Bandang lunch time ay naglakad na si Karissa papunta ng cafeteria. Nandoon kasi ang apat at naghihintay sa kaniya. Malayo pa lang ay kitang-kita na niya ang apat kahit na maraming estudyante. Ang lalaki kasi ng bunganga at bulgarang nagpapahayag ng damdamin sa mga crush nila. Napailing na lamang siya at nilapitan ang mga ito. “Hi,” bati niya at ngumiti. “Ang saya natin ah,” ani Kaye at nginisihan siya “Hindi naman,” aniya. “Ikaw Karissa ha, hindi namin alam na tinitirador ka na pala ng mga taga-special class,” komento ni Steph. Kumunot naman agad ang noo niya. “Ha? Ano’ng ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong niya. “Ayan oh, may nakakita sa inyo ni, Laddicus kanina sa garden. Ang saya niyo pa tingnan. Basta ako Team Lasa. Ayaw ko na sa Team Tisa,” kinikilig

