Entry#7

1493 Words
Diary ng Single Entry#7   Mabuti na lang at hindi na nagtanong pa si Ailou. Syempre, dyan naman ako magaling, eh. Sa pagtatago ng feelings. What do I expect? No one knows about my true feelings. Maybe that is why, people in my class are curious if I have a crush, who is my crush, and etc. stuffs like that about my life. They thought I am an achiever, a nerd, and a full-time student s***h man hater. I get that a lot. I remembered when Arnaisa and I started becoming close, the first question that she asked was if I have a crush. I laughed as a response. Then she shared about her long list of crushes. "Gutom na'ko," reklamo ni Ailou sa akin habang naka-pout. Ang cute cute ng lips niya, hugis puso. Para siyang isang teddy bear na parang duck. Aww, sarap yapusin nang mahigpit. "Sa'n tayo?" I asked. Hindi na kasi ako kumakain sa labas ng school. That was only once and was the last time that I ate with Heidi's group. I wasn't supposed to eat with them, kasi ang lakas makaubos ng baon ng mga kinakainan nila. They act like they’re rich tho they are not. But then, kailangan kong makisama. But that was the end of it. Because that day brought me to the realization that I just can't tolerate their toxic attitude of controlling people. "Kung saan masarap." "Susunod ako sa payday," biro ko sa kanya at dahil dun, natawa kaming dalawa. Pero kidding aside, dahil hindi ako pamilyar sa quality ng mga kainan dito sa labas ng campus, she advised na sa Nena's eatery na lang kami kumain dahil suki siya doon. Bago pa man kami makapasok sa eatery, I waved back at the familiar person approaching me. “Saan sina Daisy?” he asked. He used to be Daisy’s high school classmate and back then, she introduced him to us during the first year of college.   “Ah, di ko alam, eh. Pero sabay yata silang naglunch nina Heidi, Jane, at ni Diana.” “Ah,” He nodded. “Bakit di na kita nakikitang sumasabay sa kanila?” My heart pounded while I am racking my brain for possible reasons. Actually, I knew the answer but it’s not like everyone will understand. Not everyone deserves to know the reasons why our friendship was short lived. “Busy sa council and stuffs,” I answered instead with a small voice. I managed to dodge a bomb. Phew. Habang pumipili at pumipila kami, ay nakita ko ang mga pamilyar na mukha na nakapwesto na sa isang table. A chubby girl wearing blue shirt, blue pants, paired with rubber shoes, and red lipstick, then a tall and skinny beauty wearing also pants and long-sleeve polo, and another chubby girl with big round eyes. Siniko ko si Ailou saka bumulong. "Lou, sina ate Wincelette," sabi ko sabay turo gamit ang nguso kina ate Wincelette, Arnaisa, at ate Vanessa na magkakasamang naghihintay ng order sa table nila. Tumingkayad ako para makita ako ni ate. May nakaharang kasi na glass para hindi langawin yung mga ulam. "Ate, isang adobong manok po. Tsaka kanin. Tapos isang serve ng minatamis na saging." "Ako rin ate. Dalawang kanin tsaka tortang talong nga po." "Madam!" Napalingon kami sa tumawag. I saw Arnaisa raising her hand while looking at us. Kumaway rin sina ate Wince at ate Van. Binayaran namin ang in-order at kinuha ito. Naglakad kami papalapit sa pwesto nila. Umusog sila at itinabi rin ang mga ulam sa table para bigyan kami ng espasyo ni Ailou. "Salamat." "Kamsahamnida," I said before ko ilapag ang plato ko. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko. Nakalimutan kong nasa Pilipinas pala ako. Nilamon na ako ng gutom at ng K-drama. "I mean, thanks. Sorry, di ko sadya." Pero nagulat ako nang ngumiti sina ate Vanessa at ate Wincelette saka sumagot pabalik ng: "Chonmaneo." Natigilan ako. She just answered me in Korean! How did they? Ate Van awakradly laughed. "Tama ba? Narinig ko lang sa k-drama." Kinumpirma ko ang tanong niya. "Oo. Tama yun. Chonmaneo means you're welcome." Arnaisa grimaced. "Chong-chong niyo! Ewan ko sa inyo!" "Che. Kick-out kita diyan, eh. Manood ka kasi, Nais. Maganda yung pinapanood namin ngayon ni Vanessa, yung A love so beautiful. Kyaaah! Sobrang ganda. Bigay mo sa akin ang flashdrive mo, ka-copyhan kita. Marami pa ako sa laptop ni mama.” Ate Wince giggled and drank her coke. “Kaso yung iba hindi ko pa tapos." Yun yung Chinese drama na pinapalabas ngayon sa ABS-CBN. Nakita ko lang sa patalastas pero I'm not fond of C-dramas. Ewan ko ba, di ako sanay sa accent nila. "Oo. Atsaka maganda rin yung Weightlifting Fairy! Omg, di ako makaget-over kay Kim Bok Joo! Lee Sung Kyung, I love you talaga. Shet." Kitang-kita ko ang pagning-ning ng mga mata ni ate Van habang nagsasalita. "Uy, EXO-L ako. Si Sehun ang asawa ko dun. Yieeee," Ailou informed with her mouth slightly agaped from amazement, too. "Kung ganon, adik din kayo sa Kdrama at K-pop? Sino bias niyo? Anong fandom niyo?" sunod-sunod na pagpapaulan ko ng mga tanong. Tumataas na ang pitch ng boses ko at di ko na rin mapigilan ang malawak kong ngiti. Lumundag ang puso ko. I think I just saw a light coming from heaven. Oh, heart. When will you stop being so giddy? Why are you so hyper today?For the first time in my college life, I felt like I am not alone anymore in the world that I built. The doors have opened. I feel connected. I wasn’t able to contain the warm feeling inside- that sweet rush. I am aware that as soon as I opened my mouth to speak, my voice pitch went high like a dolphin. "Talaga? Si Baekhyun ang bias ko, tapos si D.O. Tapos si Luhan kaya lang umalis na siya eh. Fan din ako ng Girl's Generation, 2ne1, and etc. Multifandom kasi ako, eh." Napatigil sa pagsubo si ate Wincelette. "Grabe ka naman sa adik, Pen! Nagda-drugs lang, ganon?" eksaherada niyang komento. I was losing hope till they came! Ever since first year, naghahanap ako ng kapwa ko k-pop na makakasundo ko, pero wala. They all found it irritating. Wala tuloy akong makakwentuhan. Matanggal ko nang tanggap ang sitwasyon ko sa classroom, since the majority likes P-pop and American pop. Tuloy pa rin kami sa pagkukwentuhan hanggang sa maubos na ang pagkain namin. Panay pa rin ang pag-uusap namin at hindi kami nauubusan ng topic habang nagpapatunaw nang biglang nag-ring ang cellphone ni ate Wincelette. "Hello? Oh, Jigs? Ha? Ano? Load. Magkano? Okay sige. Bye. Love you. Mwaah. " "Ayieeeeee! Sana all," panunukso ko pa sa kanya. Ate Vanessa pouted. "Iba talaga ang may lovelife. Naiinggit ako.” Kumuha si ate Wince ng lipstick at pulbos mula sa kanyang bag bago magsalita. "Maghanap na kasi kayo ng boyfriend! Tsk." "Wow, ha. Akala mo ba madali lang yun? Penge ako pulbos." Inilahad ni Ailou ang kanyang palad kay ate Wince. "Psh. Wala namang papatol sa'kin, eh. Di na ako umaasa, no." I kinda feel for Arnaisa. Hindi lang naman itsura ang dahilan para bumaba ang self-esteem ng isang tao sa love. “Buti sana kung kasingganda ako ni Penelope at ni Vanessa.” We've been single ever since were born, coupled with some terrible love experience. I can't blame her for feeling that way. “Hala. Ako, maganda? Thank you. Pero maganda ka rin, Nais. Atsaka nais, palagay ko hindi naman sapat na reason na bakit walang boyfriend is because pangit ka kaya walang nagkakagusto sa’yo. Bakit yung mga (excuse, di ako nanlalait, ha. Pero totoo ‘to) pangit, may jowa naman?” They all bursted into laughs. Napatakip sina ate Van at Ailou ng bibig. Nabilaukan si ate Wincellete. Ininom niya ang inabot kong tubig habang marahang pinapalo ni ate Van ang likod niya. “Gagu ka talaga! Bakit ang prangka mo?” sabi ni Ailou sa’kin nung nakarecover na siya. “Totoo naman, eh. Ikaw ate Van, anong sagot mo kay Arnaisa?” "Ayaw ko ng kung sino-sino lang dyan. Gusto ko si The One na talaga. Final na at wala nang atrasan. Ayaw ko na maulit yung dati." Ate Vanessa answered dreamily. She's really serious when it comes to love. I couldn't agree more. Why settle for temporary relationships? "Wag kayong mag-alala. Dumarating lang iyan nang kusa. Pag yan dumating, magugulat na lang talaga kayo. Wag kayong mawalan ng pag-asa. Mayroon talagang tao na tatanggap sa'yo nang buong-buo. Mamahalin ka, walang labis, walang kulang. Sa ngayon, enjoy-in niyo muna ang pagiging single," ate Wincelette said, reassuringly. “Si Jigs nga, nakilala ko lang sa school noon. Wala lang. Friends lang naman kami. Malay ba namin na madedevelop pala kami.” What ate Wincelette said really strucked me. Nakakagaan ng pakiramdam to be with a matured person.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD