I feel like my head is floating. But that can't be. My head is still intact on my body. My feet are walking unto the ground. I can hear the sound of my school shoes as it pounds the cemented floor of the aisle.
Yung ilalim ng mata ko, parang lumulubog. May pumipintig din sa noo ko. Mabigat ang likod ng leeg ko. Bawat hakbang papuntang banyo, may gravity na nagtutulak sa’kin pakaliwa-pakanan nang salitan.
I blinked consecutively and forced my eyes to open wide. No, Penelope. You can’t go back to sleep. Mamaya na. You also can’t pass out here. Not here at school.
The water’s splash against my face refreshed my weary consciousness. I pulled a tissue roll from the tissue container and wiped my face. My frowning face is reflected at the mirror. Pwede bang takpan ko na lang ‘tong mukha ko? Ang sagwa tignan.
Inilapit ko ang mukha ko sa salamin. Grabeng eyebags ‘to. Nangingitim. I shake my head. Kahit saang anggulo ng mukha ko, kahit na anong tagilid ko, lahat dry skin. Ang pangit ko. I don’t need a costume to imitate zombies. Because I am now a zombie.
Dapat ba, hindi ko na lang nabasa 'yon? I bite my inner cheeks and started applying foundation and concealer. Inilabas ko ang make-up kit ko na supposedly nakatago ngayon sa bahay. Ginagamit ko lang ‘to kapag may mga okasyon.
“Erase ka na dapat. Wag kang magpapakita,” sabi ko sa eyebags ko habang tinatakpan siya ng concealer. Buti walang ibang tao ngayon dito sa CR ng gym. I also applied a little bit of color to my pale lips. Tutal naman, andito na, itotodo ko na para tuluyan nang mabura ang bakas ng pagkapangit ko ngayong araw. I put a little bit of eyeshadow, curled my lashes, and spread the cheek tint lightly.
Padabog kong sinuklay ang buhok ko. Hindi sana ako mukhang ewan ngayon kung hindi lang kasi ako nagcellphone bago natulog. Edi sana hindi ako nacurious na buksan yung notification na ti-nag sa’kin ni ate Wincelette. Ayan kasi. Arghh! Teka, teka! Kasalanan dapat ‘to nung nag-post.
Lakas din naman ng trip nun. Tagabasa lang ako sa Confession page tapos biglang kasali na ako sa subject ng confession. Paanong di ako maloloka, eh wala naman akong ginagawa para mapansin!
Who is he? Is he a he? Or a she? Do I know that person? Of all people why me? Nananahimik kaya ako. My mind refuses to believe everything that I've read. Baka joke lang yun. Maybe someone from the class na napagtripan ako?
Maybe. It might be a trap. Hindi ako dapat magpaloko. Hindi ako dapat umasa. Tama. I should act normal and be not bothered by him.
Ang problemahin mo ay ang nalalapit niyong exam at mga requirements! Mag-aral ka, hindi yung iniisip mo isang tao na hindi mo naman kilala. Bakit ka ba nasestress diyan? Focus. Okay? Halsuisseo! Fighting!
Sinampal ko ang sarili ko. Hingang malalim. I entered the room like usual.
“Oh, ayan na siya,” bulong ni Joy pagkapasok ko. Napatingin silang lahat sa’kin. Akala ko matatahimik na ang buhay ko pero hindi pala. My classmates quickly surrounded me atsaka ako ginisa at prinito at sinabawan.
"Ang haba ng hair ni Penelope!"
"Iba talaga ang beauty ni ate, oh! Naks!"
"JMJU Confessions! Nakakakilig naman!"
I rolled eyes and just shrugged. "Hayaan niyo na. Baka trip lang yun. Wag niyong seryosohin,” sabi ko habang ‘inilalapag ang bagpack at laptop sa upuan na katabi ni Ailou. First seat, first row, from the left isle.
But they continued in pestering me anyway. "Yieee! Haqqryokillua daw! Sino kaya yun, no?" Heidi nudged me and smirked. Yiee yiee ka dyan. Naalala ko pa yung nakita ko last Friday. Malandi. Wag mo’kong maasar-asar. Pasalamat ka hindi kita sinuplong.
"Kung alam ko lang sana na may kaagaw ako dati pa, sana nagconfess din ako no? Crush kaya kita noon, Pen," narinig ko pang sabi ng isa sa mga boys. Hindi ko na alam kung sino yun. Ang gulo-gulo na. Sabay-sabay silang nagsasalita at nagtitilian pa. Puro mga pang-asar, sakit sa tenga.
"Pwede bang tumigil ka na sa pagtakbo sa isip ko? Pwede dumiretso ka na lang sa finish line dito sa puso ko!" They quoted the confession then shrieked like piglets na kakatayin.
Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko. Kairita ang mga tili nila. Napatodo ang kunot ng noo ko at napangiwi na sa kakornihang iyon. Panay tili at ngiti nilang lahat, samantalang ako, parang nasusuka pero nga pala. Wala akong isusuka dahil wala naman akong kinain ngayong umaga.
I’m not hungry. The Kyuubi isn’t complaining. However, my tummy feels hollow. And my head feels like it’s filled with gas. Kulang na lang humiwalay ang ulo ko at lilipad na ang lobo sa kalangitan. Wiee!
"Uy, di'ba this week na ang deadline nung thesis? Tapos niyo na ba ang sa inyo?" I asked to divert their attention and at the same time, to remind them that instead of wasting their time on me, they have more important stuffs to do.
Nakangiti akong tinitigan ni ate Van. “Anong nakain? Ba’t may pamake-up ka ngayon?”
“Wala. Hindi ako nagbreakfast,” walang kagatol-gatol kong sagot.
“Oo nga, no? ‘Di ka naman nagme-make-up noon, ah?”
Natawa si Ailou. “’Di pantay. May blender ka diyan?” Kinuha ko ang blender at iniabot sa kanya. Napahalukipkip ako habang dinudutdot niya ang blender sa ibabang bahagi ng kaliwang pisngi ko.
“May pinagpapagandahan siguro ang bunso natin,” sabi ni ate Wincelette. Ayan na, nag-tandem na silang tatlo laban sa’kin. Wala si Arnaisa. Male-late na naman malamang.
“Uyy~ May crush ka na? Paano na si Marc niyan?”
My lips pouted along with my contorted face. “Wala, ah! Sira. Di’ba pwedeng tinatakpan ko lang yung eyebags ko?” At anong paano si Marc? Malaki na’yon. Bahala siya sa buhay niya.
Nagdidilim ang paningin ko. The unknown confession at the page replayed on my mind. Humanda talaga siya kapag nalaman ko kung sino man siyang nantitrip sa’kin.
Nagsitigil naman ang mga chismosa kong kaklase nang pumasok si ma'am. Bumalik na sila sa mga upuan nila nang magsimula ang klase, pero kapag may natapos, may magsisimula ulit.
"Do you believe in love at first sight? Possible ba yun?" Our teacher inquired us. Her eyes roamed around, as if looking for her next prey.
Love at first sight.
With that mentioned, I remembered something.
My heartbeat went berserk, pumping hard, jolting me alert as I follow where she’s going. Naglakad-pabalik siya sa isle, bawat matang tinatamaan ng kanyang titig ay may takot at nagbabantay. Napadasal ako habang nakikipagtitigan kay ma’am. Sana huwag ako.
Huminga ako nang malalim nang tinalikuran na niya ako. Salamat! Pero mabilis niya’kong nilingon. "Ano sa palagay mo, miss Barluado?" nakangiting tanong niya sa’kin.
"Yes ma'am?" tangi kong nasambit. Ang puso ko, malapit nang sumabog. Sasabog na siya… teka lang! Bakit kasi ako? Shet, ano nga yung tanong?
"Di'ba may nagconfess sa'yo sa JMJU Confessions? Kalat na sa buong department. Congratulations," she said which triggered everyone to tease me again. Bumuhos ang ulan ng kakornihan lahat sa akin.
What! Now I'm sure everywhere I go inside this campus, wala na akong mukhang ihaharap. I can feel the uneasiness creeping up on me now. How am I supposed to respond? Eotteoke? Nakakahiya!
Anna Freud said that we use defense mechanisms to protect our ego from anxieties. Half conscious, I used a reaction formation. Automatically, my lips curved into a smile.
“Well? Since Ms. Barluado is speechless, get ¼ sheet of paper and answer this question: Is love at first sight possible?”
xxx
What: Lunch. Where: Canteen. Main course: Ako. Pagkatapos akong igisa, prituhin, at sabawan kanina, ako na nga ang official na ulam ngayon. Dapat ako yung nasa plato imbis na itong pinakbet na ulam ko.
"My gosh, madam! I'm so proud of you!"
"Ha? Bakit naman?" Wala naman akong hinakot na award ah.
"Magkakalovelife ka na rin! OMG!" I didn't responded for a while. "Hayaan niyo na yun. Baka prank lang yun."
"Hindi yun prank. Mukhang seryoso naman yung nagconfess ah? Tsaka hindi naman kasi imposible. Madam Pen, maganda ka, matalino, mabait."
I smiled. The flattery is reaching me. Pero bakit hindi ako minahal ng mga taong minahal ko? The answer is because there is always someone better than me in their eyes and in their heart. Hindi ako number one para sa kanila. Pero para sa sarili ko, number one naman ako. I love myself. I mentally tapped and hugged myself for that.
Binilisan ko ang pagkain. Dala na rin siguro ng tiniis na gutom kanina at pati puyat.
"Hoy, dahan-dahan lang. Baka mabulunan ka." Ailou warned me but I continued on finishing my food as quickly as I could.
"Guys, mauna na'ko. May meeting pa kasi kami," pagpapaalam ko sa kanila habang nagliligpit ng mga gamit ko.
"Ha? Aalis ka na?" tanong ni ate Vanessa. I nodded. “Hmm. Kailangan ko na umalis.” Sorry ate, sawa na kasi akong magisa.
Nagpaalam na si Ailou. Arnaisa just looked at me and waved her hand habang ngumunguya. "Bye madam."
"Babye!"
"Baka makasalubong mo yung nagconfess sa'yo! Ayieee! " pahabol ni ate Wincelette.
Salamat! Nakaalis din. I am thankful that I can breathe even just for this moment. Kahit na dito sa paglalakad ko nang mag-isa, nakukuha kong ma- at peace kahit papano. This is the joy of being alone- peace, tranquility, and serenity. Sa mga ganitong panahon ko namimiss ang pagiging loner.
Siguro, hindi naman talaga nawala ang pagiging loner ko. I got friends but deep inside, I am still that person I was na masaya na sa pag-iisa. Napapitlag ako nang may kumalansing na metal at bumangga sa semento. Yumuko ako at naispotan ang golden pin kong pagulong-gulong sa aisle. Tuloy-tuloy sa paggulong ang pin at syempre ako naman, parang aning na hinahabol ito nang may malaking kamay na dumampot nito.
"Here," his deep voice spoke.
"Thank you." Kinuha ko sa kanya ang nahulog kong pin. Hindi ko pala naipin nang maayos sa sobrang pagkabangag ko ngayong araw.
"Penelope..." I heard him whispered my name but I walked away and proceeded to the SSG office.
xxx
"Uy, blooming ah? Anong beauty secret natin, share naman diyan." ate Lyca, the governor of College of Education complimented me.
"Hindi ah." I denied. Di naman talaga. This “blooming” face is a fake. Underneath the colors of this make-up I am wearing, lies the eyebags, dryness, and pores. I do not feel well today because of all stress that I am receiving from our subjects plus I didn't slept soundly last night because of this damn secret admirer ko kuno.
"Eh paanong hindi blooming? May secret admirer!"
"OMG. Kilig much! Sana all ang haba ng hair!"
"Nagrejoice ka ba gurl?!"
My face remained stoic. Akala ko ba, meeting 'to? Bakit parang napunta ako sa taping ng Tonight with Boy Abunda? Bakit ang big deal para sa kanila ng confession na yun? Sila ba ako?
Marc nudged me and smiled at me. Yung ngiting mapanukso. "Uy, may secret admirer siya. I'm so proud of you."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong nakakaproud dun? Tsaka, anak mo ba'ko? Char lang yun. Wag kang maniwala dun. " pagsusungit ko naman sa kanya.
"Maganda ka naman talaga. Tsaka, be proud and thankful. Kailangan bang maging anak kita para maging proud ako sa'yo? Praningning, kapag may taong nagkakagusto sa'yo, ibig sabihin may napapangiti ka araw-araw. Everytime that person sees you, you don't know how much happiness you've made them feel. Okay? So, cheer up." His lips curved into a small smile. "Tsaka wag kang choosy. Minsan lang may umaamin sa'yo kaya wag kang maarte dyan," he added.
Sumimangot ako. Hindi nga kasi ako sanay, eh! Pero sabagay, may point siya. The thought na may napapasaya ako kahit na wala naman akong ginagawa, is absurd. Pero on the good side, at least, may naging masaya. Tsaka sino ba kasi yun? Ang daming alam. Bakit kailangan niyang magtago?
I rolled my eyes at him but he pointed his forefinger at my forehead."Wag mo akong iniikutan ng mata dyan. Itatak mo yan sa kokote mo kung ayaw mong tumandang dalaga. Sayang ka."
Sayang ka.
How dare you. Kung sayang ako, edi sana niligawan mo nalang ako! Sayang pala eh.
Gusto kong isigaw yan sa mukha niya. Pero joke lang. Di ko kaya. So, I remained silent there. Wala naman akong magagawa habang hinihintay na magstart yung meeting. Titiisin ko na lang ang unwanted attention na ito.
I envy that person. Whoever is he. He confessed to me anonymously. No one knows except him and kung may pinagsabihan man siya. So, while I am living uncomfortably, I can imagine him living his student life normally like nothing happened.
I frantically laughed inside my mind. He can sleep soundly at night. He can eat normally. He can socialize without being interrogated. While me? What a life.