Nakatingin lamang si Naeia sa binata habang sinasabitan ng napakaraming medalya. Masaya siya na malungkot dahil sa wakas ay graduate na ito. Siya naman ay maiiwan sa eskuwelahang ito para magpatuloy. Si Keiran naman ay magiging first year college na. Natatakot siya pero nagtitiwala rin. Kung puwede nga lang maging first year college na rin siya para makasama lang ito. Pagkatapos ng graduation ceremony ay kinuha niya ang kaniyang regalo para sa binata at hinintay na lapitan siya nito. Napapailing na lamang siya nang makita ang pamilya nitong halatang proud na proud sa narating ng anak nila. Napangiti si Naeia nang lapitan siya ni Keiran at dinala sa pamilya nito. “Hello po,” bati niya. Kaagad na napangiti naman ang parents’ ng binata. “Hello hija,” bati ng ina nitong si Khade

