HOPIA pa more, Ellah! Oo na, nag-assume na! Bawal umasa 'pag si Debil ang involve, 'teh. Pasensiya. Tanga lang! Ako lang ba ang tanga sa mundo? Parang may mga characters na nagsasagutan sa isip ni Lemuella habang nakahilata siya sa sofa. Oras ng siesta iyon. Tapos na siya sa lahat ng trabaho. Hindi naman niya gustong manood ng TV kaya humiga na lang siya sa sofa at tumitig sa kisame. Hindi na bago sa kanyang sa ganoong pagkakataon ay si Marrio ang naiisip niya. Mula nang makilala ni Lemuella ang lalaki, naging regular guest na sa utak niya. Gustuhin man niyang itaboy, hindi siya successful. Babalik at babalik pa rin talaga para guluhin ang isip niya. At ang mga kilos naman ni Marrio, puso na yata niya ang ginugulo. Umaasa na siya ng happy ending—na agad din namang gumuho nang matiyak

