Mabilis lumipas ang panahon at Christmas break na. Napagdesisyonan na rin ni Karissa na kausapin ang Ama niya at ayusin ang kanilang pamilya. Hindi man sa paraang gusto niya, sa paraan naman na alam niyang magiging maayos para sa lahat. Gusto ng Mama niya na mag New Year sa probinsiya nila. Silang dalawa lang kasi sobrang tahimik kahit na paulit-ulit at malakas naman ang tugtog ni Jose Mari Chan. Nakaupo lamang sa couch si Karissa at nanunood ng home alone part two. Alas-diyes na rin ng gabi at pumasok na ang Mama niya sa kuwarto nito. Hindi rin nakatawag si Adi dahil nasa bahay sila ng grandma niya. Doon kasi sila nagpasko. Bandang alas-onse ay napatingin siya sa cellphone niya nang tumunog iyon. Napangiti siya nang makita ang number ni Laddicus. Sinagot naman niya iyon agad.

