bc

Peculiar Affection

book_age16+
411
FOLLOW
1.1K
READ
friends to lovers
sweet
bxg
city
office/work place
friendship
actor
naive
passionate
shy
like
intro-logo
Blurb

"Aidan, tama na kasi iyan!" ani Stella na mukhang nawala ang espiritu ng alak sa katawan. Sya ang hinarap nito. "Riley, magpahinga ka na."

Aakayin na sana sya ni Dein pero nagsalita si Aidan. Nasa tabi nito si Neo na magkasalubong pa rin ang nga kilay na nakatitig sa kanya.

"Pinagkakaisahan ninyo ako," anito saka ngumisi. "Ikaw, Neo? Kailan mo pa alam na may gusto sa akin si Riley?"

"Aidan—"

"Pinagkakaisahan ninyo ako! Hindi ka pa rin magsasalita, Riley?"

Sinalubong nya ang tingin nito. Kanina pa pinipigilan ni Riley ang luhang gusto pumatak mula sa mga mata nya. Pakiramdam nya, maling-mali talaga na nalaman nito ang lihim nyang pagtingin dito. Tumulo ang luha nya pero agad din nyang pinunasan iyon.

Hindi nya kayang masira ang pagkakaibigan nilang anim dahil sa nararamdaman nya. Hindi nya kayang makita na pati ang mga kaibigan nya, nasasaktan dahil sa kanya.

"Oo, Aidan. Totoo yung narinig mo. Totoo na may gusto ako sa iyo," aniya. Hindi nya alam kung saan galing ang tapang nya upang aminin dito iyon.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
DALA ANG TATLONG box ng pizza, masayang pumasok ng elevator si Riley. May tao syang kasunod doon kaya naman dumulo siya ng pwesto. "Anong floor ka, Miss?" tanong nito sa kanya. "6th floor," aniya habang nakangiti rito. Tumango ang lalaki saka pinindot ang number 6 button at ang 8. Marahil ay doon ito bababa. Habang nasa elevator, napangiti siya nang maalala ang mga kaibigan na paniguradong nasa condo na nila. Siya si Riley Gamboa—script-writer at novelist ang kaniyang trabaho sa GMX Entertainment. Sa edad na bente-kwatro, siya ang bread winner ng kanilang pamilya. Bunso siya sa tatlong magkakapatid pero ang ate at kuya niya ay may mga anak na ngunit hiwalay pareho sa asawa. Siya ang nagtataguyod sa mga ito dahil ang kaniyang kuya ay naaksidente dalawang taon na ang nakararaan. Ang ate naman niya ang nagbabantay ng kanilang milktea shop sa palengke. Maaga itong nabuntis kaya hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral. Ang mga magulang niya ay kapwa na matanda at ayaw naman na itong pagtrabahuhin. Malaki naman ang kinikita niya sa trabaho pati na rin ang kinikita sa milktea shop kaya ayos lang sa kaniya. Mayroong tag-isang anak ang ate at kuya niya na malapit sa kaniya. Ang mga ito ay nasa probinsya ng Bulacan at siya naman ay sa condo nilang magkakaibigan sa Quezon City naninirahan. Nang makarating siya sa condo, hindi na siya nagulat nang makitang nagkakagulo ang mga kaibigan. Napangiti si Riley nang makitang tila nagtatalo na naman sina Stella at Aidan dahil lang sa may hinihiram ito na eyeliner. "Hihiram ka na naman sa akin! Wala ka bang gamit?" mataray na tanong nito. "Mayroon kaso mas gusto ko itong brand mo!" ani Stella habang kinikilayan ang sarili. "Bakit kasi pumirma ka riyan sa brand na iya? Hindi mo naman pala gusto!" ani Aidan saka humalukipkip. Tiningnan ito ni Stella. "E, sukat unahan mo ako sa brand na ito! Alam mo naman na ito ang gusto ko!" Ngumisi si Aidan. "Kasalanan ko pa ngayon, ate girl?" Tinuro pa nito ang sarili. Akma nitong kukuhanin ang gamit sa kaibigan. "Akin na nga iyan! Huwag ka humiram!" Natawa si Stella saka mabilis na iniwas ang gamit upang hindi nito maagaw. "Joke lang! Ito naman, napakasungit mo! Mamaya at si Riley ang hihiram sa iyo, p'wedeng-p'wede!" "Pakialam mo!" Inirapan na naman nito si Stella. Napangiti siya at napailing. Si Stella Alexa Mendoza ang isa pang babae sa kanilang magkakaibigan. Mahaba ang buhok nito at makinis ang balat. Mala-Diyosa ang ganda kaya hindi nakapagtataka kung bakit maraming mga brand endorsers ang nag-uunahan din sa pagkuha rito. Si Neo naman ay nasa harap ng laptop na nasa lamesita. Nakasalampak ito sa sahig habang tutok na tutok sa sinusulat. Kagaya niya, isa rin itong script-writer at novelist. Nakasalpak sa mga tainga nito ang earphones kaya wala itong pakialam sa ingay ng mga kasama rito sa condo. Focus na focus sa ginagawa. Si Dein naman ay nasa balcony. May kausap ito sa cellphone at pangiti-ngiti pa. Malamang, iyong kasama nito sa trabago na si Owen ang kausap nito. Hindi man aminin sa kanila ni Dein, ramdam niyang may crush itong kaibigan niya sa kapwa nito lalaki. Tanggap naman nila ito. Dein is openly gay naman kaya alam niyang hindi maaapektuhan ang career nito. Mahiyain ito at tahimik lang. Kumaway ito sa kaniya nang makitang nakatingin siya rito. Kinawayan niya rin ito pabalik. "Napakaingay naman!" ani Dash. Gaya ni Dein, openly gay din itong si Dash Ramirez. Kumpara kay Dein, si Dash ay mas ladlad ang pagiging gay sa madla. Magaling sumayaw at napakakalog. Madali rin itong makisalamuha sa lahat ng taong nakakasama nito. May-ari ito ng isang clothing line na ito mismo ang nag-dedesign ng mga damit na binebenta ng CIELO. Nakapameywang ito habang nakatingin sa dalawa. Mataray at nakataas ang isang kilay. Nag-peace sign naman si Stella rito. "Sorry po!" anito at muling pinagpatuloy ang ginagawa. Tumayo si Aidan. "Itago mo iyan," anito. Naglakad ito papasok sa loob ng kwarto. "Opo!" At iyong pumasok sa kwarto—si Aidan. Ang matalik na kaibigan at pinaka-close ni Riley sa limang mga kaibigan. Ito ang unang nakilala niya. Solong anak lang si Aidan at ulila na sa kaniyang ina. Ang ama naman nito ay nakabase sa bansang Thailand kung saan may mga negosyong inaasikaso. Mas pinili ng kaniyang kaibigan na manatili rito sa Pilipinas dahil sa kaniya. Alam kasi nito na mahina ang loob niya sa ibang bagay. Malaki ang pasasalamat ni Riley rito dahil hindi siya nito iniwan kahit na anong mangyari. Iba ang ugali ni Aidan. Seryoso at medyo may pagkamasungit pero pagdating sa kaniya, malambing ito at sweet. Tumalikod naman si Dash at nakita siyang nakatayo sa pinto. "Oh, you're here! Nagugutom na ako, e!" Lumapit ito at kinuha ang dala niyang mga boxes ng pizza. "Guys, nandito na si Riley!" Lumapit agad ang mga kaibigan niya sa mesa kung saan pinatong ni Dash ang pagkain. Siya naman ay dumiretso sa kwarto nila ni Stella. Nilapag niya roon ang bag na dala saka lumabas. Nakasalubong niya si Aidan na palabas din sa silid nila ni Neo. "Magpahinga ka na muna bago ka maligo, ah!" anito. Tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit pinapapaligo mo ako? Mabaho na ba ako?" tanong niya rito. "Baliw! Alam ko na maliligo ka kaagad pagdating mo galing sa labas." Tumalikod na ito at pumunta sa mesa. Nandoon na iba nilang kaibigan at masayang kumakain. "Walang hot sauce, Riley?" tanong ni Stella. "May Tabasco Sauce tayo riyan," ani Dash. Hinarap siya nito. "Halika na rito, Riley. Maupo ka na." Tumango siya. Sa kanilang anim, siya ang baby. Isang taon lang ang agwat ng mga ito sa kaniya pero kung ituring siya ng mga ito ay bunso. "Kain ka na!" ani Dein at inabutan pa siya ng isang slice ng pizza. Ngumiti ito at lumabas tuloy ang pantay-pantay nitong mga ngipin. Si Neo naman ang kumuha ng juice sa ref at pinagsalin siya noon sa baso. "Uminom ka muna nito. Ang init sa labas kahit alas-tres na!" Hindi siya kumibo. Nakatingin lang siya kay Aidan na tahimik na kumakain. Hinawakan niya ang baso saka nilapit sa harap nito. "Juice?" Alok niya. Ngumiti ito ng tipid. "Thank you, bunso," sabi nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

His Obsession

read
74.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook