Pagsapit ng alas-singko ng umaga ay umuwi na si Karissa. Hinatid siya ng binata. Nakauwi na rin si Adi samantalang siya ay nakatingin lang sa pintuan nila. Paano nga kaya niya kakausapin ang ina niya? Napagisip-isip niya kagabi na kung mahirap sa kaniya iyon lalo naman sa ina niya. Iyong papa niya rin ang taas ng messages pero hindi niya binasa. In-ignore niya lang ito sa messenger. Hindi niya pa kayang kausapin ang ama niya. Pumasok siya sa loob ng bahay nila at nakita ang ina niyang nakaupo sa couch. Umangat ito ng tingin at napangiti nang makita siya. Nakatayo lamang si Karissa sa may pintuan. “Anak,” aniya at niyakap siya. “Mabuti naman at umuwi ka na.” Tiningnan lamang ito ni Karissa. Nahihiya kasi siya sa ina niya. Ang daming masasakit na salita ang binitiwan niya rito

