Magkaharap kami ngayong dalawa sa silid nila, malamang para may privacy sila sa kanilang pag uusap na mag asawa. Nanatiling tahimik ito mula ng makapasok sila, mukhang malaki nga ang problema. "Ano ba ang rason mo kung bakit ka uurong sa kasal natin?" panimula ko. Gusto ko ng marinig ang paliwanag nito ngayon, nakakainis yung pananahimik nito at nanatili ang lungkot at walang kibo nito kaya nagpatuloy siya. Hulaan nalang niya ang iniisip nito baka kahit maghapon sila doon e di ito magsasalita. "Palugi naba ang negosyo mo at wala kanang pampakain sa akin? Sanay ako sa hirap Walter kahit magdildil tayo ng asin wala akong pakialam dun." bulalas niya, nakita niya ang bahagyang pag ngiti nito. Marahil ay tama ang naging hula niya. "May pera naman daw ako sabi ni Daddy. Pwede natin yun pangsi

