Chapter #9

1303 Words
Ashina's P.O.V Do I need to talk to Zeeb? Or should I start walking out of this place? I must cut the connection I have with Alpha Zeeb. Kahit na kunting connection lamang mayr'on ako sa kaniya. Dapat ko ng putulin kung ano mang ugnayan mayr'on ako sa Maccon Pack. Hinarap ko ang ginang na hindi mawala ang tingin sa akin. "If you want to ask why I am here, please ask your Alpha Zeeb, because even I don't know why I am here." I stated this and tried my best not to sound rude to her. Ramdam ko ang lahat ng mga pack members na nasa paligid ay huminto sa kanilang mga ginagawa at sa aming bumaling ang kanilang mga tingin. "Excuse me, madam. I must leave now. Pakisabi na lang po kay Alpha Zeeb na salamat sa kaniyang tulong." magalang ngunit blangkong wika ko. Nanatiling tahimik siya habang patuloy akong pinagmamasdan. Binalewala ko ang kaniyang mga titig at ang kaniyang matinding pagsusuri. Alam kong isa rin siya sa mga nagtataka kung isa nga ba akong tao or isang kauri nilang werewolves. Nakangising tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad palayo sa kanila. "That's it, Tita? Paalisin lang po natin siya ng hindi inaalam kung sino talaga siya. Baka po isang spy, Tita." Rinig kong wika ni Quelina. "Hindi naman siguro dahil mismong anak ko ang nagdala sa kaniya rito." sagot ng ginang. So tama nga ang hinala ko. Siya ang ina ni Alpha Zeeb. "Quelina!" Isang malakas na pagsigaw muli ang siyang aking narinig at isang palapit na maliit na sandata ang siyang aking naramdaman. Humarap ako at sinalo ko ang kunai na parating sa akin. "Quelina, itigil mo iyan." saway ng isang ginang na sa tingin ko ay ang ina ni Quelina. Mabilis na lumapit sa akin si Quelina. "Hindi ko hahayaang makalabas ka rito sa aming pack ng hindi ako nakatitiyak kung ikaw ba ay isang kaaway o kakampi, o baka isa ka sa mga wolf hunter." mariin niyang wika na may halong banta. Aming Pack? This girl in front of me has the blood of an Alpha. Walang imik na nakatingin lamang ako sa kaniya. Inaantala niya ang aking pag-alis. "Kapag nalaman ko na isa kang wolf hunter or kaaway ng aming pack. Hindi ako magdadalawang isip na ipahuli ka at ikulong sa dungeon." pananakot niya. "Hindi ako isang batang lobo para matakot sa simple mong banta. Wala akong paki kung hulihin at ikulong mo ako sa dungeon. Hindi rin naman ikaw ang mag-de-desisyon." ani ko, Nangunot ang kaniyang noo. "Oh, dear! If I were you, I would turn around and let me leave." sambit ko saka bagot na tinalikuran ko siya. Tsk! Ang mga katulad niyang makitid ang utak ay dapat binubura sa lipunan. "Huwag mo akong tatalikuran!" malakas niyang sigaw. Kinawayan ko lang siya habang nakatalikod ako. "Ano ba?" Isang malakas na tili ang kaniyang binitiwan muli. "Pasens'ya na po." Nahinto ako sa paglalakad sa narinig kong muli. "Ano ba 'yan! Hindi mo ba tinuruan ng magandang asal ang anak mong 'yan?" galit na galit na saad ni Quelina. Lumingon ako sa kanila. Isang omega ang siyang nasa harapan niya. "Humingi ka ng tawad anak ko." malumanay na wika nito sa anak niya na pinipigilang umiyak. Agad na lumuhod ang bata a harapan ni Quelina maging ang ina nito. "P-Pasensiya na p-po. N-naglalaro po k-kasi ako ---- " Hindi na natapos ng bata ang kaniyang sasabihin ng malakas na binulyawan niya pa ang bata. Sasaktan niya sana ang omegang nasa harapan niya pero pinigilan ko ang kaniyang kamay. Nagtaka siya kung bakit hindi niya mai-galaw ang kamay niya. Marahan ang naging paghakbang ko palapit sa kanila. Sa lahat ng pinaka-ayoko ay ang makasaksi ng sinasaktang omega. "Why can't I move my hand?" hirap at nagtatakang tanong ni Quelina habang pilit niyang ginagalaw ang kamay niyang nasa ere. "Pain," mahinang wika ko. Mabilis na napasigaw sa sakit si Quelina. Binitiwan ko ang kaniyang kamay. Agad siyang namilipit sa sakit. Lumapit ako sa dalawang nakaluhod pa rin na mag-ina. Yakap-yakap ng ginang ang kaniyang anak habang nanginginig ang katawan nito. "Stand up," utos ko sa kanila. "Bakit ka lumuluhod sa taong hindi naman karapat-dapat luhuran?" ani ko at mas dinagdagan ang sakit na binibigay ko kay Quelina. Mas lumakas ang kaniyang pagsigaw. "Quelina," tawag sa ng ina ni Quelina. Tatakbo sana siya palapit sa akin pero pinigilan ko ang kaniyang katawan. Hinawakan ko ang nanginginig na omega at tinulungan siyang makatayo. Maging ang bata ay mangiyak-ngiyak at nanginginig sa sobrang takot. Pinagmasdan ko ang katayuan ng dalawa. Una kong nakita ang mga sugat na mayr'on siya sa katawan. Ang ilan sa mga ito ay mukhang bago pa lang. "Sige na, bumalik na kayo." mahinahong utos ko. "P-Pero," pag-alinlangan niya saka tumingin sa namimilipit pa ring si Quelina. "Go," simpleng utos ko ulit. May pag-alinlangan man pero sinunod niya ang sinabi ko. Kasama ang kaniyang anak ay mabilis silang umalis. Nang mawala ang sa akin ang dalawa, mabilis na bumaling ako kay Quelina na agad kong binalibag sa isang puno na nasa gitna ng pack house. "Let me ask you, Quelina. Ano nga ulit ang position mo sa pack na ito?" malamig kong tanong. Inalis ko ang sakit na binibigay ko sa kaniya. "As I remembered, you say you are the Luna of this pack. Am I right, Quelina?" tuloy ko, I don't care if his father is an Alpha. Wala silang karapatang saktan ang isang nilalang na hindi nila kapantay. "If you are really the so-called Luna here, why are you hurting one of your pack members? Marahil sila man ay isang Omega ngunit sila ay kauri mo rin." Muli ko siyang ibinalibag. Kahit hindi ko siya hawakan ay kaya ko siyang pahirapan gamit lamang ang aking tingin at ang aking salita. "Walang pinagkaiba sa inyong dalawa dahil pareho kayong werewolves. Oo, bilang isang lobo ay may lamang ka sa kanila. Ikaw ay anak ng isang Alpha at nasa mataas na position ka pero hindi nangangahulugang mananakit ka ng nasa mababa." palamig nang palamig ang aking boses. "Quelina! What are you doing to my daughter." Another loud growl spread all over the place. Her father is here. Lumapit ako kay Quelina na pilit bumabangon. I squat in front of her. Isang malakas na pagsigaw muli ang siyang aking narinig. Binali ko ang isa sa mga ribs niya. Dahil doon ay mabilis na nag-transform into a wolf ang kaniyang ama at sumugod sa akin ngunit pinigilan ko rin siya. Tumayo ako at tumingin sa ama ni Quelina na ngayon nasa ere. "Maaari mo akong sugurin pero kapag oras na tumapak ang iyong mga paa sa lupa. Magiging abo ang iyong anak." ani ko, Sa aking paglingon sa paligid. Nakita ko si Alpha Zeeb na nakakunot ang noong nakatingin sa akin. Pinalutang ko sa ere si Quelina at muling binalik ang sakit na kaniya kaya naman todo sigaw ang bruhang mataas ang tingin sa sarili. "Tama na 'yan, Iha." saway sa akin ng ama ni Zeeb. Bagot tiningnan ko siya. "Bakit ko susundin ang isang katulad mong hindi kayang kontrolin ang napupusuan niyang maging Luna sa kaniyang pack?" tanong ko sa kaniya. Naging iba ang kaniyang ekspresiyon tila hindi niya nagustuhan ang aking sinabi. Wala akong pakialam kung siya pa ang pinakamataas na werewolves sa buong Lycanian or kahit siya pa ang reyna ng mga lobo. "You are the current queen of all werewolves, yet you did nothing for the wolves who were lower than you. What kind of queen are you?" ani ko, Bagot na tumingin ako kay Alpha Zeeb. "You disappoint me, Zeeb. I thought this pack was way different from the other packs, but I was wrong. Maccon Pack is just the same as the other packs that take advantage of their Omega's members." disappointed kong sambit. TheKnightQueen
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD