"Good morning!" bati ni Ella sa mga kaibigang mukang kulang pa sa tulog.
"Gusto kong lumiban sa klase ngayon," sabay hikab ni Amy.
"Edi patay ka sa tatay mo," gatong ni Kira na kasalukuyang kumakain.
Nilingon naman ng lahat si Zoe na tahimik lang sa kaniyang upuan. Hindi nito ginagalaw ang kaniyang pagkain, ni wala pa nga itong bawas.
"Okay ka lang ba, Zoe?" nilingon ni Zoe si Ella at tumango lamang. Pagkatapos ng mangyari kagabi ay hindi na siya nakatulog.
Why did he appear last night? May usapan kami na ako mismo ang pupunta sa kaniya kasama ang mga Gifted.
"Bilisan niyong kumain," iniwan ni Zoe ang pagkain at dumiretso sa sala upang kunin ang kaniyang bag.
Nakita ng tatlo ang kaniyang ginawa kaya naman ay hindi narin nila naubos ang kanilang pagkain.
"Pano yung mga hugasin?"
"Don't worry, andito sina Ate mamaya, sila na bahala diyan. Ang mabuti pa, umalis na tayo. Masama ata ang gising ni Zoe."
Nagmamadali ang tatlo palabas ng bahay. Mabuti at walking distance lang ang school mula sa bahay nina Amy kaya naman hindi mahirap habulin si Zoe na nauna na pala.
"Anyare?" bulong ni Ella habang nasa likod sila ni Zoe.
"Masama ang tulog." maikling tugon ni Amy.
"Baka pangit yung lasa ng pagkain?"
Nagkatinginan si Kira at Amy, lumingon sila kay Ella na siyang nagluto ng kanilang agahan.
"Oh my gosh! nasobrahan ko ba sa salt?" dali-daling tanong ni Ella sa dalawa. Umiling naman si Kira dahil kung tutuusin, masarap ang agahan nila kanina. Anong problema ni Zoe?
Nakarating sila sa school na ganun parin ang lagay ni Zoe. Ni isa sa bumabati sa kaniya ay hindi niya pinapansin, ganun naman talaga siya pero iba ang aura niya ngayon. Sobrang bigat at nakakatakot.
"Huy bes! balak mo ba silang takutin lahat?" tapik ni Amy sa kaibigan ngunit hindi naman siya binigyan ng pansin ni Zoe.
"Where ka nanggaling? You did not come home kagabi," mataray na salubong nj Zane sa kapatid na wala sa mood.
Nilagpasan lang ni Zoe ang kapatid at walang balak na kausapin ito.
"I'm talking to you!" hinablot ni Zane ang braso ni Zoe dahilan kung bakit mas lalong natakot ang mga kaklase nila.
"Zane, spare this day. She's not in the mood," paki-usap ni Ella sa dating kaibigan.
"I don't care! I'm still talking to her, don't make sabat,"
"Bibitawan mo ba ang kamay ko o gusto mong may mangyari ngayon?" malamig na sambit ni Zoe. Napaatras naman si Zane nang nakita ang mga mata ng kapatid.
Binitiwan naman agad agad ni Zane ang kamay ng kapatid. Even though she wants to piss the hell out of her sister, somehow, she's still scared of her when she uses her cold tone and stares at her with her blank eyes.
Natapos ang buong umaga na ganun parin si Zoe. Patagal nang patagal ay mas lalong bumibigat ang aura ng kanilang kaibigan.
They are walking on eggshells the whole morning and they want to continue it that way until Zoe decides to calm down.
Lahat ng kanilang madaanan ay natatahimik o kaya naman ay umiiwas. Kaya naman nang may bumangga kay Zoe ay pigil hininga ang lahat at walang ibang nagawa kundi panoorin ang nangyayari sa kanilang harapan.
"I-I'm sorry..." agad namang lumapit ang tatlo at tumulong sa pagpulot ng mga natulog na gamit ng estudyante.
"Okay lang yun," dinaan nalang ni Kira sa tawa ang kaba.
"Nakasalamin ka na nga di mo pa makita yang dinadaanan mo," malamig pa sa malamig na sambit ni Zoe.
"Pasenya na," nanginginig na paumanhin niya.
"Okay lang yun, sige na. Mauna na kami," hinila ni Amy si Zoe palayo at kalaunan ay sumunod naman ang dalawa.
"Zoe naman, ano bang problema mo. Kanina ka pa," problemadong saad ni Kira.
"You're scaring everyone," humingang malalim si Ella bago tumabi kay Kira.
"Alam naming ganyan ka pero sobra naman ata yan, Zoe. Sa tagal nating naging magkaibigan, ngayon pang kita nakita na ganito. Lahat nalang ng tao tinatakot mo o kaya naman binabara mo," sinamaan ng tingin ni Amy si Zoe bago ituloy ang sasabihin.
"Wala sa lugar yang inaakto mo, Zoe. Kung galit ka o may problema ka, sabihin mo sa amin para maayos natin," isang buga pa Ng hininga at umalis na si Amy, iniwang nakayuko si Kira at Ella habang si Zoe naman ay nakatungo lang sa papaalis na kaibigan.
"Susundan ko lang si Amy," tumayo si Kira upang sundan si Amy.
"I don't want to say anything kasi ngayon lang naman kita naging kaibigan. I don't know you like Amy knows you, but the way Amy got upset with how you acted shows me that you stepped the line, Zoe."
Tumayo rin si Ella upang sundan ang dalawang kaibigan. Ayaw niya mang iwan si Zoe ngunit kailangan niyang gawin upang bigyan si Zoe ng oras na makapag-isip.
Lumipas ang ilang minuto nang may tumabi kay Zoe. Hindi niya na kailangan tignan ito dahil kilala niya na, amoy palang."
"Why are you alone, missy?"
"Leave me alone, Damian."
"Pinapaalis mo na ako? Parang dati lang ayaw mo akong umaalis sa tabi mo," itinukod ni Damian ang kaniyang siko sa mesa at sinandal ang ulo sa kaniyang mga palad upang pagmasdan si Zoe.
"I miss you."
Lumingon si Zoe dahil sa binitawan ni Damian. Miss me? What a joke.
"You don't believe?" umiling si Zoe dahilan kung bakit tumawa si Damian.
"Why would I believe you? If you really miss me you would talk to me after what happened but what did you do? Iniwasan mo ako at sumama sa grupo ng kapatid ko," inirapan niya si Damian.
"Sining hindi iiwas? You rejected me, Zoe. You rejected my feelings for you. What do you expect? I would still hang out with you? That's not how it works for me, missy. Gusto kita pero hindi naman ako tanga para manatili sa tabi mo," umayos si Damian sa pagkakaupo. Hinawakan niya ang kamay ni Zoe na bigla namang binawi ni Zoe.
"Let me hold your hand," kinuha ulit ni Damian ang kamay nito bago bumuntong hininga.
"I'm ready. I'm ready to be your friend again. I don't have feelings for you anymore. I'll be with you from now on. Hindi na ako lalayo tulad ng dati. I'll stick with you everywhere you go, well except jung may klase, hindi naman tayo magka-klase pero sabay na tayong uuwi, sabay na tayong papasok, at sabay tayong kakain tuwing lunch," napalingon naman si Zoe sa sinabi ni Damian.
"You don't like me anymore? Really? Sa mga sinasabi mo parang ang hirap maniwala ah. Gawaing boyfriend yang mga sinasabi mo," tumatawang saad ni Zoe. Damian smiled, finally, Zoe smiled again. A genuine one.
"Oo nga. Hindi na kita gusto. Si Ella na ang gusto ko," kumunot ang noo ni Zoe.
"Kung gusto mo si Ella, bakit ka nakipaghiwalay sa kaniya? Tapos jinowa mo pa kapatid ko," kumunot naman ang noo ni Damian sa sinabi ni Zoe.
"Kapatid mo? Jowa ko? Adik ka ba?" binawi ni Zoe ang kamay niya kay Damian at hinampas ito sa balikat.
"Yun ang kumakalat ah? Jowa mo daw," umiling si Damian.
"Hindi nga, tsaka anong ako ang nakipaghiwalay? Si Ella ang nakipaghiwalay. Pero okay lang, hahabulin ko naman eh,"
Silence enveloped both of them while they were playing with each other's hands when someone came.
"Zoe..." napalingon ang dalawa sa boses na iyon at nagulat.
"Ella.."
__________________________________________________________________________________________
Spread Love, xoxo