Hindi na nagpaalam ang dalaga tungkol sa birthday niya. Ayaw na rin niyang malaman pa nito dahil alam niyang busy naman si Keiran. Nagsabi na rin itong pupunta sa Russia at magbabakasiyon doon kasama ang kaniyang family. Mabilis lumipas ang panahon at bumalik na ang dalaga sa probinsiya. Pasukan na naman kasi. Ilang linggo na ring wala silang maayos na komunikasiyon ni Keiran. Tinamad na rin siya. Naiinis lang siya kapag naaalala niyang kasama nito si Marikit ngayong nakauwi na ito galing sa ibang bansa. Nakasandal lamang siya sa malapad na couch ng bahay ng grandparents niya at nakatingin sa cellphone nito. Naghihintay siya ng text mula sa binata. Ilang saglit pa ay kuminang ang kaniyang mata nang makita ang pangalan ng binata sa cellphone niya at tumatawag. Inayos niya ang kani

