Chapter 1

1064 Words
Napahawak ang dalaga sa ulo niya at unti-unting bumangon. Nanatiling nakapikit ang mga mata at ramdam ang pag-ikot ng kaniyang paningin. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata at nanlaki ito nang makitang hindi pamilyar ang kinaroroonan niya. Tarantang napatayo siya at muntik nang mapasigaw nang makitang walang saplot ang kaniyang ibaba. Mabilis na kinuha niya ang underwear at nagbihis. Hindi pwedeng magkita silang dalawa ng kung sino mang Pontio Pilato ang nakaiskor sa kaniya. Sobra-sobra na ang katangahan niya. Mabilis na kinuha ang kaniyang bag at napatingin sa lalaking mahimbing na natutulog sa kama. Kalahati lamang ng mukha nito ang nakikita. She didn't even bother look at the guy again. Tarantang tumakbo siya palabas ng kuwarto nang gumalaw ito. Ni hindi na niya naisarado ang pinto. "Letsugas! Diana, ano na naman bang katangahan itong pinasok mo?" kastigo niya sa sarili habang sinusuot ang stilletos niya. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at sinagot ang tumatawag. "Bruha nasaan ka na?" tanong nito sa kabilang linya. Napatakbo siya nang makitang muntik ng sumirado ang lift kaya mabilis na pumasok siya at humingi ng despensa sa mga taong nasa loob. Pinagtitinginan tuloy siya. Nakaipit sa tenga ang cellphone at nagbu-butones ng damit. "Letsugas ka! Uuwi pa ako sa boarding house," inis niyang ani sa pinakamahinang boses. "Hoy day! Anong oras na?" tanong nito sa kabilang linya. Napapikit ang dalaga at inayos ang buhok niya. Napakamot siya sa ulo nang makitang alas diyes na. "Alam ko late na ako sa klase, mamaya na akong one-pm papasok," nagmamdaling ani niya. Mabilis na lumabas siya ng lift noong bumukas na ito. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao dahil sa ayos niya. Pumara siya ng taxi at dumiretso sa boarding house niya. Kaagad na napahiga siya sa kama at ipinatong ang kamay sa noo. "Letse ka talaga, Diana! Anong ginagawa mo sa buhay mo?" inis niyang ani sa sarili. "Ang puri mong inalagaan mo ng ilang dekada nawala na lang sa isang iglap," nakapikit na ani niya. Nakatulala lamang siya habang nakatingin sa kisame. Ilang saglit lang ay tumunog na naman ang cellphone niya. "Hello?" tamad niyang sagot. "Ano ba, Diana? Kanina pa kita hinihintay alas dose na," galit na singhal mula sa kabilang linya. "Oo na Betty, nandiyan na," inis niyang ani. Mabilis ang kilos na naligo siya at inayos ang sarili. She's as normal as others. Maganda naman siya, palasagot, medyo maldita at malakas kumain. Kinuha niya ang kaniyang bag at sumakay ng traysikel papunta sa university na pinapasukan niya. Kasalukuyan siyang nasa fourth year niya at isang business-administration student. Iyong tumatawag sa kaniya ay ang kaniyang bestfriend na si Betty Guevarra. Nagbayad na siya at pumasok sa loob. "Hep!" ani ng guard. She rolled her eyes in annoyance. "Ano na naman guard?" tanong niya. "ID mo?" istriktong ani nito. Napabuga ng hangin ang dalaga at ipinakita ang ID niya. "Happy?" bored niyang tanong. Tinaasan lamang siya ng kilay nito. "Pasok na I'm taken," sagot nito kaagad na inikotan niya ng mata ito. Napaka-feeling talaga ng guard ng university nila. Dumeritso na siya sa loob at gulat na tiningnan ang kaibigang si Betty. Kinaladkad lang naman siya papasok sa isang room. Parehong nakayuko at pinanlalakihan ang mga kaklaseng nakakita sa kanila. Umupo sila sa pinakadulo. Nasa harap na kasi nila ang teacher nilang padala ni satanas sa sobrang terror. "Gaga ka ang tagal mong pumunta rito," asik nito sa kaniya. Nag-peace sign lang siya rito. Ilang sandali lang ay nagsitahimikan ang lahat. Nagtaka naman ang dalaga kaya napatingin siya sa harap. Nanlaki ang mga mata nang magtagpo ang tingin nila ng binata sa harap katabi nito ang Professor nilang matanda na si Sir Dumagundong. Nakasuot ito ng white polo shirt at black slacks. May wrist watch na rolex at eye glasses. Mabilis na yumuko siya at tinakpan ng libro ang mukha. "Bakit siya nandito?" mahinang ani niya sa kaniyang sarili. "Everyone, this is my nephew, Engineer Paris Teague Montesorri. He will be your new instructor in Finance and Physics," ani ng Professor nila at umalis na. Lumakas ang t***k ng puso niya sa kaba. Naging maingay na rin ang kaniyang mga kaklase at si Betty heto at niyuyugyog siya. Halatang kinikilig sa bago nilang instructor eh heto siya't mamatay matay na sa sobrang kabang nararamdaman. Posible kayang nakilala siya ng binata? "Day! Ang guwapo ng instructor natin," Yugyog nito sa kaniya. Kung alam lang nito ang pagpipigil niya na huwag sulyapan. Gusto niyang tingnan ito ulit baka sakaling namamalikmata lang siya. "Hoy! Anong ginagawa mo riyan?" kunot ang noong tanong nito sa kaniya. Umayos siya sa pagkakaupo at tumingin sa harap. Inayos na rin niya ang hawak na libro at ngumiti nang pilit sa kaibigan. Nakatingin sa kaniya ang bagong instructor nila at tumalikod na. Siniko naman siya ni Betty. "Tumingin dito day!" pigil na pigil ang boses na ani nito. Kaagad siyang napatingin sa kamay nitong nagsusulat ng formula sa white board. "Ang laki ng fingers day!" impit na ani ni Betty. Napalunok siya nang maalala ang mga haplos nito sa katawan niya. Mabilis na umiling siya. "Hoy! Namumula ka crush mo no?" tukso sa kaniya ni Betty. Sinamaan niya ito nang tingin. "Tumigil ka nga," saway niya rito. Inirapan lamang siya ng kaibigan. Napapikit naman agad ang dalaga dahil sa nakakamatay na formula. Hindi na niya maintindihan ang nakikita. Naduduling na siya. Gusto niyang mag-aral ng education pero business ang gusto ng pamilya niya. Heto at patuloy na nabubuhay kahit araw-araw dumudugo ang utak niya. "Hoy!" tawag pansin sa kaniya ng kaibigan. "Bakit?" nanghihinang tanong niya. "Tinatawag ka ni Sir," ani nito. Mabilis na napatayo siya. "Yes Sir?" malakas na ani niya lumingon ang binata sa kinaroroonan ng dalaga at tinaasan siya ng kilay. Lahat ng mga kaklase niya ay nakatuon ang pansin sa kaniya at nagtawanan. She pursed her lips and looked at Betty. Tumatawa ito at kulang na lang maglupasay sa sahig. Napakamot siya sa ulo niya at nakagat ang labi sa kahihiyan. "I don't want any interruptions when I am teaching. I am here to instill knowledge in order to make you progressive in the future. I am not playing games here. If you are seeking attention then get out of my class," malditong ani ng binata at bumalik sa pagsusulat. Nahihiyang bumalik siya sa pagkakaupo at sinamaan nang tingin si Betty. Ngumisi lamang ito at nag-peace sign. "Sorry," ani nito sa kaniya. Tbc zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD