Kabanata 1
"In our world, Gods and Goddesses exists. Sila ang bumabalanse sa ating mundo. Hindi lang natin sila nakikita dahil hindi sila maaaring magpakita sa kahit na sinong mortal, unless you are one of the Gifteds."
"Ano nga ba ang Gifted? Gifteds are the chosen mortals who will continue protecting our world against evil beings. Dahil hindi naman nagpapakita ang mga Diyos at Diyosa, sila ang magsisilbing Diyos at Diyosa natin, ngunit, hindi porket napili kayo, magiging mayabang na kayo. Remember, being a gifted comes great responsibility. May malaking responsibildad ang bawat isa sa mga Gifted."
"Paano po napipili ang mga Gifted? Kailangan po bang maging matalino para po mapili?" tanong ng isang estudyante.
"Hindi natin alam kung ano ba ang basehan ng mga Diyos at Diyosa sa pagpili ng mga GIfted. Ang mga Diyos at Diyosa lang ang nakaa-alam niyan, hija. " saad ng guro sa harapan.
"Bakit may Gifted pa ma'am? Parang ang unfair naman nun, sila may powers tapos yung iba wala?" tanong ng isang estudyante.
The teacher looked at her student then smiled. "Good question you have there. Bakit ba may mga Gifted? As I said earlier, ang mga Gifted na ito ang magliligtas sa atin, hindi sila binigyan ng kapangyarihan para mag mukang 'cool' o 'astig'. They will serve as our protectors."
Their discussion continued about the Gifted and the Deities and the Gods and Goddesses and so on. Lumipas ang ilang oras at time na para sila ay kumain ng kanilang lunch.
"Grabe pala noh? Being one of the Gifted is hard! Akalain mo yun? Puspusang training tapos may makakaharap ka pang mga halimaw!" pagkwekwento ni Amy sa kaibigan niya na tila wala namang pakealam sa mga pinagsasasabi niya.
"Ano ba yan Zoe! Wala ka bang pake sa akin? Nagkwekwento ako oh! Nakakasama ka naman ng damdamin." reklamo niya.
"Nakikinig ako." maikling saad ni Zoe.
"Ay! Nakikinig ka ba? Sorry naman, yang muka mo kasi ayusin mo! Minsan tuloy akala ko wala kang pake." Zoe just rolled her eyes at her bestfriends remark.
"Anyway, paano natin malalaman kung sino ang mga Gifted?" tanong ni Amy sa kanyang kaibigan.
"Ako tinatanong mo? Di mo alam diba? Edi malamang di ko din alam." saad naman ni Zoe.
"Oo nga no? Ang tanga ko." saad niya sabay tawa.
"Ngayon mo lang nalaman?" pabulong na sambit ni Zoe.
"Hoy! May sinasabi ka?" tapik ni Amy sa balikat ni Zoe. Umiling lang si Zoe at dumiretso sa likod ng school.
"Dito nanaman? Ayaw mo ba sa canteen? Sawa na ako dito eh!" reklamo ni Amy sa kaibigan.
"Kung sawa ka na, edi pumunta ka sa canteen." tinignan ni Zoe si Amy ng walang emosyon.
"Sabi ko nga dito, sino ba kasing nagsabi na sa canteen tayo?" bulong nito.
Katulad ng dating nakagawian ng magkaibigan, nagbaon sila ng kanilang lunch at kumain sa likod ng school. Zoe doesn't like socializing, while Amy is the opposite. Kahit saan sigurong lugar na puntahan ni Amy, madami siyang kakilala o kaya naman mabilis siyang makihalubilo.
Natapos silang kumain ay nagkwentuhan lang sila saglit at naisipang bumalik sa kanilang classroom.
"Zoe!" nakakarinding boses agad ang sumalubong sa kanila pagpasok.
"Di mo ako sinabay sa lunch. Hinanap kita sa canteen, wala ka naman." reklamo nito.
"Sorry Ella, hindi na kasi kita mahintay. Gutom na kasi si Amy eh." siniko ni Zoe si Amy sa tagiliran upang sumang-ayon.
"Okay. Next time, hintayin mo ako ah?" tumango naman so Zoe.
"How did you became close with Ella?" tanong ni Amy kay Zoe, may halong pagtataka at pagtatampo. May bagong friend si Zoe? Hindi niya sinabi sa akin?
"She's my sister's friend remember? Nakita niya ako sa bahay kahapon and she talked to me, asking if we could be friends and since I couldn't decline, I said yes. Baka magsumbong sa kapatid ko, alam mo naman ang ugali nun." Amy shrugged her shoulders and sat beside Zoe.
Napatingin si Amy kay Zoe. Zoe is so beautiful, she's like a Goddess, fair skin, wavy hair, proud nose, reddish lips, and she's tall. If Amy didn't know her personally, she would mistake her as the Goddess of beauty. Ang problema lang sa kaibigan niya ay ang ugali nito. While Amy is outgoing and friendly, Zoe is cold and quiet.
Mabait ang muka ni Zoe, aakalain mong hindi makakasakit pero kapag tinignan ka na niya, matatakot ka nalang. Zoe's eyes are the only problem with her. Matapang masyado ang mata nito, pag tumitingin ka sa kanya, parang may nagawa kang masama. Kaya hindi siya nilalapitan ng ibang estudyante dahil natatakot sila sa kanya, ngunit di pa rin siya nauubusan ng mga tagapaghanga. Maraming nagkakagusto kay Zoe, isa na dun ang crush niya. Minsan naiingit na siya kay Zoe pero isinasantabi niya sapagakat alam niyang wala namang gusto ang kaibigan niya sa crush niya.
"Alam mo Amy, pag hindi kita kilala, aakalain kong may gusto ka sa akin." napabalik sa reyalidad si Amy ng marinig ang kaibigan.
"Grabe ka naman! Nagagandahan kasi ako sayo eh." Zoe just rolled her eyes.
Amy is doing this all the time. Titingin sa kanya tapos mazo-zone out. It's like she's being hypnotized. Amy is the only girl that she's comfortable with, she can be loud with her, and she can be very talkative when she's with her. Nagtataka din si Zoe nung una dahil ang daldal niya kapag kasama niya si Amy. It's like she's another person. But she likes it better, she likes herself when she's with her bestfriend.
"Good afternoon class. We have a new student. Please introduce yourself hija."
The new student came in and Zoe felt her heartbeat race. A strange feeling. Her Aura, it is something else.
"Good afternoon to all of you. I'm Cyrene Aurora, but you can call me Kira. I'm 17 years old. I hope I can be friends with all of you." The teacher assigned her seat, at the back of Zoe.
_________________________________________________________________________________________________________________
Spread Love, xoxo