Underneath: 4

2186 Words

 Kumunot ang noo ni Karissa at napangiti. Hindi niya rin maintindihan ‘tong si Laddicus eh. Masiyado kasing istrikto ang tabas ng mukha. Pero kahit ganoon napakaguwapo pa rin.     “Anak?” tawag ng ina niya sa labas. Tumayo siya at binuksan ang pinto. Nakangiti ang ina niya pero ang mga mata nito ay malungkot.   “Puwede ba tayong mag-usap?” tanong nito. Binuksan naman nang maluwag ni Karissa ang kuwarto niya at umupo sa kaniyang kama. Umupo naman sa tabi niya ang kaniyang inang si Kathleen.   “Anak, patawarin mo ako,” wika ng ina niya. Hinawakan nito ang kamay niya at nagsimulang umiyak. Doon napagtanto ni Karissa. Tama nga ang hinala niya. Mabilis na hinila niya pabalik ang kamay sa ina. Lalo lamang iyong umiyak.   “Bakit, Ma? Ano ba ang nagawa sa ‘yo ni, Papa?”   “Anak wal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD