"HI?" parang nagtatakang bati ng lalaki na napagbuksan ni Lemuella. Nagulat yata ito na siya ang nagbukas ng pinto. "Si M?" "M?" ulit niya. "Marrio?" "Yeah." "Tulog, eh. Sino sila?" "Friend," sabi ng lalaki. Ang friendly ng ngiti. Kahit guwapong-guwapo ito, parang ang approachable. Parang ang bait din base sa ngiti at sa mga matang nakangiti rin. "Gigisingin ko ba? Ano'ng name nila?" "Jamir." Ang lalaki. "No, 'wag mo nang gisingin. Hihintayin ko na lang na magising. Okay lang pumasok?" "Proof muna na friend ka nga niya," sabi ni Lemuella. "Proof?" ulit ng lalaki. Parang hindi makapaniwala na hihingan niya ng proof pero hindi naman nawawala ang ngiti. "Oo. Proof." "Pictures?" kinapa nito sa bulsa ang cell phone at inilabas. Nag-scroll at ipinakita sa kanya—maraming pictures ni Mar

