Entry#9

1412 Words
"Oh." Inilapag ni ate Kat ang isang plato na may cake, spaghetti, at biko. I can’t help myself from not beaming. "Yey! Thank you! Anong meron?" "Birthday ni sir Leganes. Binibigyan kasi kaming mga GIA ng mga foods everytime may pakain sa faculty at office. Sayang naman, hindi ko maubos. Kamusta? Ano pang kailangan gawin?" What I like about ate Kath is, she makes ways to contribute to our group and ease my burden as the leader. She may not have the advantage of technology, but it’s never a hindrance to her. She proofreads the reasearch manually and writes her ideas at the paper. Ako na ang bahalang nag-e-encode total nasa akin ang laptop. How I wish Yna and Baron adopt this trait, too. Or at least try. Pero asa. People don’t change that easily. Kapag ayaw kasi talaga ng tao, talagang ayaw. Kaya maraming ginagawang dahilan imbis gawaan na lang ng paraan. "I-proof-read mo nalang itong RRL at Introduction na part, ate."  I instructed her to which she hummed as a reply. I already splitted the papers by part and gave her those parts that I mentioned as her task before siya pumasok sa electrical engineering laboratory. She left me there for her duty sa office habang ako naman ay nagsimula nang magtitipa sa aking laptop. Syempre habang lumalamon ng cake at spaghetti. Hindi masyadong masarap pero gutom ako so walang may pake. Haha. Ano pa ba ang idadagdag ko rito? Isip ako nang isip. Umiikot ang mata ko kung saan, baka sakaling may sumulpot na idea at inspiration sa mga kapwa ko estudyante rito sa hall. Bigla akong napalingon sa gilid at likod ko. I don't know if it's just me? Pakiramdam ko kasi may nakatingin sa akin. Ayokong isipin yun dahil di ako sanay sa ganung klaseng atensyon. It's weird na may nanonood sa bawat galaw ko. It's creepy. Hindi ako makagalaw nang malaya. Para akong nababato. Kailangan kong mag-ingat sa bawat galaw ko. Alam mo yung feeling na ultimo pangungulangot o pagpunas ng pawis di mo magawa dahil parang may nakamasid sa bawat galaw mo? Ugh. I ignored the unnecessary thoughts and feelings. Guni-guni ko lang siguro yun. Oo. Tama. Wag ko na nga yun isipin. Ang mahalaga, matapos ko na ang pagsusulat at pag-e-edit ng thesis at mga gawain sa school para more free time for myself. Pilit akong nagfo-focus sa mga dapat kong gawin. Kinuha ko ang notebook na nagsisilbing scheduler ko. Parang may pumisik sa katawan ko at bigla akong bumilis kumilos. Kailangan ko na palang matapos ang first two chapters nitong thesis at ang mga requirements! I started scramming when a familiar voice called my name. “Hi, Pen.” I simply smiled. “Hello.” “Kaw lang mag-isa?” she asked. I hummed. Obviously, yes. Puro gamit ko lang naman ang nakapatong sa lamesa. Itinabi nila ang mga gamit ko saka walang pasintabing umupo sina Heidi, Diana, at Jane. Kulang sila. “Asan si Daisy?” tanong ko as I sat at the edge of my seat. I want to get away anytime from now. But I can’t. “May Dance Practice,” sagot ni Heidi. “Ah.” If she was here, the air won’t be this suffocating. Sayang. Pinirmi ko na lang ang atensyon sa sinusulat ko. Nagpatugtog rin ako ng k-pop na music sa youtube. “Van!” sigaw ni Heidi. Napalingon ako sa tinawag niya. May tinitingnan kasi siya sa likod ko banda. Tumango si Ivan at ngumiti. Dumiretso na rin siya paakyat sa taas. Malamang, may klase pa siya. “May girlfriend ba yun si Ivan?” usisa ni Jane. “Bakit? Gusto mo, mag-apply?” “Pwede?” Jane laughed. “Charot lang. Gwapo niya kasi. Tapos ang talino pa.” “Oo nga. Tapos di siya nahuhulog sa dean’s list. Consistent,” sang-ayon naman ni Diana.    “Dean’s list ka di’ba, Penelope?” dagdag pa niya. “Ha? Oo.” Saan ba talaga papunta ang usapang ‘to? Hindi ako dapat kasali. Sinadya kong ikunot ang noo ko para kungyari busy ako at hindi na nila ako istorbohin. “Parehas pa kayong mahilig sa K-pop… Matangkad naman siya, matalino. Tall, dark, and handsome.” Teka lang. Parang alam ko na kung saan papunta ‘tong usapang to. Uunahan ko na. “Please, I am not interested in him, or in dating anyone.” “Bakit? May iba ka na bang gusto? Don’t tell me na si Baron?” Pinagsasabi niya? Kung sino-sino na lang pinapares nila sa’kin. Can they stop acting like a cupid to me? “Nadevelop ka ba dahil magkasama kayo sa thesis? Siya pa naman ang only boy niyo.” Todo na ang kunot ng noo ko. “Hindi, ah!” “Bakit ba ang defensive mo? Crush mo talaga siya, no?” I am not defensive. I am just telling them the truth. “Ah, Kaya pala ayaw mo kay Keith at kay Ivan. Mga baron pala ang type mo, Penelope.” “Ano? Hindi!” “Eh, anong type mo? Sinong gusto mo?” Heidi leaned forward and persistently looked me in the eye.   “Ha? Sino? Tell us.” Eh ano naman sa kanila? Who are they to meddle with someone else’s business? “Wala nga.” Wala ba silang balak umalis? Kasi kung wala, ako na lang. Paunti-unti kong niligpit ang mga gamit ko, gamit ang nanginginig kong mga kamay. “Maniwala. Masyado ka namang secretive. Di’ba, friends tayo? Wag kang ganyan.” “Mauna na’ko sa room,” sabi ko at mabilis na umalis. Friends? I internally smirked. But my blood boils upon hearing that word coming from their mouth. She used the wrong term. When I was with them, I feel manipulated. Unfree. Trapped. There’s no place for no’s. All they want to hear from me is yes. Yes, or else I am a Killjoy. Yes, or else I “hurt” their feelings. And being friends with someone or kahit may gusto ka sa isang tao, it does not give you an excuse to tolerate their behavior. And so, I left.   Ang buhay ay parang isang roller coaster ride. Madalas, nakakawala sa wisyo ang stress na dulot nito. Kung kelan akala mo okay ka na, walang pasabing bubulusok pababa tapos mapapapikit ka na lang. Katulad ngayon. Napapikit ako. Hinihiling na sana biro lang ang narinig ko. Kahit na ang totoo, nagkakagulo na ang utak ko. Hinigit ko ang hininga ko. Mabigat ito. Kanina lang, ang saya ko nung nakapasyal ako sa Bluebox. Ngayon, balik na ako sa pagiging stressed ulit. Ang saya naman. Pinagpahinga lang ako para sa isa na namang dagok. "Okay. Don't forget to read in advance. Next meeting we will continue talking about relationships. Assignment!" anunsyo ni ma'am at pagkatapos no’n ay may sinulat na siya sa pisara. Bring your boyfriend/girlfriend. Napanganga ako. I stared at the cursed sentence and read it thrice.  Nagkatinginan kami ni Ailou na ngayon ay nanlalaki ang mata at napatakip ng kanyang bibig. ANO?! Seryoso ba talaga yan? Asan dyan ang assignment? Paano yan naging assignment? "Ma'am? Seryoso ka dyan?" someone at the back reacted violently. "Yes, I'm serious. Kailangan niyo yan para makarelate kayo sa lesson natin. It's all about how people form relationships, right? Kaya magdala kayo nyan sa Wednesday." SAY WHAT! Saan ako pupulot ng boyfriend? Today is Monday and I only have two days. Ano yun, pinupulot, inoorder o ginagawa lang? Ano ba yan! "Bring your jowa for 50 points. Understand?" dagdag pa niya. "Eh, ma'am? Paano kung wala?" She shrugged and smiled like a witch, happily waiting for the ingredients to boil. "Edi wala. Zero kayo sa assignment niyo. Tandaan na 20% ng grades niyo ay ang assignments niyo. Kaya kung ako sa inyo, galaw-galaw na!" Humingi ako ng tulong sa mga kaibigan ko pero parang lahat kami pare-pareho lang ding helpless. Si ate Van nalukot na ang mukha. Si Arnaisa natatawa na parang naiiyak ang mukha. Hindi siguro makapaniwala. Ako rin, hindi makapaniwala. Pero nangyayari na eh! Si ate Wincelette tawa nang tawa. Aigoo, wala siyang problema dahil meron naman siyang dadalhin. Eh kami? Kamusta naman? Kailangan kong makumbinsi si ma'am na this is so absurd! Bakit kailangang dibdibin yung lesson nang ganon katindi? HINDI ITO MAKATARUNGAN!        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD