Naninikip ang dibdib niya habang nakatingin sa Tita Beth na nilalapatan ng first aid ng kanyang Uncle Ben. Bakas ang takot sa mukha nito habang nakatingin sa halos wala ng buhay na mukha ng kanyang kapatid. "Ate gising! Sorry, ate sorry na magbabago na ako." sabi nito na pinupulsohan ang kapatid. "Ate?" "Ate?" Kinalagan nito ng tali ang Tita niya maging ang tali sa kanya ay tinanggal din nito. "Tumakas ka Dana!" pabulong na sabi nito, nagugulohan akong tumingin dito. "Tumakas kana!" madiing sabi nito. "P-pero paano kayo?" tanong ko. "Dali na!" itinulak pa ako nito patayo. Lumingon pa ako bago ako dali dali na tumayo. "Gamitin mo to!" sabay abot ng baril na hawak nito. Nanginginig ang kamay na kinuha niya ang baril. Bagamat kinakabahan ay mas nanaig sa kanya ang kagustohan na il

