Chapter 2

1317 Words
"Ang kapal ng mukha ng bwesit na 'yon," inis na ani niya. Tinawanan lamang siya ni Betty. "Alam mo ikaw? Kasalanan mo talaga iyon eh. Bwisit ka rin, pinahiya mo ako kanina," reklamo ng dalaga rito. Napakamot lamang si Betty sa ulo niya at ngumisi nang malapad. "In fairness girl, napaka-guwapo naman talaga niya. Kaso mukhang suplado eh," ani ni Betty. "Maldito talaga. Akala mo naman ikinaguwapo niya 'yon. Like hello? Manners first ako no," ani ng dalaga. Kaagad na binatukan siya ng kaibigan. "Aray! Ano ka ba? Ba't ka nambabatok diyan?" inis na tanong niya sa kaibigan. "Nahiya ako sa'yo, Day! Ewan ko talaga kung maka-manners first ka riyan akala mo naman may manners talaga sa kaloob- looban," ani ni Betty sa kaniya. "Ikaw lang naman din ang nagsabi sa'kin na wala eh, hello?" sabat niya. Napailing na lamang si Betty at inirapan siya. "Kamusta na pala kayo ng boyprend mong high lagi?" tanong ni Betty sa kaniya. Natigilan naman si Diana at napailing. "Nag-away kami kagabi eh kaya naglasing ako," saad ng dalaga. "Sandali, muntik ko nang makalimutan. Saan ka natulog kagabi? Bakit umaga na hindi ka pa rin nakauwi sa boarding house mo?" usisa ni Betty sa kaniya. Kaagad na napipilan si Diana at hindi alam ang sasabihin. "A-ano kasi eh.." "Ano?" tanong ni Betty. Nawawalan ito ng pasensiya dahil sa pambibitin ni Diana sa kaniya. "Bilis na, ano? Huwag mo nga akong binibitin," saad ni Betty. Umupo muna sila sa bakanteng table ng cafeteria at mahinang nagsalita. "May naka-one night stand ako kagabi," mabilis at nakapikit niyang saad. Natigilan si Betty at napangiti. "One night stand lang pala eh," sagot nito. "Ano? One night stahnsksnsj?" Mabilis na tinakpan ng dalaga ang bibig ng kaibigan. Inis na tiningnan niya ito. "Litse ka! Sabihin mo kung gusto mong ipagsigawan sa lahat na may naka-one night stand ako bibigyan kita ng trumpa," ani niya sa kaibigan at inirapan ito sa inis. "Sorry naman, masiyadong nagulat lang ako sa sinabi mo," ani ni Betty at hininaan na ang boses niya. "Wala na ang flagship mo Day! Ano ba ang napasok sa isip mo at nakipag-jerjeran ka?" inis na tanong ni Betty sa kaniya. Napahawak siya sa ulo niya. "Lasing nga ako," ani niya. Lalo lamang naging suspicious ang tingin ni Betty sa kaniya. "Sino ang lalaki?" tanong ng kaibigan niya. Napalunok siya at napailing. "Huwag mong sabihing hindi mo alam, Diana. Kapag hindi mo sinabi sa akin, sasabihin ko na talaga lahat ng kalokohan mo kay, Ate Candy," banta sa kaniya ni Betty. Kaagad na hinawakan niya ang kamay ng kaibigan. "Alalahanin mong may sumpaan tayo, Elizabeth. For better or for worse sa beer lang tayo susuka. Hindi sa parents natin susuko. Sasabihin ko na huwag mo lang sabihin sa Ate kong mukhang tigre please lang," pakiusap niya sa kaniyang kaibigan. Kaagad na napangiti ito. "So, sino nga?" tanong nito. Huminga siya nang malalim at nagsalita. "Iyong bago nating instructor," mahinang sambit niya. Kaagad na napatawa nang malakas si Betty. "Day, alam kong napaka-guwapo talaga ni, Sir. Pero huwag mo naman gawing obvious na gusto mo siya. Sige na, seryoso na. Sino ba talaga?" nakangiting saad ni Betty sa kaniya. Nakasandal lamang si Diana sa upuan at tinaasan siya ng kilay. Nanlaki ang mata ni Betty at hindi makapaniwalang tiningnan siya nang makitang hindi nga siya nagbibiro. "Nyemas! Hindi ka nagbibiro?" paninigurado nito. Lalo lamang niyang itinaas ang kilay niya hanggang sa umabot sa bunbunan niya. "Bakit hindi ka niya nakilala? Pinagalitan ka pa kanina. Imposibleng hindi ka niya naaalala," saad ni Betty. "Ano ba sa lasing ang hindi mo maintindihan? Nagbanggaan lang kami sa hallway ng club ayun nagising na lang ako wala na akong suot at nakita ko siyang nakadapa. Talo ko pa si Naruto sa technique niya. Mabilis na lumayas ako palabas," paliwanag niya. Nanlalaki ang mata ng kaibigan niya sa kilig. "Eh 'di sabihin mo sa kaniya na may nangyari sa inyo," ani ni Betty. "Iyan ang huwag na huwag mong gagawin, Betty. Itong nangyari sa amin, sa atin lang 'yon. Mas mabuti ng hindi niya alam ang totoo. Hindi ko siya type at lalong ayaw ko sa kaniya. May boyfriend ako, Betty. Mahal ko si, Gaeb kaya huwag na huwag kang magkakamaling ipagsabi ito kahit kanino. Sinasabi ko talaga sa'yo," ani niya sa kaibigan. "Oo na ito naman masiyadong highblood. Oh em gee," ani nito sa mahinang boses. Kumikinang pa ang mga mata nito. "Bakit? Bakit para kang toro riyan?" nagtatakang tanong ng dalaga sa kaibigan. "Nandito si, Sir pogi," ani ng kaibigan niya. Kaagad na kumunot ang noo niya at napalingon. Nagulat naman siya nang magtama ang mata nila. Mabilis na nilihis niya ang kaniyang tingin at kunwari ay busy sa kaniyang cellphone. Hanggang sa dumaan na ito sa gilid nila. "Nakita mo 'yon, Day?" tanong ni Betty sa kaniya. Kinakagat pa nito ang sariling labi, indikasiyon na kilig na kilig ito. "Sino?" sagot niya. Kunwari ay hindi niya iyon alam. Kaagad na napataas ang kilay ni Betty sa kaniya. "Ahh, so hindi mo siya kilala?" tanong nito sa kaniya sa asar na tono. Kaagad na tumango naman siya. "Hindi mo pala kilala. Eh kung kutusan ko 'yang singit mong babae ka ha? Nakipag-one time jerjeran ka sa kaniya tapos ngayon hindi mo na siya kilala?" ani ni Betty. Halatang bwesit na ito sa kaniya. "Bibig mo," ani niya rito. Inirapan lamang siya ng kaibigan. "Bakit ka ba ganiyan, Diana? Kapag talaga ako hindi makapagpigil pupuntahan ko si, Sir. Sasabihin ko sa kaniya na nagjerjeran kayong..." Hindi na nito natapos ang sasabihin nang nanlalaki ang matang malakas na binagsak ni Diana ang dalawang kamay sa lamesa. Kaagad na napatingin ang ibang estudyante sa kanila. Maging si Betty ay natahimik sandali at natatakot na napatingin sa kaniya. "Oh, bakit takot na takot ka riyan?" tanong ng dalaga at bumalik na sa pagkain. "Day! Tingnan mo ang kamay mo. Namamaga hindi ka ba nakaramdam ng sakit?" tanong ni Betty sa nag-aalalang boses. Kumunot ang noo niya at napatingin sa kamay. Namumula nga nakaramdam siya ng t***k-t***k pero ni kaunting sakit ay wala talaga. "Wala naman bakit?" tanong niya rito. Napailing si Betty at napaayos ng upo. "Ibang klase ka talaga girl. Gawa ka ba sa bakal at hindi ka makaramdam ng sakit?" tanong nito sa kaniya. Kaagad na napailing ulit ito. Napatingin si Diana sa kamay niya at napabusangot. Wala talaga siyang nararamdaman. "So ano na, Diana? Malaki ba? Namamaga ba ang puday mo riyan? Ano na?" usisa ni Betty sa kaniya. Inis na tiningnan niya ito. "Anong klaseng tanong ba naman 'yan, Betty? Nakakahiya kaya, tumahimik ka na lang please," ani ng dalaga sa kaibigan at pilit iwinawaglit ang malalaswang imahe sa utak niya. "Sus, para naman kung sino itong kausap niya. Eh ako ba, Diana? Kailan kaya ako naglihim sa'yo? Kailan kayo ako hindi nagsabi sa'yo ng mga intimate escapes ko?" busangot na ani ng kaibigan niya. Mukhang pinapa-konsensiya pa siya ng kaibigan niya. "Gusto mo talagang malaman?" tanong niya sa kaibigan. Kaagad na tumango ito at napangisi. "Kita mo 'yang straw ng milktea mo? Ganiyan kaliit, ngayon kung ayaw mong maniwala puntahan mo siya at tanungin," inis niyang saad dito. "Grabe ka na talagang babae ka," ani ni Betty sa kaniya. "Kita ng lahat na malaki at mahaba ang kamay ni, Sir. Tsaka maugat din iyon kaya hindi ako naniniwala sa'yo," ani ni Betty. Huminga siya nang malalim at nawawalang pag-asa. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin. "Hindi lahat ng porenjer malaki ang putotoy, Betty. Ang iba scammer ang umbok," ani ni Diana. Kaagad na nanlaki ang mata ng kaibigan niya. "Uy, hindi maumbok si, Sir," gagad ni Betty. Diana closed her eyes in frustration. "Kung hindi lang talaga kita kaibigan kanina pa kita tinadyakan eh," ani niya rito. "Paano ba 'yan magkaibigan tayo?" sambit nito habang nakangisi. Napahawak na lamang ang dalaga sa ulo niya. Tbc zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD