Sumalubong sa akin ang tila kulay asul na mga mata nito. Na tila isang banyaga magandang lalaki ito at kung di siya nagkakamali ay nasa anim na talampakan ang taas nito o higit pa. Malalagong mga kilay at matangos na ilong ngunit nagbaba siya ng tingin at muling bumalong ang luha at impit na hikbi niya ng maalalang nadakip na naman siya ng mga ito. "Hsssh try not to create any noise. They might catch us." sabi nito natigilan naman siya mabuti at nakakaintindi na siya ng english kahit papaano kaya naintindihan niya ang sinabi nito. Natanto niyang di ito kalaban basi narin sa palihim at maingat na kilos nito. May kinalikot ito sa relo nito na tila mga pula at green dot. "Follow my instruction, kung ayaw mong ma gang rape." sabi nito. Naglakad sila pakaliwang bahagi, nanggaling na siya ka

