Entry#17

2563 Words
Tumambol nang malakas ang puso ko. Where is it, where is it? “Hello. Kanina ka pa?” voice of the person I am waiting for spoked but I can’t bring myself to look at her, much less to entertain her. “Yung ballpen ko…” I muttered hopelessly under my breath, with furrowed brows and worry shot at my face. Parang dito ko lang yun nilagay. Saan ko na naman ba ‘yon naiwan? Patuloy ako sa ransack ng aking bag. Lahat ng bulsa ay kinapa ko na nang makalimang beses. “Yun, o. Ano yon?” gamit ang kanyang nguso, itinuro ni Ailou ang fine tech pen na natakpan ng mga notebooks. “No. Yung binili natin sa Bluebox, naalala mo pa?” sagot ko na parang naiiyak na deep inside. Inilabas ko isa-isa ang laman ng bagpack. Ibinuhos ko na rin sa lamesa ang mga laman at binaliktad ko na ang buong bagpack, wala pa rin! “Alin dun? Di ko nakita, eh.” “Basta color white siya tapos may logo na f(x). Asan na ba yun? Kakabili ko lang non, eh! Mahal pa naman yun.” Kung wala, edi anong magagawa ko? Kung wala, edi ano na? I thought as I gazed blankly in the air. Naglalakbay ang utak ko sa mga pangyayari simula kaninang umaga hanggang sa kasalukuyan. Para bagang mayroong flashback rewind na nangyayari sa magulo kong utak habang nginangatngat ko ang kuko ng forefinger ko. Classroom… Canteen… SSG Office… Gate… Pumipitik na naman ang sentido ko kasabay ng bumibigat kong ulo. Gladys buried her head into her folded arms at the table. Napahikab na din tuloy ako nang mapansin ko ang pagtaas-baba ng kanyang likod. I did the same as a sign of defeat. I’ll take a nap instead and perhaps, go back to searching tomorrow. May tumutulong malamig sa paanan ko. Eh, wala namang nakapatong na kung anong likido dahil ulo ni Gladys ang nakahalumbaba. Automatic na pumisik nang slight ang balikat ko. “Glad?” I called. Her head remained buried. She didn’t respond for a while until Ailou asked her if she’s okay. But contrary to her raised right hand which formed ok, I think she’s really not. “Ha?” My jaw dropped.  “Akala ko break na kayo?” sigaw ko. Kebago-bago pa nga lang siyang niloko ay napatawad na niya? Itiagilid niya ang kanyang mukha paharap sa’min. Nanginginig ang kanyang mga labi habang siya’y nagsasalita. “S-sabi niya kasi, h-hindi na niya uulitin,” she reasoned out and bawled her eyes out. Siya na nga ang sinaktan at pinaiyak, tapos siya pa ang may ganang bumalik? This is crazy. Pain is supposed to make people aversive from the danger, not come back for it. Pumirmi ang aking tingin sa namumula at nagtutubig niyang mga mata. “Buti na lang wala akong iniiyakang tao. May panyo ka ba?”I managed to asked. I don’t know what to say. I can’t say that it’s alright. I can’t give her advice, either. Aside from, ‘wag ka nang umiyak’, what words can soothe her aching heart? What can I help to save her from this pain? Gustuhin ko mang maging hero, pero imposible. Ang hero na makakasalba at poprotekta sa atin ay ang mga sarili lang talaga natin. Ailou is just here. Silent but her ears are open while her hand soothingly taps the weary shoulder of the crying one. Her heart-shaped lips remained close, yet her eyes spoke empathy for our heartbroken comrade. Kinuha naman ni Gladys ang panyo sa kanyang bulsa at tinakpan ang kanyang ilong at bibig. Pigil ang kanyang mga hikbi. Bawat punas ng luha ay may bagong kasunod. Naghahabol na rin siya ng hininga at halos hindi na makapagsalita. Napailing na lang ako nang todo at isinuot muli ang aking eyeglasses. “Once a cheater, always a cheater, Gladys. Lolokohin ka lang niya, paglalaruan. ” I remarked and faced my laptop. A while ago, halos maiyak ako sa ballpen kong nawawala. Samantalang itong isa, tatlo ang problema: that stupid heartbreaker, her broken heart, and her brittleness. Single people and committed people have really different sets of problems in life. With the money, I can replace my pen and I’ll be fine. Easy as pie. All the while, healing takes a lot of time, discipline, and all the courage in you, into swallowing the bitter-sour taste of organic truth with zero sweet fake hopes and promises. “Sana… sana hindi ko na lang siya… nakilala… Ang malas-malas ko naman, eh!” Her voice cracked as she wiped her tears away. Her once strong heart became brittle. “Last na lang talaga… Ayoko na,” she bargained. Ayoko na. That’s also what she said the last time she cried at the class. Ayaw mo na pero gusto mo pa rin siya.   “Shh. Hindi mo kasalanan, Glad.” Alo ni Ailou habang hinahaplos ang kanyang likod. Pinunasan rin niya ang panibagong luha na umagos sa pisngi ng sawi naming kaibigan. xxx Inagahan ko ang pagpunta sa University. Alas diyes pa naman ang first class ko ngayong wednesday pero alas otso pa lang, ay gumayak na ako papasok. Baka matagalan kasi ako sa paghahanap. I braced myself for a long day. I made it a mission and swore that I will find my pen back to me. Una kong pinuntahan ang quarters ng mga utility personnel. Their quarters is located near the school gymnasium and the guard house. Ate guard informed me na doon daw itinuturn over ang mga lost and found na mga gamit.  I knocked many times and waited for about what seemed to be five minutes already. My small patience is being tested again. I fidgeted my hands. My upper body also keeps on spinning sideways back and forth, forty-five degrees. Kumatok nang kumatok at pinilit ang sarili na matiyagang maghintay hanggang sa may nakapansin sa aking ale na nakasuot ng green shirt at maong pants. “Ano yon, neng?” she asked me with concern. “Ahh, good morning po. May tao po ba dito? Kanina pa po kasi ako kumakatok pero walang sumasagot “ Pinihit niya ang doorknob at bumukas ang pinto. Napangiwi ako sa kaonting disappointment. Bukas naman pala! Ang tanga lang. Sinilip ko ang kabuuan ng kanilang quarters. Mga pahabang lamesa na may faded na ang pintura, gawa sa mahigat na uri ng kahoy ang nakatambak. Nakapatong doon ang mga arm chair na may baling kamay at tabinging paa. May isang malapad na lamesa at limang monoblock ang nasa gilid, katabi ng bintanang sarado. Halos hindi napapasukan ng araw ang kwartong ito, dagdag pa na walang kahit no isang buhay na kaluluwa ang nandito. Nanindig ang mga balahibo ko sa batok habang ini-imagine ang itsura nito sa gabi. “Ah, nasaan po…” She filled my unfinished question with an answer. “Ah, wala pa sila. Balik ka na lang mamaya.” Ayon kay ate, alas kuwatro pa raw ng hapon hanggang alas siyete ng gabi ang susunod na duty ng paglilinis ng mga utility. Minsan, alas dose ay bumabalik sila pero nangyayari lang yon kapag pinapatawag sila ni brother kung may biglaang ipapalinis. May kaunting lumubog sa loob ko. Pero isang ngiti at pasasalamat ang isinukli ko kay ate. “Hay.” Malalim na buntong-hininga ang napakawalan ko. This is why, there’s a saying. The more we chase, the more it runs away. The more you try hard to find, the more you lose it. I managed to kill the time before twelve noon. Wala pa rin. I killed the time again. I didn’t know how I did it but you know, mabuti na lang sanay na akong mag-isa. Till it turned into five pm and I came back to the Utility Room. “Baka naman po may nakita kayong puting ballpen habang naglilinis last Monday?” pag-uusisa ko. “Puting ballpen?” Bumaba ang tingin si ate janitress sa pakanan at umiling. “Parang wala naman… Eh puro mga black at blue ballpen lang nakikita ko, eh. “ “Sigurado po kayo?” “Eh, ewan. Tignan mo na lang diyan sa lost and found box, iha.” Pumasok lang ako dito para sa isang subject at naghintay para sa wala? Isang buong araw ang nasayang ko. However, I can’t give up now. Inalala kong muli ang mga lugar na napuntahan ko noong Monday. Sa isang iglap, para bang may lumiwanag na bumbilya sa aking utak. Classrooms. Canteen. SSG Office. Council.  Kung wala sa mga classrooms namin at wala rin sa lost and found, ibig sabihin naiwan sa lugar kung saan walang naglilinis na utility. At ‘yon ay sa… Mula sa butas ng pintuan malapit sa office of the SSG president, vice president, secretary, and treasurer, nasilip ko si Kuya Gio na may tinatype sa harapan ng kanyang computer desk. Kumatok ako habang nakasilip. Syempre, napatingin siya sa’kin at pinagbuksan ako ng pinto. “Yes, ano ‘yon Penelope?” “Kuya, may nakita ba kayong white ballpen? Naiwan ko yata dito nung nagmeeting tayo.” “Ah. Sa’yo pala yung naiwang ballpen?” My eyes widened. Thank goodness! Dito ko lang pala naiwan. “Yes po.” “Yung lalake, nasa kanya yata. Sabi niya kasi, siya na lang ang magbabalik sa’yo.” “Huh? Sino?” “Yung… sino nga yong bago? Adrian? I..an? Hindi ko lang sure. Basta yung nakaupo sa likod. Sa dulo.” I paused to give way for the things that I could possibly do. There’s still chance that I can still find that guy. Something clicked in my memory. That new and unfamiliar face. His black hair, beady eyes, with a tall and skinny physique that leaned on me close that day…. ‘Pwedeng peram ng ballpen?’ he spoke with his gentle yet baritone voice that was like pulled from the depths of the underworld. “Kuya Pres, pwede pong mahiram ang attendance sheet yesterday? May titingnan lang,” paalam ko. He handed me the attendance sheet attached to a white folder. First on the list is a name of a person that I have never encountered before. I can’t go wrong. I handed the folder back. “Thank you po.” I eventually asked people at the CET Council about his whereabouts. Apparently, hindi pala tumatambay ang ‘sang yon sa council office nila. Pumupunta lang siya kapag may importanteng sadya, halimbawa kung may meeting. So, saan ko naman siya hahanapin? Six quarter to four na ng gabi according clock app ko. The ache at my back is creeping in, the kyuubi is grumbling, too. Should I just go home? Okay. Let’s call this a day. Pinagpag ko ang palda ko nang nanlaki ang mata ko at nabuhay ang dugo ko. Isang payat at matangkad na lalaki ang naispotan kong naglalakad sa hallway. Sukbit niya ang backpack gamit ang isang balikat lang. Nakababa ang hood ng kanyang navy blue jacket kaya lantad ang kanyang mukha. . I ran as fast as I can towards the target. Inabot ko ang kanyang balikat. Bagamat hinihingal, pinilit ko pa rin siyang tawagin. “Ex…cuse…. me.” Na nagbunga naman dahil napahinto siya at tinignan ako. “Ikaw ba si Adrix? Adrix Ian Mallorca?” “O-oo. B-bakit?” “Uhmm.” Teka, paano ko ba sisimulan ‘to? Sumugod na lang ako bigla nang wala man lang intro na nakaready. “Ah, Penelope Marie Barluado nga pala.” Tapos di ko na alam ang susunod na idudugtong. So, ano na ang sasabihin ko? Aishh! Pen-pen, umayos ka! I struggled for the right words, for my intention. I clenched my fists and swallowed the hard blockage at my throat- the criminal why my tongue can’t proceed to say the words that my mind has constructed. “Ano kasi… hinahanap ko ang ballpen….ko.” I trailed. “Hinahanap ko ang ballpen ko.” I reiterated but in a convinced tone. I regained back my strength and composure after I have spoken the first sentence. He tilted his head and stared at me na para bang tinubuan siya ng tatlong question marks sa ulo kaya naman dinagdagan ko ang aking paliwanag. “Nanggaling ako sa SSG at ang sabi ni kuya Gio, ikaw daw ang nakakita ng ballpen ko?” I flashed a smile. Please, pagod na’ko. He blinked twice, yumuko at nagkamot ng kanyang batok. “Ah, oo nga pala. Sorry, miss. Sa dulo kasi ako nakaupo kaya ako ang huling nagpasa ng attendance, kasama ‘yong ballpen. Yung F(x) na puti di’ba?” I nodded. “Oo! ‘Yon nga, ‘yon nga!” Hinalungkat niya ang kanyang itim na backpack. He then adjusted his eyeglasses as he apologetically looked at me.  “Sorry pero hindi ko pala dala. Next time, dadalhin ko.” “Ah, sige…okay lang.” “Can I just text you in case I found it at home and if I’m free?” “Sure. Pero wala akong load panreply, ha.” Babala ko sa kanya. Baka kasi magtaka siya na hindi ako nagrereply. Baka isipin, snobber ako. He smiled. “It’s okay.” I dictated my number as he phone booked it to his phone. He turned his back on me and while he’s walking down the aisle, nagkawayan sila ng paparating na si Ailou. Nang sa wakas ay malapit na sila sa isa’t-isa, tumigil sila at nag-usap saglit. Biglang nagsalubong ang mga kilay ko.   Nang tuluyan na silang maghiwalay ng landas, si Adrix paalis, habang papunta naman sa’kin si Ailou, bahagya akong lumapit kay Ailou. “Hello, madam~” bati niya sa’kin saka humikab. Bitbit niya ang laptop sa kaliwang kamay. “Sa’n ka galing? Kakagising mo lang, no?” I could tell that she just woke up from her afternoon nap because of the marks at her cheeks and her round eyes na naging slightly chinky. “Sa library. Gumawa ako ng chapter two. Kaso, sumakit ang ulo ko,”aniya sa garagal na boses. “Weh? Natulog ka lang naman dun, eh. Tigilan mo na nga pagpupuyat kaka-w*****d, inday Ailou,” I stated as a matter of fact at natawa siya kasi natamaan. Kung alam ko lang sana na di ko rin makukuha ang k-pop ballpen ko, edi sana natulog na lang din ako kanina. “Ikaw, ba’t ka pa andito? Tsaka ano ba yang itsura mo? Ayusin mo nga.” “May hinahanap lang.” Umupo ako sa pinakamalapit na bakanteng table. Sumunod naman siya at umupo sa harap ko habang nagpupulbos ako at nagsusuklay.  I cleared my throat. “By the way, kilala mo yung lalaking nakahood?” Kunot-noo kong tanong. “Sino?!” Her heart-shaped lips fell ajar while her eyebrows contorted, but she recovered from confusion after a while and nodded her head.  “Ah! Si Adrix Ian Mallorca?”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD