to give honor to the wife of the owner. “Wow! Look at that old man. Bili nang bili ng lupa, mukha namang walang interes pagkakitaan ang mga iyon.” “He was not like that before. Ngayon na lang na natutong tumingin sa ibang babae. Siguro, na-realize ng daddy mo na bata pa siya at puwede pa siyang mag-asawa ulit. Your mom has been dead for three years now. Siguro naman ay hindi na iyon issue sa inyong mag-ama.” “Hindi na ‘ko bata, Jerry. I already understand things like that. That’s life. Bakit ko naman pipigilan si Daddy na maging masaya ulit, hindi ba?” “You’re right. Pero ikaw, ano’ng plano mo ngayon? Kaya mo ba ‘tong mga ginagawa mo?” “Of course. Just like what I’ve said, stressful pero kaya naman.” “E bakit ganyan ang tabas ng mukha mo kung kaya mo naman pala? Daig mo pa ang nasunugan.” Bahagya siyang nagkibit ng balikat. “Babae, ano? Tama ako ha? Babae nga?!” kulit ni Jerry sa kaniya. Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot. “I need to do something, pare. I’m not getting any younger. I’ll be turning thirty-two next month. Weird pero gusto ko nang lumagay sa magulong buhay.” “Wow, pare! Ang bigat! So who’s the lucky girl? Is it Champagne? Rochelle? China? Sino, pare?” “None of the above.” “What? ‘Di ba ‘yun ang mga flings mo ngayon? Who else?” “Ikaw na rin ang nagsabi, they’re just but flings.” “So, sino nga? Don’t tell me, si Cristina?” “And why not?” Natatandaan niyang naipakilala niya rito si Cristina noon bago lumipad pa-California ang dalaga. “Hindi ko naisip na mahilig ka sa LDR, pare. Wala naman, I just had no idea.” “LDR?” “Long distance relationship. Grabe, wala kang kaalam-alam sa mga ganyang bagay.” “At ikaw naman ay maraming alam. Para kang hindi lawyer sa mga sinasabi mo.” Tumawa lang si Jerry, pagkuwa’y nagseryoso. “So when will be the wedding? I guess, kailangan mo nang asikasuhin ang tungkol sa property na sinasabi ko dahil siguradong magiging busy ka sa mga darating na araw.” “Next time, pare. Give me a month—” “Pero kailangan na nating asikasuhin iyon dahil—” “Please pare, not now. Wala ako sa mood. Isa lang ang nasa isip ko ngayon.” “Marriage proposal?” “Nope. Not yet, at least.” “Alam ko na.” Napatingin siya rito. Nakakaloko ang paraan ng pagkakatingin nito sa kaniya. “Break up series!” Natawa siya sa sinabi nito. “Series talaga, pare?” “Totoo naman. ‘Yung tatlong flings na ‘yun, sila lang ba talaga o sila lang ang kakilala ko?” Hindi siya kumibo at sa halip ay umiling lang habang nakangiti. After all, kilalang-kilala na siya ni Jerry. Mahigit sampung taon na itong abogado ng kaniyang ama at maraming bagay itong alam maging sa personal nilang buhay na mag-ama. He was ten years older than him pero para na silang magkapatid kung magturingan nito. Jerry, for him, was a family. “I have a good idea, pare. Why not spend some time in Cebu after this break up series? Or Palawan? Magbakasyon ka para makahinga nang kaunti. Mag-isip-isip ka muna, then saka mo pagpasyahan ang naiisip mong desisyon.” Nakita niya ang punto ni Jerry pero para sa kaniya ay hindi na iyon kailangan. Desidido na siya and that was to marry Cristina. Para sa kaniya ay ito ang babaeng nararapat niyang pakasalan. Maganda, matalino at matinong babae. She was different from those women who were associated with him. Kakaiba ito sa lahat at iyon ang dahilan kung bakit sa tingin niya ay ito ang babaeng dapat magdala ng kaniyang apelyido. Tumango na lang siya kay Jerry para hindi na humaba ang usapan. Matapos ang maikling kuwentuhan pa ay nagpaalam na ito. Siya naman ay tinawagan ang sekretarya at nagpahingi ng appointment sa mga babaeng kailangan niyang kausapin. His break up series should start the soonest possible.   CHAMPAGNE, done. Rochelle and China, done. Maggi, done. There’s one more but it was unnecessary to talk to her. Kanina ay si Chiara na mismo ang tumawag sa kaniya at sinabing pupunta ito ng Japan. Sa takbo ng usapan nila ay alam niyang nagkakaintindihan na sila nito. There was no any commitment between the two of them. Nakahinga siya nang maluwag matapos kausapin ang huling babaeng bin-reak niya—si Maggi. It was not easy, after all. Sa unang dalawang babae ay hindi siya nahirapan pero ang dalawang huli ay nagpasakit ng ulo niya. Both of them were expecting a more serious relationship from him. Very funny. Alam niya sa sarili niyang bago siya pumasok sa isang relasyon, alam na ng babae ang stand nito sa buhay niya. He was not the marrying type and they both knew it. Kaya naman nakakapagtaka ang reaksiyon ng dalawang iyon. China slapped him while Maggi cried a river as soon as he broke the news. So, he’s done. Now, he had to talk to Cristina. He had been trying to call her since morning but there was no response from her. The last time they talked was about a week ago. Noon lang niya na-realize na na-neglect pala niya ito. Hindi tulad ng iba niyang girlfriends, masyadong independent si Cristina. Balewala rito kung gaano kadalas silang magkita nito sa loob ng isang buwan. Ganoon ka-cool ang babaeng gusto niyang pakasalan. Na-i-imagine na niya ang magiging buhay niya with her as a wife. Work, night out, house…no hassle. Walang asawang magna-nag dahil na-late siya nang uwi. Hindi ganoong klaseng babae si Cristina. He dialed her number again and this time, she took the call. “Babe!” bulalas niya. “Miguel!” anito. Another thing that was cool with her. No endearments. Miguel lang siya para dito but he liked it. Hindi niya gusto ang babaeng tila pusa sa kalambingan. “How have you been? I’m missing you already.” Hindi agad ito nakaimik. Kinailangan pa niyang tawagin ulit ang pangalan nito bago ito muling sumagot. “Sorry, Miguel, busy lang.” “I see. Can we see each other tonight?” “Ha? Ano kasi eh…” Another thing that he liked in her. She was not the easy type. Bago niya ito ma-i-date ay marami pa itong alibi but of course, she would eventually give in. Siguro ay istilo lang nito iyon para magpakipot. But he liked the way she did it. Very much. “Hindi kasi ako puwede tonight. Medyo busy rin ngayong week. I’m not sure if I can go out this week.” Bahagya siyang nagulat doon. That was the first time she refused dating with him. Dati kasi ay magpapakipot lang itong saglit pero sa huli ay papayag din naman na lumabas kasama siya. Pinakiramdaman niya ang tono ng mga salita ng nobya pero sa tingin niya ay wala talaga itong oras para sa kaniya. “Babe, ganito na lang. I’m coming over then—” “No! No, Miguel, please!” He was surprised with her reaction. Tila ba takot na takot ito sa isang bagay. “Babe, are you all right? What’s going on? May dapat ba akong malaman?” Hindi na naman ito nakakibo. Ilang saglit pa ay narinig na niya itong umiiyak. “I’m sorry, Migz…I’m really sorry…” “W-what do you mean?” kinakabahan niyang tanong. “Where are you? I’m coming over, okay. Let’s talk.” “Miguel, I’m not home. I don’t know when to come home. May inaasikaso ako at sorry kung hindi kita nasabihan.” “I could file a leave of absence if you want. I could help you with whatever—” “I’m sorry, Miguel…” “What do you mean?” naguguluhan niyang tanong. “You’re a good person. Despite everything, I truly like you. But the thing is…we’re not meant for each other. I fell in love with someone else…” Pakiramdam niya ay pinompyang ang magkabila niyang tenga dahil sa narinig. He couldn’t believe what she said. “So that’s it? You’re breaking up with me?” Halos bulong lang iyon. Daig pa niya ang may tinik sa lalamunan. “Yes. I’m really sorry, Miguel…” Ilang sandali nang naibaba ni Miguel ang hawak na cellphone pero tulala pa rin siya. Hindi pa rin niya mapaniwalaan ang mga narinig kay Cristina. Kanina lang ay siya ang nagbitiw ng mga salitang iyon, how come they all fired back at him now? Totoo nga ba ang karma at sa ilang oras lang ay bumalik na iyon sa kaniya? And she just broke up with him over the phone! Hindi man lang ba nito pinahalagahan ang relasyon nila? Tulala pa rin siya nang marinig ang ringing tone ng kaniyang cellphone. Jerry was calling. He answered the call and talked to him. “What now, pare? Mission accomplished? Kailan ang wedding bells?” Hindi agad siya nakakibo sa tanong na iyon ni Jerry. He wanted to scream. Pakiramdam niya ay masyado siyang nainsulto sa ginawa ni Cristina. Masyadong nakakalalaki ang biglaang desisyon nito. But knowing her, she would not easily change her mind. Sigurado siyang desidido sa sinabi ang dalaga. “Saan magandang magbakasyon, pare? Sa Palawan o sa Cebu?” “Huh?” “You heard me, pare. Can you do me a favor? I need to leave right this very minute.” “You’re kidding, right?” “Unfortunately, I’m serious, pare.” Gulat na gulat si Jerry. He couldn’t blame him. He was surprised either. Little did he know that the break up series he suggested would include him!   SA HALIP na Cebu o Palawan ay sa Tagaytay natuloy si Miguel. Tama naman si Jerry dahil mai-i-stress lang daw siya kung bibiyahe pa siya samantalang kung pahinga lang ang kailangan niya ay hindi naman niya kailangang lumayo. Nagpasya itong mag-drive para sa kaniya na hindi niya tinanggihan. He needed someone to talk to for the whole duration of the trip. Kailangan niya ng kausap at nang isang taong makikinig sa kaniya. Tamang-tama dahil may alam naman daw na place si Jerry at doon siya dadalhin nito. It took them almost two hours to travel. Two hours din silang nag-usap ni Jerry tungkol sa kaniyang nakakatuwang break up series. Sa halip na makisimpatya ang lalaki ay tinawanan lang siya nito. Accept defeat, iyon lang ang matinong sinabi nito sa kaniya. The rest, puro pang-aasar at pagtatawa. Humimpil ang kotse sa harap ng isang mataas na gate na bakal. Nauna siyang bumaba sa kotse at tumayo sa harap niyon. Alas sais pa lang ng hapon kaya hindi pa masyadong madilim ang paligid, sapat para mabistahan niya ang kinaroroonan. Mula sa labas ay nakikita niya ang isang malaking bahay na animo nag-exist noong unang panahon. Malawak ang bakuran niyon na pinakatampok sa harap ay isang fountain. Sa gitna ng fountain area ay isang babaeng rebulto na may bangang hawak at nakapatong sa balikat nito. Doon nagmumula ang tubig na umaagos sa paikot na tila balon. “Nice, pare. Ano ‘to, shooting location?” patuya niyang sabi kay Jerry na tulad niya ay nakamasid sa malaking bahay. Bahagya itong tumawa. “Pare, this is a nice place, believe me. Minsan na akong nakapag-overnight diyan at kung talagang peace ang kailangan mo, maniwala ka sa aking makukuha mo ‘yan dito.” “Peace? Dito? Ibang klaseng peace ‘to, pare. Mukhang bahay ng kastila na hindi natitirahan ng tao.” Akma na siyang babalik sa kotse nang muli itong magsalita. “Una sa lahat, malapit ito sa market. Anything that you need, madali mong mapupuntahan dahil walking distance lang iyon dito. Or if you want, may errand boy sila diyan na puwede mong utusan. Pangalawa, hindi mahigpit ang katiwala. Kahit magdala ka ng bisita o ng mga babae, walang kaproble-problema.” “Hindi iyan ang ipinunta ko rito—” “I know, I know, but I also know that what you feel is just temporary. Malalampasan mo ‘yan nang mabilis, pare and after that, back to old life.” Nakangisi ito, parang sigurado sa mga sinasabi. Hindi na lang siya nagkomento. Pagod ang katawan niya sa biyahe ganoon din ang isip. All he wanted was to rest. Nang makita ni Jerry na tila na-convince siya ay niyakag na siya nitong pumasok. Isang binatilyo ang nagbukas sa kanila. Nakilala nito si Jerry at ipinakilala naman ito ng kasama niya bilang Lester. Inihatid sila ng binatilyo hanggang sa entrada ng bahay. Hanggang makapasok ay hindi humihiwalay ang tingin niya sa kabuuan ng bahay. Yes, it was an old house but a bit modern than the usual antique houses. Kaunti lang ang gamit nito sa loob pero maganda ang interior. Kulay krema at old rose ang pintura ng bahay. Moderno rin ang mga crystal chandelier na nasa ceiling. Ang mga estante, silyon at mga upuan, bagaman halatang antigo ay hindi napag-iiwanan ng istilo. “Good evening, Nana Pacita!” Napalingon siya kay Jerry at pagkuwa’y sa babaeng sumalubong sa kanila. Nasa sisenta marahil ang edad. “Kumusta, Nanang?” “Magandang gabi, Jerry. Ayos naman kami rito ni Lester. Mabuti at hindi kayo na-traffic sa daan.” “Smooth naman po ang biyahe. Ito nga pala ang kaibigan kong nabanggit kanina sa telepono, si Miguel. Gusto sana niyang mag-stay dito kahit saglit. Mga three days to one week siguro, Nanang.” “Walang problema. Dating gawi, Jerry?” Nakangiting tumango ang katabi. “Yes, Nanang. Kayo na po ang bahala dito sa kaibigan ko. Harmless po ‘yan, mukha lang nangangagat.” Tumawa ang matanda ganon din si Lester. Ngumiti naman siya habang bahagyang napapailing. Matapos ang ilang pag-uusap tungkol sa mode of payment ay pumanhik na sila ng silid. Bitbit ni Lester ang maleta niya at si Jerry naman ay hawak ang kaniyang itim na backpack. “May walong silid ang bahay na ito. Sa unang palapag ay apat at lahat ay okupado. Sa ikalawang palapag naman ay tatlo. Ang isang silid ay sa’yo, ang master bedroom at isa pang silid ay sarado. Sa loob ng kitchen ay may servant’s quarter, doon naman kami natutulog ng apo kong ‘yan,” anang matanda na ang tinutukoy ay si Lester. “Airconditioned ang buong bahay pero may heater kung kakailanganin. May library, gym, music room at mini museum din ang mansion. Sa third floor ay may attic at sa labas naman ng bawat silid ay may veranda. May bean shaped swimming pool sa likod. Pagdating naman sa pagkain, may menu sa tabi ng telepono. Itawag mo na lang ang order mo. May free breakfast sa tuwing Sabado at Linggo at makalawahan naman ang room service.” Nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng silid. Maluwang ang kabuuan niyon. May walk in closet sa kaliwa ng isang pinto na sa tingin niya ay banyo. Humakbang siya palapit roon at binuksan ang pinto. Napakunot ang noo niya nang makita ang isa pang pinto katapat ng pintong binuksan niya. Tila sagot sa nasa isip niya ang sumunod na sinabi ni Nana Pacita. “Adjoining ang restroom ng dalawang silid, Miguel. Huwag kang mag-alala dahil bakante naman ang kabila kaya i-lock mo na lang.” Nagkibit na lang siya ng balikat. Kung sakaling hindi siya magiging komportable sa gabing iyon ay maaari naman siyang magpalipat kay Jerry sa ibang paupahan o hotel. “Siya nga pala, Miguel,” baling ng matanda sa kaniya, “bago ko makalimutan, ‘yung silid nga pala sa kabila ay off limits. Hindi nagpapapasok ng kahit sino ang may ari doon.” Tumikhim siya bago sumagot. “Hindi po ako pakialamerong tao, Nanang. No worries.” “Mabuti na iyong nagkakaintindihan tayo. Hindi iilang guests ang sinabihan ko tungkol diyan pero mga hindi sumunod. Mahigpit ang may ari at alam niya kung may pumasok diyan o wala.” Matapos ang ilan pang paalala ay lumabas na si Nana Pacita. Kasunod nito si Lester na bumati muna sa kanila bago tumalikod. Hindi naman nagtagal at nagpaalam na rin si Jerry. Ibinigay niya ang susi ng kaniyang sasakyan dito. Wala siyang planong maglibot kaya hindi niya kakailanganin iyon doon. Saglit pa ay mag-isa na lang siya sa silid.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD