Bandang alas-sais ng gabi na bago natapos ang meeting nila tungkol sa paparating na Science fair. Maraming activities ang kanilang napag-usapan. “I guess it’s all clear,” malditang wika ni Arianna. Busy rin kati-take down notes si Karissa. Minsan hindi rin siya maka-focus kasi nasa gilid niya si Adi. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at may mga texts na ang Mama niya. Halatang nag-aalala na rin sa kaniya. Ni-reply-an niya lang ito na pauwi na siya. Matapos ang lahat ay nagsiuwian na sila. “Uwi ka na?” nakangiting tanong ni Titus. Tumango naman si Karissa. “Ha—" “Karissa!” tawag sa kaniya ni Laddicus. Kaagad na natuon naman ang mga mata ng kasama nila sa kanilang dalawa. Napatingin naman siya sa binata. “I’ll drive you home,” seryosong saad nito at isinukbit ang kani

