Kabanata 3

615 Words
As promised. The three of them went out to get fishballs. "Masarap yung fishballs nila dito, Kira! Palagi naming pinupuntahan ni Zoe." baling ni Amy kay Kira. "Talaga? Kelan nag-umpisa ang friendship niyo?" tanong ni Kira habang sila ay naglalakad. "Kelan nga ba?" tanong din ni Amy sa sarili. "Grade 5. Afternoon. At the back of the school. Under a tree." sagot ni Zoe, sakto namang nakarating sila sa pwesto ng mga street foods. "Ahy oo nga! Nabully ka nun diba Zoe? Kasi di ka nagsasalita. Akala ng lahat pipe ka." daldal ni Amy. Napalingon naman si Kira kay Zoe. "Nabully ka? Ikaw?" di makapaniwalang tanong ni Kira. "Oo! Madalas mabully yan! Pano naman kasi, ayaw magsalita. Kahit tanungin ng teachers namin, di pa din nagsasalita. Isusulat niya lang yung sagot niya sa papel tapos ipapabasa." sagot ni Amy sa tanong ni Kira. "Bakit niya naman sinusulat? Pwede naman siyang magsalita eh." "Eh kasi nga, tinatamad daw siyang magsalita. Nakakapagod daw kapag bubuksan niya yung bibig niya." sabay subo ni Amy ng fishballs, may tumulo pang sauce. "Ang kalat mo!" sita ni Zoe. Kumuha ito ng tissue at ibinigay kay Amy. "Zoe!" isang tinig na narinig ng tatlo. Lumingon sila at nakita si Ella. "Siya si Ella diba? Yung campus crush daw?" bulong na tanong ni Kira. "Anong campus crush? Hindi kaya. Si Zoe talaga ang campus crush, masyado lang kasing famous si Ella kaya ganyan. Tsaka mas approachable kasi si Ella kaysa kay Zoe." bulong na sagot ni Amy. "Pwedeng sumama? Wala kasi yung iba kong mga friends eh." tanong ni Ella kay Zoe. Nilingon ni Zoe sina Kira at Amy na umiwas naman ng tingin. "A-ah, sige! Pwedeng pwede naman." napipilitang sagot ni Zoe. Hindi naman sa ayaw niyang makasama si Ella. It's just that, Ella is famous and she doesn't want to associate herself with someone like her. "Really? Thank you!" ngiting ngiti na saad ni Ella. Ella really wanted to be friends with Zoe that's why she befriended Zane, Zoe's sister. She actually became attached with Zane, she counted her as her bestfriend, as a sister, but then, she found out that they are just using her for fame. Zane and her so called friends are just using her to become popular at their school. "Gusto mo ng fishballs?" tanong ni Kira kay Ella. Ella shyly nodded. "Kumakain ka ba niyan? Masarap yan!" singit ni Amy. "I actually don't eat fishballs." saad ni Ella na nagpa-alis ng ngiti sa dalawa. "But I'll try and eat!" Agad namang bumili si Amy at ibinigay kay Ella. "Zoe, kapatid mo!" turo ni Amy kay Zane kasama ang mga kaibigan nito. Ella looked at them and smiled bitterly. "Kapatid mo yun?" kuryusong tanong ni Kira. Zoe nodded and continues to eat her fishballs. "Talaga? I mean, she's pretty pero, you don't look a like. I mean may mga magkapatid talaga na hindi magkamuka but atleast there are some parts where they are the same or similar but one glance at har face or physical appearance, wala akong makitang similarities niyo." saad ni Kira na nakatingin parin kay Zane. Nagulat sina Kira nang biglang tumawa si Amy. Napatingin naman silang tatlo dito. "Eh kasi naman, di naman talaga magkapatid yang dalawa na yan! Zoe is adopted and di naman katanggap tanggap kung maging totoong kapatid ni Zoe si Zane. Oo, maganda siya, pero ganda lang naman ang panlaban niya! Bobita kaya si Zane, kunwari matalino, pag tinanong wala namang maisagot." mabahang litanya ni Amy. Gulat naman sina Kira at Ella sa narinig. "Ampon ka?!" sabay na sabi nilang dalawa. Zoe just nodded. Tinuro ni Zoe si Amy kaya sila napatingin sa kanya. __________________________________________________________________________________________ Spread Love, xoxo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD