Kinabukasan ay maagang nagising si Karissa. Tiningnan niya ang kaniyang sarili sa salamin. Gusto pa niyang matulog pero hindi siya makatulog. Laging bumabalik sa alaala niya ang nangyari kagabi. Umiling siya at huminga nang malalim. “Relax Karissa,” kausap niya sa kaniyang sarili. Inayos niya ang buhok niya at kinuha ang kaniyang bag t’saka lumabas na. Pumunta siya ng kusina at kinuha ang kaniyang baon. Nasa labas ang Mama niya nagdidilig ng halaman. “Ma?” tawag niya. “Oh, anak?” “Alis na po ako,” paalam niya. “Take care,” nakangiting bilin nito. Tumango naman siya at hinalikan ito sa pisngi. Naghintay lang siya saglit at may traysikel na. May mga kapit-bahay naman sila. Hindi sila ganoon ka-close since bago nga naman silang lipat. Pagdating sa eskuwelahan ay napab

