Chapter #8

1429 Words
Ashina's P.O.V Pagmulat ng aking mga mata ay kisame ang aking nabungaran. Napahawak ako sa aking ulo ng sumakit ito bigla. Shocks! Parang daig ko pa ang hang-over sa nararamdaman ko. Bumangon ako saka tumingin sa aking paligid. Alam ko na agad na wala ako sa aking bahay. Iba ang aking naamoy na nagmumula sa paligid, at hindi rin maingay sa paligid kapag ganitong oras. Kahit maraming batang wolves sa amin ay hindi naman ganito kaingay. Mukhang naninibago ang aking tainga dahil samu't-saring ingay at boses ang siyang sabay-sabay kong naririnig. Shit! My ears are sometimes sensitive. Ayaw nito sa masiyadong maingay. Kaya ito ang dahilan kung bakit ang tahimik sa amin. Kaunting kaluskos lang ay talagang naririnig ko. Kahit huni or tunog pa 'yan ng pinakamaliit na langgam. Ano bang pinag-kakaabalahan sa labas at tila abala lahat ng pack members ni Zeeb? Daig pa ang naghahanda ng isang malaking handaan. Hindi na ako nakatiis pa. Sinubukan kong kausapin si Zeeb gamit ang mind link pero mukhang hindi eepekto iyon. Nakasara ang aking koneksiyon sa kaniya. Hindi na ako nagpumilit pa. Hinayaan ko na lamang ang mga ingay na naririnig ko. Saka ko na lang siya kakausapin tungkol sa ingay ng kaniyang pack. Mukhang hindi na pala kailangan. Hindi naman ako magtatagal sa lugar na ito. Bakit ba dito niya ako dinala? Puwede naman niyang iwan niya sa lake. Gamit ang aming kakayahang makipag-usap gamit ang aming isip ay kinontak ko si Melania. "Oh my goodness, Ashina. How are you? Nahuli ka ba? or something?" mabilis na tugon sa akin ni Melania. "I won't be able to go back there in a few days." ani ko at hindi pinansin ang kaniyang mga tanong. "For a while, I'm going to stay outside. If something happened there, let me know right away." utos ko. Hindi muna ako uuwi hangga't hindi pa tapos ang pagtugis sa aming mga wolf hunter. Hindi ko pa nauubos ang mga naghahanap sa amin. Nakatitiyak akong marami silang naghahanap. "I will," Nang marinig ko ang kaniyang tugon ay kaagad ko ng sinara ang aming mind link. Si Lou naman ang aking ginambala mukha kasing nanahimik sa tabi. "Waaa! Ashina sorry na agad." sambit niya agad sa'kin pagkalabas niya sa aking isipan. "Promise! Bukod sa walang paalam akong nag-transform kagabi at dinala kita sa lake ay wala na akong ginawang iba." mabilis niyang hingi ng paumanhin. Kailanman ay hindi ko pinahintulutang lumabas or mag-transform ako into a wolf. I am stronger when I am in a wolf form, pero dahil kaya ko kahit naka-human form ako ay hindi ko pinapayagang lumabas si Lou. I am also a powerful creature, even in my human form. "Pangako! Kahit pa ikulong mo ako at hindi pahintulutang lumabas muli ay ayos lang. Hindi ko siya tinawag kahit pa gustong-gusto kong gawin kagabi. Alam ko kasing magagalit ka nang husto kapag ginawa ko iyon." muli niyang sambit. Ang tinutukoy niya ay ang pagpunta sa akin ni Alpha Zeeb. "Pero hindi ko maitangging nagpapasalamat ako dahil dumating siya dahil kung hindi, hindi ko alam kung anong gagawin ko. You were so in pain last night." mahina niyang sambit. Laking pasasalamat ko lang talaga dahil hindi ako katulad ng ibang she-wolf na apat na beses na dumaranas ng on-heat. Once a year lang naman ang sa akin pero grabe man talaga ang tindi kung dumating. "That's enough, Lou. It has already happened. We both can't change that." simpleng wika ko. "You're not mad at me?" paniniguro niya. "I am not." wika ko, Hindi ko rin mababago kung siya talaga ay mate ko. Ang hindi ko alam ay kung bakit at paano niya ako nahanap. Siniguro ko na walang makakita sa lake kung nasaan ako kahit pa naaamoy nila ang scent ko. "What are you going to do?" alinlangan niyang tanong sa akin. Nahulaan ko kaagad ang kung saan patungkol ang kaniyang tinatanong. "You are well aware that I am not a believer in that freaking mate thing, Lou." mariin kong tugon. "I know," mahina niyang tugon. "Don't ever go out without my permission again." ani ko, "Noted," mabilis na sagot sa akin ni Lou. "Take a nap." huli kong utos saka sinara ang aming communication. Umalis na ako sa kama. Nakita ko ang damit na sa tingin ko ay nakahanda para sa akin. Kinuha ko ito at pumasok sa isang banyo. Mabilisang pagligo ang aking ginawa. Pagkatapos ko ay lumabas ako sa kuwarto. Bumababa ako sa hagdan. Maraming mata agad ang siyang tumingin sa akin. Sabay-sabay silang tumigil sa pagsasalita maging sa kanilang mga ginagawa. Lihim na tumaas ang aking kilay na naririnig ko mula sa kanilang isipan ang kanilang usapan. Dumeritso ako at hindi na lamang sila pinansin pa. Kaya naman pala nilang manahimik bakit hindi nila ginawa kanina. Kailangan pang makita nila ako. Sa wakas ay nagawa kong makalabas sa pack house nila. Hindi ko maitatangging maganda ang buong lugar ng Maccon Pack. Ito ang pack na kailanman ay hindi nagawang masakop ng kahit sinong pack. Ngunit sa pagkakaalam ko ay marami silang kaalyansang ibang pack. Wala akong paki sa lahat ng nangyayari sa bawat pack. Wala rin sa isip ko ang pasukin ang lugar na ito. Bukod sa ito ang pinakamalaking wolves pack sa lahat ng Lycanian. Ito rin ang kinatatakutan nilang Pack. Ganoon pa man ay maraming kalaban ang Pack na ito. Iyon lamang bigo silang talunin ang Maccon Pack dahil sa kinatatakutang din nilang Alpha. Sa aking paglabas ay marami akong mga nakitang abalang mga omega. Lahat sila ay mayr'ong kaniya-kaniyang ginagawa. Nakita ko na rin ang pinakamaingay sa kanilang lahat. Ang batang wolves na katulad din ng iba ay abala sa paglalaro. They are screaming with happiness. Dumako ang tingin ko sa bandang gubat. Naririnig ko mula roon ang daing. Gamit ang aking matalas na paningin, kahit narito ako ay nakikita ko ang kanilang mga ginagawa. Kasalukuyang nagtra-transform into a wolves ang isang binatang wolves. Hindi lang siya isa kun'di marami sila. Sa paglibot ng aking paningin ay nakikita ko ang lahat ng mga pinagkakaabalahan nila. Nakita ko rin mula sa aking kinatatayuan ang mga nag-e-ensayong knights ng pack. Mabilis na dumako ang tingin ko sa isang batang malakas na sumigaw sa may puno. Bago pa man mahulog ang batang wolf ay napigilan ko na ang kaniyang pagbagsak. Marahan ko siyang ibinaba. Nagtaka ang bata dahil hindi siya tuluyang nahulog. "Who are you?" Nahinto ako sa aking paglilibot ng paningin at dumako sa aking likuran. "A nobody," maikling sagot ko. "You are?" I asked back. "I am Quelina, the Luna of this pack." proud niyang sagot sa aking tanong. Tumaas ang dulo ng aking kilay. "Ow, nice to meet you Luna Quelina." bagot kong bati sa kaniya. "Why are you with Alpha Zeeb?" he asked again. "Ask him." casual na sagot ko. Maybe she is Luna for today, or one of the candidates for Luna in this pack. I heard maraming candidate para maging Luna ang pack na ito. At malaya silang bumabalik at nakakapasok sa lugar na ito. "Are you human?" walang tigil niyang tanong. "Oh my god! Are you a wolf hunter?" takot niyang saad sabay hakbang palayo sa akin. Nginisihan ko siya. For them, tanging mga ordinaryong tao lamang ang miyembro ng wolf hunter. Ito ang dahilan kung bakit ayokong ilabas si Lou. Naitatago ko rin ang scent ko bilang isang wolf. "What if I am? What are you going to do? Are you going to scream and shout that a wolf hunter is here right in front of you?" panghahamon ko. A loud growl comes from here. She immediately transformed into a wolf. She has a brown wolf, and it's kind of cute. Inilagay ko ang aking kamay sa aking likuran at walang hirap na umiwas sa atake niya. "Quelina!" Isang ginang ang siyang nagsaway sa kaniya. "What are you doing, Quelina?" tanong isa pang ginang pagkatapos magbalik sa human form si Quelina. "She is an outsider. I can't figure out if she is a wolf or a human. There is a possibility that she is also a wolf hunter." giit ni Quelina. Lahat talaga alerto sa mga wolf hunter. Bakit napa-big deal sa kanila ang mga wolf hunter na kung tutuusin ay mas malakas sila rito. "Quelina, hindi ka dapat basta-basta sumusugod lamang. Hindi iyan gawain ng isang Luna." mariing saway ng ginang. I guess she is the Luna from the other pack. Naramdaman ko ang pagbaling ng tingin sa akin ng isang ginang na siyang unang tumawag kay Quelina. She is really one of the candidates for being Luna in Zeeb's Pack. TheKnightQueen
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD