Diary ng Single
Entry#6
"Class! Listen!"
Napabalik ako sa reyalidad matapos kuhanin ni ma'am Joy ang aming atensyon. Nag-iingay na kasi ang lahat. Walang nakikinig sa discussion at pati na rin ako, lumipad na ang isip sa W- ang Korean drama series na kakatapos ko lang panoorin kagabi. Masyadong boring ang reporting dahil binabasa lang ng mga classmates ko ang nasa powerpoint. It's pointless. Pwede naman naming basahin iyan sa libro. At isa pa, hindi namin maintindihan ang pinagsasabi nila.
Bilang project sa subject naming Group Dynamics, pupunta raw kami sa isang baryo at magco-conduct ng activities katulad na lang ng mga palaro para sa mga bata at isang mini seminar para sa mga residente nang sa ganun ay magkaroon sila ng awareness tungkol sa alcohol addiction.
Syempre, hindi mawawala ang pakain sa mga residente.
Napagdesisyonan na bawat grupo ay magdadala ng pagkain. Five persons per group at by friends raw, at ngayon, nagsimula nang gumala ang mga kaklase ko para buuin ang kanilang tropa. Habang ako ay kalmado lang na nakaupo. Iniisip ko kung sino naman ang magiging kagrupo ko.
Well, wala talaga akong ligtas sa project na ito dahil hindi naman pwedeng mag-individual. Haler, papagalitan ako ng nanay ko kapag ako lang mag-isa ang gagastos. Mahal pa man din ang pagkain. Baka atakihin nanaman yun ng pagiging praning tapos isipin niya na kumukupit lang ako. Sa pagkakataong iyon, automatic akong napalingon kay Ailou, na seatmate ko sa subject na ito.
"Grupo tayo," pag-aalok ko sa kanya. Kaagad naman siyang um-oo.
Masyadong maingay at magulo. Karamihan, parang hindi naman project ang pinag-uusapan kung'di, kung saan sila kakain mamayang lunch, saan sila gagala na magkakaibigan, may iba ring chismis na lang at assignment sa ibang subjects ang inaatupag.
Hindi sinasadyang nahagip ng mga mata ko ang pag-angkla ni Heidi sa braso ni Keith na parang hindi nage-exist si Rose. Si Rose, parang wala lang rin sa kanya. Nakikipag-usap siya sa mga kagrupo niya s***h mga bestfriends niya.
Inilibot ng aking tingin ang buong classroom para maghanap ng prospect. Wala akong matipuhan na kagrupo. Yung mga gusto ko ay mayroon na. Hindi ko sila pwedeng agawin kaya naghahanap ang mata ko, hanggang sa dumapo ang paningin ko sa isang babaeng chubby, may mabilog at kulay chestnut na mga mata, nakapony-tail ang mahabang mahabang buhok niya at may mapulang lipstick rin siya.
"Si Ate Wincelette?" suggest ko naman sa kanya.
Nag-ring ang bell at natapos ang period na wala pa rin kaming naiisip na i-contribute for our group's menu. Nagsimula na kaming magligpit ng mga gamit at dahil si Ailou ang pinakamalapit sa projector, siya ang inutusan ni ma'am na magbalik ng remote control sa office ng College of Education. Ayan kasi, sa harapan pa umupo.
Pati rin ako, nadamay. Inutusan na rin ako ni ma'am na patayin ang aircon, ceiling fans, mga ilaw, i-check ang gripo, at magbunot ng mga nakasaksak. Nararamdaman ko talagang kami ang paboritong estudyante ni ma'am- paboritong utusan.
Everyone went outside, maliban sa aming dalawa na saka pa lang nagsisimulang magsukbit ng bagpack at magbitbit ng mga gamit.
"Saan ka pupunta, madam lou?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami palabas.
"Hatid ko muna 'to sa CED."
"Sige," sagot ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagrereklamo ng tiyan ko. Naramdaman ko rin na parang may kulang, yung pakiramdam na para siyang isang sisidlan na walang laman at gusto ko siyang punuin? "Gutom na'ko," naibulalas ko, habang itinataas ang nahuhulog kong salamin sa mata.
"Ako rin," she agreed.
Maayos naming naisauli ang susi, kasama ang remote control nito sa opisina ng CED. Paalis na sana kami, ngunit napahinto ako dahil may tumawag sa akin. Kinabahan ako, na parang ewan kasi lumukso ang puso ko nang marinig ko ang boses niya.
Hoy, kalma ka lang dyan, heart! Gutom lang iyan, okay?
"Uy, praningning!" bati sa akin ni Marc. He smirked, kagaya na lang ng ginagawa niya palagi. Mukha siyang badboy kahit na oo, bad naman talaga siya. Mapang-asar ang halimparot. Madalas pa akong pagtripan magmula noon hanggang ngayon.
Kumunot ang noo ko. Praningning na naman? Bakit ba lagi niya na lang akong tinatawag na praningning? The last time na nakasalubong ko siya while wearing my eyeglasses, he also said that. Dati, Agnas ang tawag niya sa akin, ngayon praningning na. Daming alam.
"Stop that. Hindi ako si ningning." Siya ang kauna-unahang tao na nakapansin na parehas kami ng salamin ni Ningning. Horizontal oval ang shape ng lenses at kulay violet naman ang frame nito, parang eyeglasses ng mga lola.
Mas lalo siyang natawa at dahil doon, naningkit ang bilugan niyang mata. Kapag ganitong tawang-tawa siya ay mas lalo siyang gumagwapo. "Bagay kasi sa'yo pen, praning ka kasi!"
"Masaya ka na niyan?" I replied, sarcastically. Sana kung masaya siya, share niya naman, no. Hindi yung siya lang ang masaya. Natawa naman sina Ailou at ate Lyca pero siya talaga ang may pinakamalakas na tawa, eh. Anong nakakatawa dun? Di ko gets eh.
"Oo!" natatawa pa ring sigaw niya sa akin. I rubbed my ears. Ang sakit niya sa tenga. “Ning, asan na ang salamin mo?” he asked me, with a hint of mischievousness in his sly eyes. That smirk went even higher.
My gaze went down and the image of my eyeglasses flashed. Must my memories add salt to my sadness? Tandang-tanda ko ang huling sandali na nasa’kin pa siya. Ngayon, wala na. Di na nakabalik. “Nawala,” I said in a low voice.
“Sure ka?”
“Hinanap ko na sa lost and found. Inikot ko na lahat ng napuntahan ko nung Thursday. Wala.”
“Anong gagawin mo kung may nakakita?”
I eyed him suspiciously. “Why are you asking me that? May pinaplano ka bang masama? Inaasar mo lang ako, eh. Akala mo iiyak ako? No way.”
Kelan niya ba’ko nakitang umiyak? Never. Why would I cry because of him?
He let out a chuckle and pinched my cheeks. “Praningning ka talaga.”
“Aray! Marc!” Napahilot ako sa cheeks ko. What did I ever do to him to be treated like this for four years?
I turned to my companion. “Lou, namula? Namaga?” She shooked her head in response. Mabuti naman. Kapag ito namaga, di lang suntok aabutin ni Marc sa’kin. Bwisit talaga. Sinampal-sampal ko ang pisngi ko para mabawasan ang sakit.
I turned again and glared at him. Ang mas nakakaasar pa, nginitian niya’ko. Not his smirk. But that smile that reached his eyes. He grabbed my hand and put something inside it. I was about to shout at him but lying in my right palm, is the oval-shaped and purple thing that I have been looking for.
Napaawang ang labi ko. Halos lumuwa na ang mata kong namimilog. “Paano… Bakit nasa’yo to?” Parang gusto ko sumigaw kaso bawal.
“Tanga ka kasi kaya nahulog. Tinatawag kita nung Thursday pero takbo ka nang takbo.” The way he blurts out those words was like a sharp leaf to me. A leaf that can’t kill but can manage to slice to my skin.
“Thank you,” I said but he just nodded at me while smiling and reading something on his phone. May katext. Must be his girlfriend.
"Totoo yan?" tanong ni ate Lyca sa akin, habang tinitingnan nang maigi ang suot kong eyeglasses.
"Opo.75 ang grado sa right, at .50 naman sa left." Natatawa ako sa reaksyon ng mga tao. First time ko kasing magsuot ng salamin sa mata. Madalas akong tanungin ng mga tao sa paligid ko dahil akala nila nagsusuot ako ng salamin para sunod sa uso, yung bang nerdy fashion.
Aaminin kong cool ang pagsusuot ng salamin. Nakakadagdag ng confidence kasi feeling ko matalino ako at palaaral, although kahit wala yun, palaaral pa rin ako. Wala lang, feeler lang. Haha. Pero nakakairita at istorbo ang salamin, sa totoo lang. Kung hindi lang talaga ako nahihilo at nakakaramdam ng sakit sa mata, hindi ko ito susuotin.
Napansin ko ang mga papeles na dala-dala nila ng kanyang kasama. Si ate Lyca ito, ah, ang Governor ng College of Education samantalang Vice Governor naman siya. Nandito pala sila para magpasa ng proposal sa dean ng college nila. Nagpaalam na kami, since may appointment pa sila, at gutom na gutom na rin kami.
Besides, wala namang dapat pag-usapan. Anong pag-uusapan namin, ang nakaraan? Sus, ang nakaraan ay nakalipas na. Ibinaon ko na sila sa limot. Ang ala-ala ay ala-ala na lamang. Hanggang dyan na lang tayo. Ganun talaga. People come and go. He is one of those people who I chose to let go because he's not mine in the first place. Kasi sino ba ako sa buhay niya?
No one. I'm just someone from his past which exists at the present as his invisible someone.