Ashina P.O.V
Sa panghuling rounds ng pagjo-jogging ko ay huminto ako. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang sariwang hangin na siyang aking nararamdaman.
Napangiti ako dahil sa mga ibong humuhuni at sa katahimikan ng aking paligid. Ang aking pandinig ay hindi pang-ordinaryo. Naririnig ko ang maliliit maging ang mahihinang ingay na nasa paligid ko.
Iminulat ko ang aking mga mata at gumuhit muli ang ngiti sa aking labi. Sana manatiling ganitong kapayapa ang aking lugar.
Napagpasyahan kong itigil ko na ang aking pag-jogging. Mataas na rin naman ang araw. Oras na para ako ay bumalik. Nagsimula na akong maglakad, mula sa marahang paglalakad ay naging pag-jogging ulit hanggang sa marating ko ang kasalukuyan kong tinitirhan.
Muling sumilay ang aking ngiti ng makita kong ang lahat ng mga kasamahan ko ay gising na at nagsisimula na sila sa kanilang mga kaniya-kaniyang gawain.
Tumigil ako at nanatili munang nakatayo saka pinagmasdan sila. Ang mga bata ay malayang nakapaglalaro. Kita sa kanila ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Ang kanilang mga pagtawa at paghalakhak ay kay gandang pakinggan.
Ang kanilang mga magulang naman ay abala sa kani-kanilang mga gawain.
Ang mga kasamahan ko ay mga werewolves. Nagtataka ba kayo? Ako ay isang wolf hunter pero ang kasamahan at nakahahalubilo ko ay mga werewolves din.
Sila ay mga omega ng mga packs. Mga babaeng inalipin ng bawat pack. Matapos silang pakinabangan ay tinapon lang sila na parang basura.
Ang ilan sa kanila ay mga rejected mate dahil ang tingin sa kanila ay mahihina. Karamihan sa kanila ay mga omega werewolf at ang ilan din sa kanila ay mga rogues. Mga wolves na walang pack na tirahan. Wala sa kanilang tumatanggap at kung mayr'on man ay omega ang bagsak nila.
Nagkaroon ng mga batang werewolves dito sa kadahilanan ng matagpuan ko ang ilan sa kanila, sila ay mga nagdadalang-tao. Lahat kami rito ay mga babae, syempre maliban sa mga batang wolf na kung saan sa kanila lamang kami mayr'ong lalaking wolf.
Nga pala,
Ang bawat pack ay mayr'ong tinatawag na Alpha, Luna, Delta, Gamma, Beta at Omega. Ang Alpha ay siya ang pinakapinuno ng isang pack. Bawat decision ay nakasalaylay sa kaniya. Samantalang ang Beta, Gamma, at Delta ay mga kanang kamay ng Alpha. Sila ang tumutulong na mamahala ng food supply, protection at kung ano-ano pa. Ang Luna naman ay ang babaeng mate ng isang Alpha, or babaeng asawa ng Alpha na humahalili kapag wala ang Alpha.
At ang panghuli ay ang omega. Ito ang klase ng werewolves na nasa pinakamababang uri. Alipin ang tingin ng mga nasa taas kapag nasa omegang antas ka. Karamihang narito ay mga babaeng walang silbi sa mga mata nila.
Masuwerte lamang sa isang babae kung magiging Luna ka ng isang pack. Ngunit, tatanggapin ka lamang ng iyong Alpha mate kung Ikaw ay malakas at galing sa mataas na antas. Kung ikaw ba ay isang anak ng Alpha rin, or ng beta, gamma or ng delta.
At kung ikaw naman ay omega. Walang pag-asang tatanggapin ka nila.
"Magandang umaga, Ashina." bati sa akin.
"Magandang umaga rin." balik bati ko sa kanila.
Umalis na ako sa aking kinatatayuan. Binati rin ako ng mga bata. Nginitian ko sila at nagpatuloy. Maglilibot muna ako.
Una kong narating ay ang training area. Nang ako ay makita nila ay mabilis silang tumigil at bumati sa akin saka muling nagpatuloy.
Lumapit ako kay Melania,
"How's it going here?" I asked.
"Everything is okay. They are doing well." she answered.
"Kumusta pagbabantay ni'yo sa border?" I asked again.
"You don't have to worry about it. Mahigpit namin itong binabantayan at sinisiguro naming walang makapapasok sa ating lugar." sambit muli ni Melania.
"Ashina," Napalingon ako sa aking likuran.
"Kababalik mo pa lang?" tanong ko sa kaniya.
"I am," nakangiting sagot niya.
"Then?" I asked.
"As usual, gusto nilang makipag-alyansa sa atin." simpleng wika niya.
Si Vena ay katulad kong panay ang labas ngunit hindi siya katulad kong wolf hunter. Siya ay spy lamang ng mga packs sa labas. Kumakalap siya ng mga tsismis na madadala pag-uwi niya.
"Iyon lang ba ang dala mo, Vena?" pang-aasar naman ni Melania.
"Heh!" saway sa kaniya ni Vena.
"Ito na nga, oh. Atat ka naman, e." nakasimangot na dagdag ni Vena.
"Fiasco Pack is getting weaker. I heard na natalo sila nitong nakaraang war nila with Madtail Pack. Maraming nawalang knights sa kanila at halos food supply at weapon supply sa kanila ay nawala rin kasi ninanakawan sila." she continued.
Nanatili akong nakikinig sa kaniya.
"At bawat pack ay naging mas mahigpit ang kanilang pagbabantay sa kanilang border. Mas tumindi kasi iyong tsismis na pinapasok sila ng isang mahusay na wolf hunter." saad ni Vena.
"Katulad kagabi, nalagasan ng limang knight ang Hallow Pack. Pinasok ang border nila at pinatay ang lima nilang tagabantay. Tinanggalan ng ulo ang bawat isa kaya ayon, hindi na sila nakabalik sa kanilang human form." Vena added.
Ngumisi si Vena. "Galit na galit ang Alpha ng Hallow Pack kaya nagbigay siya ng pabuya sa makahuhuli sa wolf hunter na iyon. Ang problema nga lang ay hindi nila alam kung sino or anong itsura noong wolf hunter na hahanapin nila." Vena continued.
Lihim na tumaas ang dulo ng aking labi. Mukhang mayr'on na naman akong trabahong gagawin. Ang magligpit ng mga bagong basura.
Marami pang sinabi si Vena. Buong Pack ay nasabi niya ang lahat ng tungkol sa mga ito. Ang galing niya talagang magkalap ng information.
Pagkatapos sa training area ay napadpad naman ako sa aming food supply. Kasalukuyang nagha-harvest ng mga pananim ang aking mga kasamahan. Katulong na nila ang mga batang naglalaro kanina.
Yes, mga fresh foods ang mayr'on kami. Lahat ng aming kinakain ay mula rito sa aming hardin. Mga prutas at gulay ay dito lang namin kinukuha. Hindi na kami pumupunta sa karatig bayan para mamili ng mga food stocks.
Tumulong na rin ako sa kanila. Pagkatapos naming mag-harvest ay paggawa naman ng wine ang aming pinagkaabalahan.
Nilagay namin sa malalaking lalagyan ang aming mga nagawa. Inayos din namin sa pagkakasalansan sa loob ng aming food house ang lahat ng aming naaning prutas gulay. Aabot din ito ng tatlong buwan.
Pagkalipas ng tatlong buwan ay aani naman kami ng panibagong food storage namin kaya hindi kami nauubusan ng pagkain.
Pagdating naman sa ibang sangkap at kagamitan ay ako na ang bahala. Ako na ang kumukuha sa bayan para rito.
Dito sa amin ay walang mataas or mababa. Lahat kami rito ay pantay-pantay ang aming pakikitungo. Walang inaagrabyado at walang tinatapakan. Kahit abala ang bawat isa ay hindi nawawala ang kanilang ngiti sa labi. Nakatutuwa nga dahil nagagawa na nilang makipagbiruan sa isa't isa.
Napalingon ako kay Vena ng lumapit siya sa akin.
Mayr'on siya sa aking binigay na kinuha ko naman.
"An invitation card para sa kaarawan ng anak ni Alpha Caliv. Balita ko ay lahat pupunta roon." seryosong sambit ni Vena.
Alpha Caliv?
Binuksan ko ang invitation card at tumambad sa akin ang isang larawan.
Lihim na napangisi ako. Tingnan mo nga naman. Mabisita nga ang lungga ng mga werewolves na iyon. Baka may mahuli pa ako at ng may ibenta na naman ako. Malaking pera rin iyon.
TheKnightQueen ?