Ilang araw din silang nanatili sa farm nito matapos ang ilang problemang kinaharap nito sa farm. Maganda ang farm na pag aari ng asawa dangan nga lamang ay kakatapos lang ng pananalasa ng pesti na halos ikamatay ng mga tanim na mga gulay at prutas. Agad na naghanap ng gamot na pwedeng i spray sa mga pananim kaya naagapan ang pagkalat sa iba pang mga tanim. Nagsimula daw iyon ng bumili ng imported na binhi ang magsasaka upang subokang itanim sa kalapit na sakahan. Ayon sa kanyang asawa ay baka may dala dalang pesti ang nasabing binhi at naging sanhi ang pagtanim nito sa lugar upang maisalin ang dala nitong pesti. "Here is your annulment papers." sabi ni Attorney. Kaibigan ito ng kanyang asawa nakalimutan niya lang ang pangalan pero magaling daw itong abogado sabi ng kanyang mga kapatid.

