Mabilis lumipas ang panahon. February na at parating na ang kanilang JS prom. Excited ang dalaga at magkikita sila ni Keiran. Katunayan nga ay nagpa-practice na sila ng mga series of events na mangyayari sa prom. Sa sabado na iyon. Napili nilang kantahin ang count on me at sa mga senior high naman ay through the years. Talaga nga namang napakaganda ng mga kantang napili. Tinatamad siya dahil hindi si Keiran ang partner niya. Ang tangkad kasi ng binata at guwapo kaya ang suwerte ng class adviser nila. Siya ang napiling maging partner. Okay na lang din sa kaniya kaysa naman sa mga masuwerteng anaconda sa paligid. Si Tria naman sobrang saya ng dalaga dahil ka-partner nito ang crush niyang basketball player. Sana all na lang siya. Nakatunganga lamang siyang nakatingin kay Keiran sa harap. Sin

