Unang Kabanata
ANNE'S POV.
Sa henerasyong ngayon, iba't-iba na ang prioridad ng mga tao. Kanya-kanyang pagkikilos at kinakailangan ang matinong pag-iisip para sa kinabukasan ng bawat isa sa atin.
Sa pamamagitan ng mabuting edukasyon, nagiging matalino ang bawat kabataan at nagkakaroon sila ng maginhawang buhay pagkatapos makamtan ang pangarap na kanilang ninanais.
Pero paano kung hindi mo pa naabot ang iyong pangarap at nagsisimula ka nang maghirap?
"Sisante ka na!" Napatikom ako ng bibig habang gulat na tinignan ang manager namin.
"Sir, I can ex---"
"Anong, I can explain? Ms. Parillo, this is your job to handle costumers and instead of doing that, you're sleeping?! Naku naman Ms. Parillo, kailang ulit naba toh nangyari ha?!"
Napayuko ako at napalunok. "Sorry sir, I will do my best po. Promise! Di na ako matutulog at mag f-focus na po ako. Pangako po yan, bigyan niyo lng po ako ng isa pang chance, please?" I pressed my lips while showing him my index finger. Napa hinga na lamang siya ng malalim.
"I understand na hindi ka nakakatulog ng maayos dahil call center agent ka, pero kailang ulit na toh eh. I'm sorry but you're fired." Sambit niya at umalis na.
Napahinga ako ng malalim saka tumayo. Hindi na ako nagtataka kapag nagyayari ito. Nasanay na kasi ako. 5 years na kaya akong call center agent, palipat-lipat lang ng kompanya. Nagtungo ako sa station ko upang ligpitin na ang mga gamit.
Ang malas naman, pano ko sasabihin toh kay inay? Segoradong magagalit yun noh. 6 months pa nga lang ako sa company na toh sisante agad. Hayst... ngayon, wala na akong malilipatan pano na yung pag-aaral ko ng kolehiyo?
"Oh, Anne. Anong nangyari?"
Napalingon ako kay ate Jasmine na papalapit sakin at halatang may pag alin-langan ang tingin niya saakin. Ngumiti ako sakanya. "Aalis na ako ate Jas, salamat sa pagdala sakin sa companya na toh." Napabuntong hininga ako. "Well, kasalanan ko rin naman kaya ako na sisante." Pagtawa ko ng pilitan at tinuloy ang pagligpit ng mga gamit.
Tumingin siya sakin at hinawakan ang dalawang braso. "Hay nako, di mo kasalanan yun noh. Tao ka rin naman eh, lahat naman tayo inaantok kaya kailangan mo ring magpahinga minsan noh. Magkaiba lang tayo ng oras. Ako kasi ito lang yung trabaho tapos ikaw nag p-part time kapa kahit saan-saan ang sipag mo kaya, naiintidihan kita noh."
Tumango ako sa kanya. "Sge, ate. Goodluck nalang sainyo dito."
Umiling siya at ngumiti. "Mas goodluck sayo, ituloy mo lang yang pangarap mo, Anne. Balang araw makakamit mo rin yan. Sa dami ng pinagdaanan mo para tulungan ang pamilya mo kasabay nag pag-iipon mo ng pera sa pag-aaral ng kolehiyo, susuko ka pa ba?"
Napatingin ako sakanya at ngumisi. "Ate, Sino ba nagsabing susuko ako?"
Tama. Ang pangarap dapat na ituloy. Hinding-hindi ako susuko kahit anong magyari. Ako pa ba? Magiging novelist kaya toh.
FIGHTING!!!
•••••
AUTHOR'S POV.
Huminto ang isang itim na kotse sa harap ng malaking kompanya at kasabay nito ang pagsalubong ng mga lalaking nakasuot ng pormal na kasuotan. Naka suit, blazer, necktie at black leather shoes.
Bumukas ang pinto ng kotse at bumunggad ang lalaking mataas at maputi. Naka suot din ng pormal na suotin at naka sunglass pa. Isinara niya ang pinto ng kotse saka tinignan ang presensya ng kaniyang mga bodyguards. "Perfect!" Ang bulong niya sa sarili saka tumango at pinitik ang kanyang dalawang daliri. "Assistant Moa."
Napangiwi ang kaibigan at pumunta sa harapan niya. "Hoy, Jim. Remind lang kita ha, hindi moko assistant kaya wag mokong tawaging 'Assistant Moa' ang cringe kaya non."
Napataas ng isang kilay si Jim Sa likod ng mga salamin na iyon at biglang inalis ang sunglass upang tignan ang reaksiyon ng kaibigan. "Excuse me, Mr. Clark Alexander Moa. You know that I don't have a proper secretary for now so alam mo din na temporary ka lang but my company still pays for you so shut up." Ibinalik niya ang glasses at lumakad na sa loob ng companya habang naka sunod ang mga bodyguards niya.
Napatawa ng sarkastiko ang kaibigan. "Grabeh, ka na ha. Kaibigan mo ba ako? Hoy, Jim Asher Paralgo!"
•••••
Tinignan ni Alexander ng masama ang kaibigan na nakaupo sa harap niya habang binabasa ang menu na naka-dekuwatro. "Stop glaring at me Lex, I will sue your eyeballs if you keep doing that."
Napataas ang dalawang kilay ni Alexander sa narinig. "Nakikita moko?"
Ibinaba ni Jim ang menu at tinignan ng seryoso ang kaibigan. "What do you mean 'nakikita kita? You're just sitting across me. Bobo ka ba?"
Napatimpi ang kaibigan at ngumiti ng pilitan. "Ang ibig ko pong sabihin, ang galing niyo pong magmasid kahit di kayo nakatingin sa reaction ko. Ganon po yun, Mr. Paralgo."
"Ah, ganon pala yun." Tumango si Jim at kinuha yung menu. "Akala ko kasi tuluyan ka nang naging bulag."
"Aba, gusto mo bang mamatay?"
"Mr. Moa, I'm not your friend ngayon. I'm still your boss during this time." Sabi ni Jim habang pumipili ng o-orderin.
"Pwes, ayoko na maging assistant mo. Loko ka!" Tumayo si Alexander at aalis na sana.
"Op! Sandali..." Pagtawag ni Jim. "Binasa mo ba yung contrata, Mr. Moa? Alam mo naman segoro kung ano ang nakasulat dun diba? The employee won't be able to resign until he found someone to replace him/her. Nakalimutan mo ata, eh."
Napaupo ulit si Alexander at tumingin sa boss niya. "Sandali, talaga bang nakasulat yun?"
Pumalakpak ng ikalawang beses na sosyal si Jim at dumating ang lalaking waiter saka siya nag order ng inumin. Umalis na ang waiter at Napa-cross arms siya sa dibdib niya habang tumitingin ng diretso sa kaibigan. "Don't tell me, hindi mo yun binasa?"
Nakatikom ng bibig si Alexander at napakamot ng ulo dahilan ng pagbuntong hininga ni Jim at umiling na lamang siya. "Hay nako, Lex. Kaya pala uto-uto ka kasi ang tamad mong magbasa kahit simpleng babasahin."
"Ibig sabihin ba non, inuoto mo lang ako?!"
"WTF would I do that? Look, I told you na basahin mo bago mo permahan. Ilang ulit pa nga kitang tinanong kung sure ka ba talaga ang you said yes. Now tell me, how can this be called stupidity? The one who's stupid is you, alam mo yun?" Napataas ng kilay si Jim at walang magawa ang kaibigan kundi ang magsang-ayon na lamang.
"Sege na nga, hindi na ako magsasalita." Itinikom ni Alexander ang bunganga at napatango si Jim.
"Good." Sambit niya at tumingin sa basong may tubig. "Oh by the way, find me a new house. Kailangan ko ng quite place kasi ang ingay na kasama mga kapatid ko. Kahit na ang laki-laki ng bahay, I still don't like to stay there. I need to separate from my family. So hanapan moko ng bahay na maayos, malinis at perfect! As soon as possible, kailangan kong lumipat na bukas agad. Are we clear?"
"..."
"Assistant Moa?"
"Naririnig moko?"
"Assis---" Napatigil si Jim nang makita niyang nakatikom ng bibig ang kausap.
Nagkibit-balikat si Alexander habang tinuturo ang bibig. Napahinga na lamang si Jim at sinenyasan niya itong magsalita. "Bukas agad? Seryoso ka?"
"Assistant Moa."
"Ano?"
"Pagmasdan mo ang aking mukha, anong nakikita mo?"
Napakunot-noo si Alexander. "Kilay, Mata, Ilong, Bi---"
"Hush!" Sinenyasan ni Jim na tumahimik siya. Itinuro niya ulit ang mukha at tumango. "Tingnan mo ulit, Assistant Moa. Mukha ba akong nagbibiro?"
"Ah, mukha namang hindi. Pero yung mukha mo parang biro, eh---"
"Shut up. Seryoso ako, I'm not joking. Hanapan moko ng bahay mamaya, bilhin mo na kaagad. And oh, if you don't want na magtagal ka sa posisyon mo bilang assistant, find a replacement. Make sure na the best ang mahahanap mo kasi kung hindi, waste of time lang naman. I'll fire them as soon as they make something wrong and babalik ka din sa posisyon mo as my assistant. So, kung hindi mo gustong mangyari yun, you need to choose wisely. Naiintidihan mo, Assistant Moa?"
"Ano pa bang magagawa ko?"
"Excuse me?"
"Opo, Mr. Paralgo!"
"Good. I'll just go to the restroom." Tumayo si Jim at saktong dumaan ang waiter kung kaya't hindi sinadyang naisiko niya ang dala-dalang tray nito.
Nabitawan ng waiter ang tray at minalas ata na nadulas pa siya. Nanlaki ang kanyang mga mata at ikinagulat din ito ni Jim. Dahil sa kaba, ipinikit ng babaeng waiter ang mga mata at hinintay na mabagsak sa sahig ngunit hindi ito hinayaan ni Jim. Bigla niyang hinablot ang maliit na baywang ng babae at hinawakan ito ng maiigi. Humingal ang babae at dumapo ang mga kamay nito sa dibdib ni Jim.
Biglang nagtama ang kanilang mga paningin at sandaling bumagal ang oras. Ilang sandali silang nagkatitigan at ramdam ang pamilyar na damdamin. Parehong pinagmamasdan ang Kanya-kanyang mga mata at hindi mapigilang mapaisip.
Napatitig si Jim sa kanyang mga mata and her eyes widened. Wait, do I know her?
Hala! Anong gagawin ko nito?!
Ang mga mata niya... sobrang pamilyar. It's like, I've seen it before.
Nakita ko na ang taong dapat kong iwasan...
"Miss? Are you okay?"
"U-Uh..."
Pano nato, Anne?! Bobo ka talaga!
•••••
Napayuko si Anne sa harap ng manager nila at hindi mapigilang mainis sa sarili. She heared her manager sigh. "Anne, do you have problems?"
Itinaas ni Anne ang ulo upang tignan siya. "I-I'm sorry po... di na po mauulit."
Ngumiti ng mahinahon ang manager at tinapik niya ang balikat nito. "Don't worry, Anne. I understand whatever you're experiencing right now. Kahit di mo sabihin sakin, it's okay. I won't force you. Mag-ingat kana sa susunod ha?"
Napangiti si Anne at tumango. "Yes po, Salamat, Ms. Chel."
"Oh, sege na. Bumalik kana sa trabaho mo."
•••••
Napatingin si Jim sa bintana ng kotse at di maiwasang mapaisip sa insidenting nangyari kanina. Nakita ko na ba siya? Napaayos siya ng upo at napa-dekuwatro habang nakaikis ang dalawang braso. Parang nakita ko na talaga siya eh, pero saan naman kaya? His brows wiggled. Di kaya siya yung babaeng nautangan ko noon? Napataas siya ng isang kilay. Sandali, di naman ako nangungutang ah.
Pero ang pamilyar niya talaga.
Aishh! Naguguluhan na tuloy ako! Sino ba kasi siya?
Curios na curios na ako, ano ba yan!
Napasilip si Clark sa salamin at nakita ang problemado nitong mukha saka siya bumalik sa pagmamaneho. "Kilala mo ba yun?"
"Shut up, Lex. I'm trying to think."
"Pero yung babae kanin---"
"What? Do you know her?" Seryosong tanong ni Jim at nagkibit-balikat lamang si Clark.
"Itatanong ko nga sana sayo eh. Simula kasi nung umalis tayo sa restaurant naging tahimik ka at parang malalim ang iniisip. Curios lang ako, sayang di ko nakita yung mukha."
"I did. Her eyes are so pretty..." Sambit ni Jim habang nakatingin sa bintana.
"Ha?"
"I said, Shut up. Just drive safely."
Hindi na lamang umimik si Clark at itinuloy na lamang ang pagmamaneho kahit nalilito na siya sa kanyang kaibigan.
Ibinuka ni Jim and palad saka iyon pinagmasdan. Why can't I forget her for the time she landed on my arms? It's like, she's someone special to me.
His lips parted. It's strange, I can't remember her but her eyes has now illustrated in my mind. They're literally... beautiful.
~TO BE CONTINUE~