Magang maga ang mga mata nakatolog naman siya ngunit pakiramdam niya hindi. Naiiyak na naman siya lalo na ng maalala ang kanilang huling pag uusap ng kanyang asawa. Kulang ang salitang masakit kung ilalarawan ang kanyang nadarama. Wala siyang ganang bumangon man lang, hindi niya alam kung ano ang saysay ng lahat ngayon. "Dana? Anak? Buksan mo tong pinto." tinig mula sa labas. Mukhang nasabi na din ng asawa niya ang pasya nito tungkol sa relasyon nilang dalawa. "Dana hija open the door please!" si Daddy. Lalo akong naiyak, may mga tao pa pala na dapat niyang isipin at alam niyang di siya iiwanan. Yun ang kanyang pamilya. "Dana!" alam niyang tinig iyon ng kanyang Kuya. Di niya lang matukoy kung si Kuya Duke niya o si Kuya Dwayne. "Ate Dana, buksan mo itong pinto." si Drake yun. Ngunit

