CHAPTER 2

1043 Words
"ANONG SABI ni direk sa novel na hawak mo? Okay naman daw ba?" tanong sa kanya ni Neo habang kapwa sila nakasalampak sa sahig. Wala ang iba nilang kaibigan dahil abala ang mga ito sa mga schedules. Sina Aidan, Dein, Dash at Stella ay mga kapwa artista under GMX Entertainment. Sikat ang mga ito at kanan-kaliwa ang mga proyekto. Sina Dein, Dash at Stella ay nagsama na sa isang BL Series. Si Aidan naman ay may solo project na isa ring BL series. Sobrang proud na proud siya sa mga natatamasa ng mga kaibigan at suportado niya ang mga ito. Sila naman ni Neo ang sumusulat ng mga novel kung saan pinapasa nila sa head. Ang novel kung saan nagbida sina Dein ay kathang-isip at sinulat ni Neo. Si Riley naman ay mayroon ng novel ngunit wala pa sa mga kaibigan niya ang nagbida. Ayos lang naman iyon dahil hindi naman big deal sa kaniya iyong mga ganoong bagay. Ang mahalaga ay nakapagsusulat siya at nagiging TV series. "Hmm... Okay lang naman daw pero lagyan ko pa raw ng sipa." Inayos niya ang buhok na mahaba. "Naii-stress ako!" "Ano iyan—action?" Tumawa silang dalawa dahil sa biro nito. "Pero huwag ka mag-alala. Kayang-kaya mo iyan. Alam kong sisiw lang sa iyo ang pag-revise ng novel mo. You can do it, bunso!" Kumapit pa ito sa kaniyang braso. "Thank you kaso nape-pressure kasi ako." Huminga siya nang malalim saka sumandal sa sofa. "Sumulat na lang kaya ako ng bago?" "Puwede rin naman kaso kailan ba ang deadline mo?" tanong ni Neo. "Sa Sunday?" Tila hindi pa siya sigurado sa naisip na araw. "Ano? E, Monday na ngayon. I-revise mo na lang iyan kaysa gumawa ka ng bago. Kaya mo naman iyan!" Hindi siya kumibo. Tinitigan na lang niya ang monitor ng laptop. Kailangang gawin ang best niya para naman ma-approve ito ng head nila. Tila kasi nauubusan siya ng ideya at wala talaga siyang maisulat. "Aalis nga pala ako after lunch. May meeting ako sa isang staff ng series namin. Alam mo na, kailangan ako roon. Ikaw, saan ka pupunta mamaya?" Paalam ni Neo habang sine-save ang file sa laptop. "Baka i-revise ko ito. Wala rin naman akong pupuntahan." Wala naman siyang plano kaya mas mabuting magtrabaho na lang. "Sige. Baka late na ako makauwi mamayang gabi. Saan ka kakain ng dinner?" tanong nito. Tumingin si Riley sa gawing kusina. "May laman pa naman siguro ang ref natin. Magluluto na lang siguro ako. Uuwi raw ba sila Dein?" "Hindi ko lang sure pero si Dash, doon yata sa mommy niya matutulog dahil bukas, pupunta siya sa office ng clothing line niya. May kailangan yata siyang pirmahan. Si Dein at Stella, baka mauwi iyon naman nang maaga pero mas maganda kung tawagan mo sila." "How about Aidan?" tanong niya. Nagkibit ito ng balikat. "You know him. Hindi iyon basta-basta sasagot sa mga texts at chats. Pero subukan mo tawagan. Malakas ka roon, e!" anito. Dinampot niya ang cellphone na nasa kaniyang tabi saka tiningnan kung online si Aidan. "Online siya sa Instagram." "Iyon naman pala, e! Chat mo na lang," ani Neo saka sinara ang laptop. "Maliligo lang ako, ah!" Tumayo ito saka pumasok sa kwarto. "Okay." Nagtipa siya ng mensahe para sa kaibigan. Nang mai-send iyon, muli niyang hinarap ang laptop pero tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan kung sino ang caller, napangiti si Riley nang makitang si Aidan iyon. "Hello?" sagot niya sa tawag. "Magluluto ka ng dinner?" tanong nito. Bakas sa boses nito ang pagkasabik. "Oo. Ano bang gusto mo?" Kahit siya ay ganoon din ang naramdaman. Hindi ito agad nakasagot dahil baka nag-iisip. "Pork Adobo na lang. Iyong mamantika iyong sarsa, ah!" Ngumiti siya. As usual. Alam niya na iyon ang isasagot ng kaibigan. "Maanghang?" Iyon kasi ang paboritong luto nito. "Oo. Iyong parang ayaw ipakain." Natawa siya. "Sige. Tawagan mo na lang ako kapag pauwi ka na mamaya." "Sige. Bye!" "Bye!" Malapad ang ngiti niya sa labi nang patayin ang tawag. Tila may magic naman na nangyari dahil agad siyang may naisip na ideya. Sinubukan niyang magsulat at i-revise ang kwentong sinusulat. Hanggang sa makatapos siya ng tatlong chapter, hindi mawala-wala ang ngiti sa kaniyang labi. Napansin naman iyon ni Neo na nakagayak na nang lumabas ng silid. Amoy na amoy niya ang mabangong pabango na gamit nito. "Mukhang nakarami ka ng naisulat, ah! Inspired?" Natawa na lang siya saka umiling. "Magluluto ako ng Pork Adobo mamayang dinner." Natigilan ang kaibigan niya. "Uy! Masarap iyon!" "Late ka na uuwi, `di ba?" aniya nang nakangisi rito. "Uuwi pa rin ako kaya tirhan mo ako, ah!" Ngumiti siya rito saka tumango. "Sige! Uwian mo ako!" "Kapag may bukas pang shop, uuwian kita. Kapag wala, magtiis ka," anito saka kinindatan siya. Nagsusuot ito ng sapatos at nang tumayo, dinampot ang bag na may laman na laptop. "Alis na ako. Lock the door, okay?" Nakanguso siyang tumayo. "Okay." Hinatid nya ito sa pinto. "Ingat ka, Neo!" "Thanks." Lumabas na ito. Ni-lock niya ang pinto. Huminga nang malalim si Riley nang mapagtantong mag-isa na naman siya ngayon dito sa condo. Ganoon naman palagi ang routine nila. Palaging siya ang naiiwan at ang mga kaibigan niya ay abala sa mga trabaho. Lumapit siya sa ref at binuksan iyon. Isa-isa niyang tiningnan kung nandoon ang mga rekado na kakailanganin sa pagluluto mamaya. Nang mapansin na kaunti na lang ang baboy, nagpasya siyang gagayak at pupunta muna sa supermarket upang bumili ng mga kulang. Kaniyang ni-save ang file na sinulat kanina at pinatay ang laptop. Nagdampot muna rin siya ng ibang mga kalat bago pumasok sa kwarto at naligo. Simpleng t-shirt na pink at high waist jeans ang napili niyang isuot. Mabuti na lang at hindi siya gaya ng mga kaibigan niyang sikat. Malaya siyang nakakalabas at nakakapunta sa mga lugar na gusto niya na walang inaalala. Sa kanilang magkakaibigan, si Riley ang maaasahan nila sa pagluluto. Hilig niya ang pagluluto dahil palagi siyang tumutulong sa kanyang ina mula noong bata pa. Wala rin naman kasing marunong sa limang kaibigan at wala ring oras. Kadalasan kapag umuuwi ang mga ito, pagod na o nakakain na sa labas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD