"Pagpasensyahan niyo na ang aking kaibigan. Tamad lang talaga magsalita yan. Totoo ang narinig niyo, ampon si Zoe. She was adopted when she was 10 years old. Ulila na siya kaya napunta siya sa orphanage. Kahit naman ako kung nakita ko si Zoe aampunin ko agad yan eh. Ang ganda niya, ang talino, mabait pero tamad magsalita, pero okay na din. Bago pa mapahaba ang kwento ko, ititigil ko na. Basta! Ampon si Zoe." Zoe nodded, she raised her thumb indicating that what Amy said is right.
"Ang tamad mong magsalita Zoe! Ako ang nauubusan ng laway sayo." uminom ng palamig si Zoe bago nagsalita.
"Eh ginusto mong maging kaibigan ko eh, panindigan mo." Amy just rolled her eyes and ordered another set of fishballs.
"Ang saya naman ng friendship niyo. When did you guys became friends?" tanong ni Ella na kumakain ng fishball. Amy smiled when she saw how delighted Ella was when she chewed the food.
"Grade 5 kami nun! Tapos kakapasok lang ni Zoe sa klase. Di manlang siya nagpakilala, dumiretso lang siya sa upuan niya. Tapos tinanong siya ng teacher namin kung bakit di nagpakilala, di naman sumagot. Ang akala ni ma'am nahihiya lang, pero everyday siyang tinatanong, di nagsasalita. Nagconclude sina ma'am na baka pipe siya, tapos inasar asar na siya ng classmates namin. Eh ako naman, na curious din. Sinundan ko siya sa likod ng school nun, nakasandal siya sa may puno tapos nagdo-drawing. Nagulat ako kasi bigla siyang lumingon sa banda ko kaya nagtago ako, tapos narinig ko siya, sabi niya 'lumabas ka diyan', dun ako mas nagulat. Kasi sabi nila pipe siya pero bakit nagsalita? May pipe bang nagsasalita? Tapos yun, nagpakita na ako. Di ko na siya tinantanan magsimula ang araw na iyon. Wala na siguro siyang choice kaya ayun, hinayaan niya nalang akong sumama sa kanya." mahabang kwento niya. Nabilib naman sina Ella at Kira dahil sa kadaldalan ni Amy.
"Ang daldal mo pala." saad ni Ella. Napatingin si Amy kay Ella at ngumuso. Tumawa naman si Zoe kaya napatingin silang tatlo sa kanya.
"Hala! Tumawa ka! Ang galing!" pumalapkpak pa si Amy.
"That's the first time I heard you laugh." saad naman ni Ella.
"Tss... Parang ngayon lang kayo nakakita ng tumatawa." saad niya sabay tapon sa pinagkainan.
"Malamang! Di ka pa nila nakikitang tumawa! Ako, nakikita kita. Kaso madalang lang. Tawa ka nga ulit! Bilis na!" Amy keeps urging Zoe to laugh that's why Zoe glared at her.
"Sabi ko nga hindi na. Kahit wag ka na tumawa, okay lang." kinamot ni Amy ang batok at nag-iwas ng tingin.
"By the way, sabi mo kanina, Hades killed your parents. How?" pag-iiba ni Ella ng topic.
Kira sighed and started telling her story.
"He went up to my parents that day. He was handsome, he looks like an angel. Yung tipong alam mong di makakapanakit ng tao. He offered my parents a job, since wala namang trabaho ang mga magulang ko at umaasa lang kami sa bigay ng kapitbahay namin, tinanggap nila ang inaalok niya. Maganda nung una, malaki ang kita nila. I, then got curious kung ano bang trabaho nila. I found out that they are selling drugs, my parents didn't know that they are selling drugs. I told them and the next day, they resigned. Hades knew I told my parents about it. I went home late that night, I saw him. He shape shifted into me. I was shocked, a normal human can never do that. I looked into the window, I saw him. He was talking to my parents, as me. Nagulat nalang ako ng tumumba ang mama ko sa sahig. I saw blood dripping from her mouth, sinubukang suntukin ni papa si Hades pero di niya kaya. Hades shape shifted into someone. He looks like a hideous monster. Sinunod niya ang papa ko. Lumabas siya sa bahay na parang walang nangyari. Ang masama pa, lumabas siya na muka ko ang gamit niya. Lahat ng tao sa amin, alam nilang ako ang pumatay sa mga magulang ko. They are hunting me, they want me dead. Baka daw sila naman ang patayin ko."
"You saw him? How? Gods are not supposed to show themselves to mortals." kuryosong tanong ni Ella.
"Oo nga, kasasabi lang ni ma'am yun kanina eh." sang-ayon ni Amy.
"Sigurado akong si Hades yun." tinignan ni Amy at Ella si Zoe ngunit nagkibit lang ito ng balikat.
"Anyways, that's sad." komento ni Amy.
"Uh-huh. Kaya alam kong demonyo si Hades. Siya ang tunay na kalaban ng mundong ito."
Nang matapos kumain, nagsitayuan na sila at kinuha ang kani-kanilang bag.
"Tara na?" pag-aaya niya kay Amy.
"Sabay na kayo sa amin! Pupunta kami sa bahay!" anyaya naman ni Amy kina Kira at Ella.
Sumunod naman ang dalawa sa kanya. Zoe just sighed. Talkative people are sorrounding her.
"Mamaya pa kasi uuwi sina mama at papa. Nasa school pa eh." saad ni Amy habang pinagbubuksan niya ng pinto ang tatlo.
"School?" takang tanong ni Kira.
"Si Ma'am Dianara at Sir Bryan! Mama at papa ko yun!" gulat namang napatingin si Ella sa kanya.
__________________________________________________________________________________________
Spread Love, xoxo