"Really? Mama mo si Ma'am Dianara? Bakit di ko alam? Ang tagal ko ng nag-aaral dyan sa school pero ngayon ko lang nalaman." napakamot ng ulo si Ella.
"Kasi naman, hindi ko sinasabi. Tsaka ayaw din nina mama na magkaroon ako ng special treatment sa school."
"Papasok kayo o mag-uusap nalang dito sa labas?" tamad na sabi ni Zoe.
"Ito namang bff ko! Bugnutin! Mainipin pa!"
Tuluyan na silang pumasok sa bahay nina Amy. Napatingin naman si Ella sa bahay. Malaki ang bahay nila kumpara kina Amy, but their house looks cozy. It's comforting and it looks like home. Yung bahay nila, malaki nga, malungkot naman. Madalang lang umuwi ang mga magulang niya. Minsan di niya pa naabutan. Sa laki ng bahay nila, ni hindi sila magkita-kita pag umuuwi ang magulang niya. Her brother is abroad, wala siyang kasama sa bahay nila kundi ang kanilang mga katulong. She always held parties and rebel to get her parents attention pero wala pa rin. They let her do everything she wants, they give her money, they shower her with expensive clothes and materials but they never shower her with love and time. Kaya niya sinusugal ang oras niya sa mga kaibigan niya na hindi naman pala tunay ang turing sa kanya.
Napansin ni Kira ang pagkabalisa ni Ella kaya ito ay kanyang nilapitan.
"Okay ka lang?" tanong ni Kira.
"O-oo naman. May naalala lang." she smiled weakly.
"Tara dito sa sala! May larong ginawa si Zoe! It's a puzzle game. Zoe loves puzzles and mysteries kaya gumawa siya nyan. Until now, I can't solve it. Ayaw naman akong tulungan ni Zoe, sabi niya I need to figure it out on my own. Eh kahit sina mama nga di nila alam kung paano gawin yan eh. Tulungan niyo ako, malay niyo magawa natin diba?" umupo siya sa sahig nila. Sumunod naman ang tatlo at umupo rin sa sahig. May mga unan naman silang mauupuan kaya ayos lang sa kanila.
"That's easy." tamad na saad ni Zoe. She opened her phone and played with it.
Di naman siya pinansin ng tatlo dahil abala sila sa puzzle game. Makalipas ang ilang oras, di pa rin nila masolve ang puzzle kaya itinigil na nila ito.
"Mahirap talaga Zoe! Ano bang mapapala ko dito?" tanong ni Amy.
"You'll find out if you solve that." Amy pouted.
"Ang hirap naman nyan! Tatlo na kami pero di pa namin masolve. Sina mama at papa din! Di nila kaya yan!" umupo si Amy sa sofa nila at tumabi kay Zoe.
"Ano yan?" pag-uusisa niya sa nilalaro ni Zoe.
"ML." maikling sagot naman ni Zoe.
"Naglalaro ka nyan? Ako din!" umupo naman si Ella sa kabilang gilid ni Zoe.
"Mamaya maglaro tayo." anyaya ni Ella kay Zoe.
"Ako din! Gusto kong i-try!" saad naman ni Amy.
"Mamaya." maikling saad ni Zoe.
"Ikaw Kira gusto mong sumali?" tanong ni Ella.
Alanganing ngumiti si Kira. "Sige ba. Pero di ako masyadong marunong eh." Umupo siya sa tabi ni Amy.
"Si Amy nga di marunong eh." sabat ni Zoe.
"Grabe ka naman sa akin! Matututo din naman ako!" reklamo ni Amy.
Umikot ang usapan nila sa mga online games at kung ano-ano pa. Di naman nakulitan o nanibago si Zoe sapagakat mas naging okay ang pakiramdam niya. Kahit papaano, she gained friends, another set of people that she knows that will last for a lifetime.
Amy smiled looking at the four of them. This is fun. For the first time, maya nakasama sila. Di lang si Zoe at siya. Ngayon, merong Kira at Ella na naidagdag.
This is nice. Kira thought. Atleast she found friends, friends that she can call family. A new family that she'll cherish forever. A new life with her new family.
Ella felt relieved. For the first time in her whole entire existence, nakaramdam siya ng tunay na saya. For the first time, nailabas niya kung sino talaga siya. Walang pagpapanggap, hindi kailangang magbago siya para makisama. Ito ang totoong siya. Makulit, magulo, at higit sa lahat masayahin. __________________________________________________________________________________________
Spread Love, xoxo