Kinabukasan, magkakasama ang apat. Nagulat ang iba dahil kasama nila si Ella. Mas kinagulat ng lahat, may nakadikit kay Zoe maliban kay Amy.
No one can approach Zoe. They are afraid of her, they are scared of her. Amy is the only one that can come close to Zoe. Si Amy lang ang may kakayahang pagsalitain si Zoe. Even the teachers are sometimes afraid of her. Kaya nagulat sila sapagkat may kasamang bago si Zoe.
"Masyado ata tayong nagiging agaw atensyon." kinalabit ni Amy si Zoe sa balikat. Zoe just shrugged and went straight inside their class.
"Ella? Really? You are making friends with them?" Tumingin sila sa direksyon ng boses na kanilang nadinig.
Zane is holding Ella's elbow. Pilit na winawaksi ni Ella ang kamay ni Zane ngunit ayaw siyang bitawan nito. Tumayo si Kira at lumapit din sa direksyon nina Ella.
Nagkaroon ng kumosyon dahil sa pagsali ni Kira sa usapan. Tinulak ni Zane sa balikat si Kira kaya napatayo na din sina Zoe at Ella.
"What are you doing?" malamig na tanong ni Zoe.
"I'm just talking to Ella then your stupid friend tried to make sali in our conversation!" napapikit si Zoe sa boses ng kapatid. Napakatinis ng boses nito, ang sakit sa tenga.
"Make sali pa nga." mahinang bulong ni Amy sabay tawa.
"Anong tinatawa tawa mo dyan?" Baling ni Zane kay Amy.
"Wala naman. Tumatawa lang eh, masama ba? Bawal ba?" Tila naghahamon ang boses ni Amy kaya sinangga ni Zoe ang kanyang kamay sa harap ni Amy.
"Wag kayong gumawa ng eksena Zane. If Ella doesn't want to talk to you then let her be."
"Let her be?" Nage-eskandalong tingin ni Zane sa kapatid. "Let her be with losers like you? Come on Zoe! Wag kang masyadong mangarap! Ella and I just had a misunderstanding kaya sumama siya sa inyo, and you guys are taking advantage of that! Para sumikat kayo, para sa mata ng ibang tao mataas kayo!" Zoe rolled her eyes.
"Then talk to her privately, hindi yung gumagawa ka ng eksena dito. But according to what I saw, she doesn't want to talk to you kaya hayaan mo na. About sa sinasabi mong ginagamit namin siya para sumikat at para tumaas ang status namin, why don't you look in the mirror para naman malaman mo kung sino talaga ang mangagamit sa atin."
"Are you saying that I'm a user?"
"Ikaw ang nagsabi niyan Zane." With that, Zoe pulled Ella away from the crowd and let her sit beside her.
"I hate you!" Sigaw ni Zane sa kapatid.
"Feeling is mutual." Tamad na saad ni Zoe sa kaniyang upuan.
"Thank you, Zoe."
Zoe nodded. "Sa susunod, lumaban ka. Wag kang matakot sa kanila." Payo niya na sinag-ayunan naman nina Kira sa Amy.
"Good morning class!"
Napabusangot si Amy nang makita niya ang kaniyang tatay sa harapan. This only means one thing, P.E, and pinaka hate niya na subject.
"Amelia, ayusin mo yang muka mo." Napilitang ngumiti si Amy sa kaniyang ama. Ginamit pa talaga ang tunay niyang pangalan.
"Ready na ba kayo? I'll give you 10 minutes to change and get ready. Meet me outside."
Umungol ang lahat, outside? Eh napaka-init.
"Walang kokontra, palagi nalang tayo sa gym, let's try outside." Tuluyang lumabas ang kanilang guro. Nagsitayuan naman ang mga boys na halatang tuwang tuwa dahil P.E nila.
"Ano naman kayang ipapagawa ni papa? Nung last pinaglaro tayo ng dodgeball." Banggit ni Amy habang nagbibihis sila.
"Dodgeball? That's fun!" Komento naman ni Kira.
"Masaya nga sa umpisa, eh nung napalitan yung bola na bakal? Hindi na masaya!" Reklamo ni Amy.
"Bakal? Ang brutal naman." Natatakot na saad ni KIra.
"Ewan ko ba kay papa, sabi niya nung tinanong ko, "may tinitignan lang ako", ano daw yun?" Panggagaya ni Amy sa boses ng kaniyang ama.
"Sino namang nanalo?" Kuryosong tanong ni Kira.
"Si Zoe tapos yung lalaki sa kabilang section, nakalimutan ko na yung pangalan niya."
"Si Damien." Sabat naman ni Ella na sinisintas ang kaniyang sapatos.
"Oo! Ex mo yun diba, Ella?" Walang prenong tanong ni Amy.
"Oo, pero matagal na yun. Boyfriend na siya ni Zane." May halong lungkot sa boses ni Ella.
"Diba kaibigan mo sina Zane? Bakit niya naging boyfriend yung ex mo?" Tanong ni KIra.
"Simple. They don't treat Ella as a friend." Napatingin ang tatlo sa hamba ng pintuan kung saan nakatayo si Zoe na handang handa na.
"Kanina ka pa diyan?" Tanong ni Amy sa kaibigan.
"Kanina pa, ang tagal niyo. Daldal kasi." Naunang maglakad si Zoe na sinundan naman ng tatlo.
Nakarating silang apat sa ground. Amy's eyes widen the moment she saw what her dad prepared for their P.E class.
"This is fun." Maikling komento ni Zoe. Napatingin naman ang tatalo sa kaniya. Fun?!
"Andito na ba lahat? If nandito na lahat, form a straight line. Section A, form a line. Section B, form another line beside Section A."
After forming a line, Bryan told them what to do. Their activity for today is obstacle course, not just a simple obstacle course. The course consists of 5 obstacles, konti pero delikado.
"This is pretty easy." Ella muttered.
"Oo nga, kala ko naman may kung ano-ano nanamang pumasok sa isip ni papa." mangiyak ngiyak na saad ni Amy.
"First course. Everyone of you needs to walk here, paunahan nalang kayo hanggang sa matapos niyo ang obstacles, of course, kung sino ang mauuna, exempted sa exam."
"Exempted? I think lahat kami exempted, this is not even a race to begin with." mayabang na saad ni Zane.
"Yabang yabang, kala mo naman magaling." bulong ni Amy sa gilid ni Zoe.
"Ingay mo." nakapikit matang saad ni Zoe.
"Natutulog ka ba?" namamanghang tanong ni Amy.
"Tagal naman magsimula." nag-inat ng katawan si Zoe at hindi pinagtuunan ng pansin si Amy.
"Are you guys ready?" nakangiting tanong ng kanilang guro.
"Yes, sir!" sabay sabay na sambit ng lahat.
"Let us see kung sino ang Gifted sa inyo." bulong ni Bryan.
__________________________________________________________________________________________
Spread Love, xoxo