Ashina P.O.V
Tunay ngang engrande ang birthday party ng anak ni Alpha Caliv. Kasalukuyan akong narito sa isang sulok sa labas. Tinitingnan ko kung sino ang mga darating.
Si Alpha Caliv ay kilala bilang isang mahusay na pinuno ng kaniyang pack. Mayr'on siyang kaisa-isang anak na si Fana Starwood. Mahal na mahal niya ito nang husto.
Bawat minutong lumilipas ay mayr'ong tumitigil na sasakyan at saka papasok sa loob ang nasa loob nito.
Napangisi ako dahil mukhang nasa matataas na ranggo ang siyang imbitado. Puro mga Alpha, Luna, Beta, Delta at Gamma ang siyang present lahat.
Naiiling na lumabas ako sa aking kinaroroonan. Tiniyak ko munang maayos ang aking suot bago lumapit sa entrance. Papasok na sana ako nang harangin ako ng tagabantay.
Tiningnan ko siya.
"Sorry, Madam, but which pack do you belong to?" mapanuring wika niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa bagay na hindi ko nagustuhan sa kaniya.
Kinalma ko ang aking sarili. Baka kasi ang ulo niya ang una kong mailagay sa special lalagyan ko.
Hindi kaagad ako nakasagot dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. I don't do belong in any packs.
"Madam, you are from?" tanong niya ulit.
"She belongs to us." Mabilis na napalingon ako sa aking likuran.
"Alpha Zeeb," bati ng humarang sa akin.
Tiningnan ko ang lalaking nasa harapan ko. Lihim na sinuri ko siya. He is handsome, but his aura is kind of intimidating.
"I'm sorry about her. She is a bit excited to be here." he reason out.
Lihim na tumaas ang dulo ng aking kilay. Hindi ako makatanggi the fact na tinutulungan niya akong makapasok or kung iyon nga ba.
"Reason for her to be in here first without us." he added.
Dumako ang tingin sa akin ng tagabantay.
"Is that true, Madam?" tila paniniguro niya sa sinabi nitong lalaking katabi ko.
Tiningnan ko siya ng blangko at malamig. Mamaya ka sa akin. Hindi ko makalilimutan ang iyong mukha.
What a wolf-bastard he is!
"Are you saying he's a liar?" saad ko,
Napansin ko ang biglang pagbago ng mukha niya. Para siyang natakot bigla.
"Patawad po, maaari na po kayong pumasok." magalang niyang saad saka yumukod pa sa amin.
"Tsk!" I hissed.
Nauna na nga akong pumasok. Pagkapasok namin sa loob ay mabilis akong humarap sa Alpha na aking kasama.
"Thanks," tipid kong wika sa kaniya sabay talikod agad sa kaniya.
Humablot ako ng isang wine glass sa waiter na dumaan. Tumingin ako sa kapaligiran. Wala pa rito ang bida sa event na ito.
Tumigil ako sa isang mesa. Ipinatong ko ang hawak kong wine glass. Pasimpleng nagmasid ako sa aking paligid. More on Alpha ang siyang nakikita ko. Maging si Alpha Zeeb ay narito rin.
I know that man, pero ngayon ko lamang siyang nakaharap ng harapan. His name is very popular. Kahit saan ka pumunta ay kilala ang kaniyang pangalan. That Alpha named Zeeb is the most cruel and ruthless Alpha in all of Lycanian.
Walang sino man ang siyang may lakas loob na banggain siya lalo na ang kaniyang Pack. His Pack is a strongest Pack. Marami siyang kaalyansang Pack at lahat ng Pack ay kilala siya.
Dumako ang tingin ko sa bandang kaliwa ko. Naririnig ko ang boses ni Alpha Caliv na nakikipag-usap at kamustahan sa kapwa niya Alphas.
Lihim na ngumiti ako nang malamig. Marahan akong sumimsim sa alak na kinuha ko.
This birthday party is a decoy. Though, birthday naman talaga ng anak niya subalit hindi lamang ang pagdiriwang ng kaniyang kaarawan ang dahilan kung bakit mayr'ong ganito.
I heard na mayr'on siyang bagong kaanib na Pack, at kasalukuyang naghahanap pa sila ng masasalihan na ibang Pack ng sa ganoon ay mabilis na matatapalan ang mga nawala sa kanila, no! Nang sa ganoon ay mabilis na maka-recover ang Fiasco Pack.
Fana Starwood ay Luna ng Fiasco Pack. Dahil sa nangyaring pagkatalo sa nakaraang war ay kailangan nila ng bagong kaalyansa at mauuto. Ngayon, marahil ay nakaanib na ngayon ang Fiasco Pack sa Starwood Pack ng sa ganoon ay mabilis itong makahanap ng kaalyansa. Bukod pa roon ay mayr'on pang isa.
Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid dahil kanina ko pang nararamdaman na mayr'ong nakatingin sa akin. Kumunot ang aking noo ng wala naman.
Kahit na panaka-panaka akong tinititigan ng nasa paligid ko ay iba pa rin ang sa kaniya. Ngunit hindi ko matukoy kung sino ito.
I decided na umalis muna sa gitna ng event at tumungo muna sa walang mga werewolves. Narating ko ang garden nila. Sandali muna akong magpapahangin dito.
Hindi ko gawain ang pumunta sa ganitong lugar. Mas gugustuhin ko pang mang-hunting ng werewolves diyan sa tabi-tabi kaysa ang makihalubilo rito.
Wala namang ginawa kun'di ang magpayabangan sa kanilang mga kapangyarihan.
Napabuntong hininga na lamang ako. Napatingala ako ng tingin. Nakita ko ang buwan. Malapit ng mag-fullmoon. Darating na naman ang paghihirap ko. Ilang araw na lang pala ay magfu-fullmoon na naman.
I hate fullmoon!
Hindi nagtagal ay umalis na ako sa garden. Ngunit, sa hallway ay may nakasalubong ako. Ang birthday celebrant.
Nilagpasan ko siya pero hinawakan niya ang kamay ko dahilan para mapahinto ako. Tumingin ako sa kaniya.
"What?" I asked casually.
Kumunot ang kaniyang noo habang tinitingnan niya ako tila ba ay kinikilala niya ako nang mabuti, or kung saan niya ba ako nakita.
Iniharap ko ang aking katawan sa kaniya. Pasimple kong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"What is it? Nahanap mo na ba ako sa maliit mong kukute? Tila yata nakalimutan mo na ako." simpleng saad ko.
Pasimpleng pinunasan ko ang pulsuhan kong hinawakan niya. Tiningnan ko siya at napangiti ako dahil nakatingin pa rin siya sa akin na para bang nakakita siya ng multo.
"Ashina," ani ko sa aking pangalan na mas ikinagulat niya pa lalo.
"It is nice to finally meet you again." I added.
"Sana naman naalala mo na ako sa maikling pakilala ko. Pasens'ya na, wala pa akong panahon para makipag-usap sa'yo nang matagal." wika ko muli.
"Pakikumusta mo na lang ako sa asawa mo. Haggang sa muli nating pagkikita na sana ihiling ma na huwag na lang. Hindi mo kasi gugustuhin kapag nagkita pa tayo ulit." makahulugang sambit ko.
Mapaglaro at nakangiting kinawayan ko siya. Nang makatalikod ako sa kaniya ay inalis ko ang aking ngiti. Naging seryoso ang aking mukha.
TheKnightQueen ?