Who the hell are you?
I typed JMJ University Confessions at the search box and browsed the wall. I stopped scrolling at the post that I am looking for. Reading it thoroughly, making sure not a single word is skipped. Memorizing the way he talks, the codename, analyzing the meaning behind them. Humanda ka talaga sa’kin kapag nahanap kita. Ha-huntingin kita hanggang sa katapusan ng exo planet!
JMJ University Confessions
March 2018
“Penelope”
I just want to say hi sa third year psych student na si Penelope. I don’t know if that is your real name pero nadidinig ko sa mga kasama mo na Penelope tawag sayo. I think isa ka din sa council ng CAS. I don’t know you that much but I just want to say I really admire you. Gusto ko lng sana humingi ng favor sayo.
Sana tumigil ka na kakatakbo sa isip ko. Di bale, lalagyan ko nlang ng finish line yung isip ko para tumigil ka na sa kakatakbo at mapunta nlang sa puso ko. Hahahaha. Cheesy.
-Haqqryo killua-
Marc Kenneth, Rose, Daisy Rodrigo and 2k others reacted
Like Comment Share
---
Hinimas ko ang nag-iinit kong mga mata kakatitig ko sa cellphone. I snorted. Wala akong napala. He left no clue at all. Just who is this stranger? Or… is he really a stranger? Isinuot ko ang glasses ko at sunod na binasa ang bumabahang mga comments. Naningkit ang aking mga mata.
All relevant comments
Rubielle Granada: Yawaaaaaa hahahaha go ka na besh
Wincelette Ria Ampuller: @Penelope Marie Barluado
[ Nais Dagadas replied: HAHAHAHA! Ganda mo talaga madam @Penelope Marie Barluado
[ Ailou Basa replied: HAHAHAHA Ayieeeee
Heidi Vargas: @Jane @Diana @Daisy
[ Diana Faye Simeon replied: Iba talaga!!
Lyca Lyca : I’m so proud of our bibi sa council!!
View other comments
“Hoy, ningning! Wag mo ngang pinapasingkit yang mata mo. Feeling Korean, di naman Korean.”
Sumama ang tingin ko sa kanya. Aba’y tukmol na’to. Pakealam ba niya? Ba’t ko ba’to minahal? My old self is such a siraulo. “Di ba pwedeng nahihirapan lang magbasa?” I retorted my come back and rolled my eyes.
He flexed his annoying smirked again. Out of nowhere, may sumigaw.
“Happy Birthday pala, Marc!” The SSG Vice president greeted him. The rest of the officers showered him with greetings and their stories about the birthday celebration.
Napatitig ako sa kanya at bahagyang napanganga. Birthday niya nung Friday? That was the day he went to the council and informed me about this meeting. Kaya pala. That explains the teasing and the annoying but glowing smile from him that day.
“Ay, Birthday mo pala? Happy Birthday!”
“Grabe talaga to. ‘Di man lang nagsabi. Tatahimik-tahimik lang, birthday mo pala, eh! So, saan tayo mamaya?”
“Belated na, guys. Nung friday pa. Pero salamat,” he replied.
Should I greet him? Nah. Mamaya na lang ako online. It’s funny how I used to anticipate his birthday way back in high school. I contemplate a lot if I’m gonna give him a gift or a letter or just simply greet him. In the end, fear and pride swallowed me. Fear that I might stand out and my feelings would be exposed indirectly. And my pride can’t take it if kumalat sa lahat na binigyan ko siya ng regalo na ganito at maging big deal dahil ako lang pala ang nagbigay.
They’ll declare and spread the assumption that I like him, and knowing people, they’ll just push me even more even if I already fell. They have no mercy for my ripped heart. I want to save it from being shattered. Sinikap kong tahiin ang sariling sugat, umaasang pagagalingin ako ng magic ng oras.
“Sayang nga ‘di kayo nakapunta. Edi sana nakita niyo paano malasing si Gov.”
“Hoy! Shut up!” pinaghahampas ni ate Lyca si Kuya Chester, ang treasurer ng College of Business & Administration Student Council.
“Aray, putik!” Nakasangga ang mga braso ni kuya chester habang umaatras. Nahablot niya ang notebook ko at ginawa niyang pamalit na shield sa kanyang braso. “O, bakit? May hiya ka pa pala?Su--” Nagsasalita pa si Kuya Ches pero kaagad na tinakpan ni ate Lyca ang bibig niya bago pa man maikwento ang nangyari.
“GG nga si Marianne, plakda! Knock out ang ate niyo. Pero nasukahan pa si ahem! Ahem! Subi!”
Namula ang mga pisngi ni ate Marianne. “Gaga. Wag mo na ipaalala, please!”
“Okay lang yan, gwapo naman, eh! Ayieee!” dinig kong tukso ng secretary ng CETSC sa kanya.
Out of boredom, I fetched my phone from my skirt’s pocket again. My right forefinger automatically tapped the f*******: icon. I’m here again, scrolling and sharing stupid memes, reacting to my friends’ posts. Nakakahilo at paulit-ulit na lang. Sa gilid ay nabasa ko ang paalala ni f*******: na birthday ng walang hiyang Marc Kenneth. Nakibasa muna ako sa mga greetings bago nagdesisyong batiin siya.
Happy Birthday! Stay gwapo and SS sa inyo!
Enjoy your day! Thank you sa pagiging friend namin. Walang halogn drama, basta long life sa’yo at SS sa inyo.
HBD, bro!
I just typed a simple happy birthday with a sticker and posted it to his timeline. Alangan namang maki-SS din ako. Eh, ni hindi ko nga kilala kung sino ang jowa niya. Ayan, okay na yan. Now, where am I? Back to sharing memes.
A shadow casted on my side, slightly blocking the view of the officers na naghaharutan. A pair of chinky eyes greeted me. “Pen, naka-attendance ka na?” I shook my head. Oo nga pala.
Kuya Gio, the SSG president handed me the attendance sheets at iniwan na ako. Pumasok siya saglit sa office niya to get some things. At dahil wala man lang ballpen na prinovide, hinalukay ko ang bag kong singgulo ng utak ko ngayon. Sabog na sabog, oh. Asan ba yung ballpens ko?
Ayaw na gumana ng blue Fine-tech ko. Ito namang titus, kakabili ko pa lang, nagbibisyo na at nagle-leak. Walang kwenta. Sa kabutihang palad, nagzoom-in ang mga mata ko sa ballpen na may logo ng F(x). Hmm. For a second, the pen’s smooth writing when I was testing it for the first time flashed.
Ano pa’t dinampot ko na ang bagong bili kong ballpen, agad-agad. I can’t help but smile while I stroke it, as it curves to form my name and position. This is just a signing pen, but it’s still satisfying to use. Hindi ko ma-explain pero parang hinahaplos ang heart ko.
“Next time, sama na kayo sa sessions namin,” anyaya ni Marc sa kanila. His upper body slightly tilted to the right and looked at me. “Kaw din, Pen. Inom-inom din pag may time.”
Napa-angat ako ng tingin bigla sa kanya. Ngumiti ako nang konti. Saglit lang. “Sige lang.” Sadly, I don’t have time. Drinking liquor isn’t worth it. It will taste bad just like how badly it smells for sure.
“Naks. Sessions! Sana all drug lord!” hirit ni kuya Chester.
Everyone bursted. Pati ako na nagsusulat ay natawa. Hays, pambihira. Tumabingi pa tuloy yung pirma ko sa attendance. “Guys, attendance!” I announced. Napatigil sa pagchi-chismisan ang iba at pumila sa likod ko. The first one in the line is a tall, and skinny boy wearing a navy-blue hoodie jacket.
He leaned towards me and gently whispered. “Pwedeng peram ng ballpen?” I handed him my F(x) ballpen. “Eto.”
Hinaharangan ng black-rimmed eyeglasses niya ang kanyang mata. But I know for sure na ngayon ko lang siya nakita. Mayroong hinhin sa pagkumpas niya ng ballpen habang nagsusulat. Walang bakas ng pagmamadali. Kalmado siyang umupo sa pinakadulo ng pahabang table. Ako naman, dito sa kabilang dulo niya, katabi ng upuan ni kuya Gio.
Being the lazy people that they are, hindi na sila nag-abala pang ilabas ang sariling ballpen. My k-pop pen became the “ballpen ng bayan”. Gusto ko nang kunin kaya lang, lahat ng nakapila, iyon na ang ginagamit. Walang katapusang hiraman na’to.
Hindi pa man natatapos ang pila, lumabas si Kuya Gio sa kanyang opisina bitbit ang mga record books, isang white folder, cellphone, at ballpen niya. “Start na tayo. Yung attendance, papasa na lang mamaya.”
“Oy, start na daw!”
Tinignan ni Kuya Gio ang kanyang relo at nagpaalala sa lahat. “Tara na. May klase pa’ko mga three-thirty. Medyo bibilisan lang natin ‘to.”
Andito na ang tig-tatlong representatives’ ng bawat college. Ideally, it should be the big three. Governor hanggang secretary pero kung wala, dapat may representatives na proxy para at least merong magre-relay ng information at para patas sa lahat ang mga desisyong gagawin. Except sa college namin. Dalawa lang kaming taga Arts & Sciences.
Everyone settled down. While Kuya Gio is discussing the plan for the incoming elections and bequethal night, pinagmasadan ko ang pinagpapasa-pasahan na attendance sheet kasama ng ballpen ko. Hindi ko na mabawi kaya nirecord ko na lang ang meeting gamit ang recorder sa phone.
The meeting adjourned at exactly 3:36 pm. Nakapag-overtime nang konti dahil panay ang segway at biruan. Mas marami pang tawanan kesa yung oras na nagseseryoso.
I’m done with this day. Thank you! Mabagal at tulala akong naglalakad palabas ng southgate na sana nang mapapitlag ako sa isang ring na matinis at pautay-utay. Parang timer ng bomba. Shet ano ba ‘to? Irita kong hinanap ang cellphone ko sa aking bulsa at pinatay ito.
‘I’m done with this day’- or so I thought. I have set the alarm at 3:50 pm for the presentation making. And speaking of, my one and only partner just texted.
Ailou: TULOY TAYO?
Me: Yep. Sorry, nakalimutan ko! Saan tayo ngayon?
Ailou: KAHIT SAAN HAHAHAHA
Me: Saan yang kahit saan? At bakit kailangan nakacapslock? Galit ka?
Me: Sorry lang. Alam mo namang lutang at puyat ako ngayon.
Ailou: HAHAHAHA HINDI!
Ailou: CAPSLOCK PARA AESTHETIC HAHA
Me: Ah. So saan tayo gagawa? Sa SMC Hall na lang ulit?
Ailou: PWEDE
Me: Simge. SMC hall na lang tayo magkita. Otw na’ko. Kakatapos lang kasi ng meeting.
Ailou: OKAYYYYY
Shaking my head, I proceeded to our rendezvous with my haggard face. I can feel the oiliness of my forehead and cheeks. At kahit na anong tago ko sa eyebags ko, kumukupas din ang ilusyon ng make-up at nalalantad din ang pangit na katotohanan-este pangit kong mukha.
I could not care less. Patapos na rin naman ang araw. The sky is transforming into orange and dark blue and everyone’s minding their own business here at the hall. No one’s gonna stare at my face. And if they do, anong mapapala nila? Yayaman ba sila? Meh.
“Hello, Glad! Makikiupo kami, ha,” paalam ko.
She simply smiled at me. “Sige lang, sis.” Yumuko siya nang bahagya at nagpatuloy sa pagtitipa sa kanyang cellphone. Ang seryoso ng mukha niya. May bago na yata siyang textmate.
I grinned, secretly teasing her and reserved a seat for Ailou by putting my things beside me. Naglabas na rin ako ng mga papel at notebook at.. teka nasaan ang ballpen ko?
Tumambol nang malakas ang puso ko.