Entry#8

1274 Words
Diary ng Single Entry#8   "Tagal naman ni Sir Pama," reklamo ni Ailou habang palinga-linga dito sa lounge. Bigla niya akong tinapik kaya napalingon naman ako kaagad sa tinitingnan niya. "Uy! Andyan na ang adviser niyo madam."   "Ma’am!" I quietly exclaimed. Sa wakas, dumating na ang kanina ko pa hinihintay!   Pagkatapos kong magpaconsult, lumabas na ako ng faculty room nang mabigat ang loob. Sinong hindi bibigat ang loob, eh napagalitan ako! Wala naman akong kasalanan pero nadamay na rin ako dahil sa katamaran ng iba diyan. Tsk. Kainis.   I exhaled deeply. Kelan kaya ‘to matatapos? Ano pang kailangang gawin para lang matapos ‘to? Pumikit ako saglit bago ko dinukot ang nagvibrate na cellphone ko sa  malalim na bulsa ng skirt ko. May text pala galing kay mama.   Mama: Bayaran mo n ang kuryente habng wala pang tao. Pila ka na.   Ah. Oo nga pala. I forgot about the errand she told me earlier. Buti na lang nagtext siya. Nakakatamad mang pumila, pero at least makakalanghap ako ng hangin sa loob ng mall. This task is a breath of fresh air for me. Even for a short period of time, hindi documents ang makakaharap ko but ordinary people going on with their individual lives, chillin’. “Excuse me, miss,” someone called my attention. I knew it was me, because I felt a tall shadow standing beside me. “Yes?” I turned to him. Matangkad nga siya kaya napatingala ako. Kulot at maputi. He blinked and stared at me. He’s wearing a black and red checkered polo shirt, with a small sling bag diagonally worn to his fit body. He is smiling at me pero bakit I have that feeling na hindi ko gusto yung ngiti niya? It reminds me of someone… His face doesn’t look familiar to me. And although I don’t know everyone here in our university personally, I knew their faces for the least. Our university is not that big. At some point, magkikita at magkikita-kita talaga kayong lahat. May it be your enemies or your friends. “Saan ang Guidance Center dito?” “Nakikita mo yung building na ‘yon?” I asked, pointing to the yellow painted five storey building across the field about five hundred meters away from us. When I turned to check his reply, he nodded. “Akyat ka lang sa second floor. Liko ka lang sa right. Makikita mo na yun kaagad dahil sa signage sa taas.” I then smiled at him to bid my farewell. “Sige, Salamat,” aniya “You’re welcome.” Hindi ko na siya nilingon pa at nagpatuloy na ako sa paglakad papunta sa South Gate ng School habang nakayukong nagtitipa ng reply kay mama. It’s nice to be back here at the Blue Box. Valentine’s Day pa simula nung huling dalaw ko dito. Ngayon, last weekday na ng February. Mabilis ang patak ng oras na hindi ko gaanong namalayan dahil sa mga tambak na schoolworks at council responsibilities. Nauubos na ang allowance ko para sa mga papel. Pumasok lang ako dito para magpalamig. “Hi, saeng!” I smiled back. “Annyeong, eonnie,” bati ko pabalik kay ate Denchi. Lumabas siya sa lungga niyang countertop at sumandal sa edge nito. “Bakit ngayon ka lang? Namiss tuloy kita,” I snickered. “Sus, si ate, bolera! Kaya siguro naiinlove lalo si kuya sa’yo, eh.” Five years na sila ni Kuya Enzo. Nagkakilala sila sa isang K-pop concert sa Manila. Then later on, noong nagdecide sila ng mga kapwa k-pop fan na friends niya na mag-organize ng local k-pop event dito sa’min, nakilala ko silang lahat. That was way back during my second year of high school. The next K-pop gathering, naging organizer na rin si Kuya Enzo kasama nila at nagkamabutihan ang dalawa. Kung anong daldal ni ate Denchi, siya namang tahimik ni kuya Enzo. “Che!” Marahan niya akong pinalo sa balikat na ikinatawa ko lang. “Ano yang pinapanood mo ate?” tanong ko. Rinig ko ang boses ni Bae Suzy na nagsasalita, pagpasok ko pa lang sa shop, eh. Nakalimutan lang sigurong i-pause. Hanggang dito sa trabaho, k-drama pa rin si ate.  Sabagay, siya naman ang boss dito. “Si Suzy yan, di’ba?” “Yes. Napanood mo na ‘tong While you were sleeping?” she asked me, to which I shaked my head. I don’t have the time to download. Yung mga dapat sanang libreng oras namin, kinakain lang ng thesis. Thesis talaga ang malaking hadlang sa panonood ko ng k-drama. Kailangan na niyang ma-eliminate sa mundong ibabaw. Joke lang. Baka grades ko pa ang ma-eliminate. Ipinaliwanag sa akin ni ate ang kwento. Panay lang ang ngisi ko. Ang hindi niya alam, nabibigyan niya na ako ng mga spoilers sa sobrang daldal niya. “Sige, pakopya ako, te,” I told her and handed out my flashdrive. Napatakip siya ng bibig habang natatawang nakatitig sa screen. “Bakit ganito ang filenames mo? Kaw talagang bata ka.” BWISIT NA THESIS- LAST NA PROMISE! Sinilip ko ang tinutukoy niyang filename ng thesis documents namin which showed how desperate we are right now to finish it and move on to our last year in college. Ilang beses na ba ako tinawanan ng mga internet shop attendants dahil dyan? Pero hanggang ngayon, natatawa pa rin ako sa mga kabalbalan ko. Desperate times. “Bwisit na ako, eh. Halos lahat ako na gumagawa,” I explained. “Aigooo,” she pouted and looked at me with pity in her eyes. “Sige lang. Matatapos niyo rin yan. Kaw pa? Eh ang sipag mong mag-aral. Samantalang yung kapatid ko, hay nako!” Umiling siya pagkatapos.   My lips parted. I didn’t know much about her siblings. Basta ang alam ko, tatlo silang magkakapatid. Nakasama sa K-pop gathering last year si Anya, yung bunso nila. Bagong recruit ni ate sa fandom, ha-ha. “Bakit?” “Bagsak! Pinapauwi na siya ni mommy dito. Sakit sa ulo. Basta sa malayo, marami talagang temptasyon. “ Umiling siya nang marahan at di naiwasang napangiwi ang mga labi.  “Puro lakwatsa siguro inaatupag,” Naniniwala na talaga ako kay Alfred Adler. May tendency ang mga middle child na maging black sheep ng pamilya kapag hindi nabigyan ng sapat na atensyon at nasakal. Same reasons with my mom. I should be studying at UP or Ateneo now, if she only allowed me. However, totoo nga namang mas malakas ang temptasyon kapag napabayaan sa malayo. Well, depende naman ‘yon sa tao. I’m not a lost sheep and I know I can handle myself. But my mom doesn’t trust my capability to resist. Kung alam niya lang sana…. Mataman lang akong nakinig sa hinaing ni ate. “Paano ba ang enrollment sa school niyo?” Nagkamot ako ng ulo at pilit na inalala ang masaklap na enrollment process na pinagdaanan ko two years ago, bago ko ipinaliwanag nang mabuti. “Per college kasi ‘yon ate. Ano bang course niya?” “Engineering.” “Ah. Pagkatapos niya sa guidance, saka na siya didiretso sa College of Engineering and Technology na office. Bibigyan naman siya ng instructions kung ano na ang sunod. Nakalimutan ko na ang kasunod, eh.” Sa dami ng tinanong sa’kin about sa school, pakiramdam ko naging instant front desk officer ako ng University. I answered all of them, tho. Sa about ng makakaya ko kahit di ako masyadong sure sa tuition fee.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD