Makalipas ang isang buwan ay masaya siyang tila bumalik na sa normal ang pagsasama nila muli na itinakda ang kanilang kasal gusto niya sana na di engrande ngunit nahihiya siyang tanggihan ang mga magulang niya lalo at alam niyang sabik na sabik ang mga ito na maihatid siya sa altar. Masasabi niyang mas naging matatag ang relasyon nila na yun bang tipo na halos isama siya nito sa lahat ng pinupuntahan nito. Di sila mapaghiwalay na dalawa di ito umaalis sa mga out of the country trips nito ng di siya kasama. "Puntahan natin ang farm." sabi nito isang umaga. Nakasando at boxer shorts lang ito ngayon marahil ay namulot lang ito ng pambihis dahil medyo tabingi pa. Magdamag lang naman kasi itong hubo at hubad. Medyo marami na din siyang natutunan sa mga nakalipas na araw. Nakakapagsalita na d

