Two

1138 Words
GAMIT ang buong lakas ay biglang bumangon si Lemuella. Naitulak niya ang 'DOM'-narinig pa ng dalaga ang tunog ng pagbagsak nito sa wooden floor. Bigla niyang tinanggal sa katawan ang kumot at nagmamadaling umalis sa kama-handang makipagbugbugan sa DOM. Na-freeze nga lang sa ere ang warrior peg niya-parang stance ni Jackie Chan sa mga pelikula na taas kamay at paa bago sumugod sa kalaban. Astig nga lang si Jackie kapag gumawa nang ganoon samantalang siya ay mukhang baliw lang dahil sabog pa ang buhok. At ang inakala niyang DOM ay batang bata, fresh na fresh, machong-macho at guwapong guwapo! Pati dulo ng buhok ay naghuhumiyaw ng pagiging papable! Nakanganga ang Intruder, parang nakakita ng multo habang nakatingin sa kanya. Ang isang kamay ay nasa balakang. "Who the hell are you?" "At sino kang impakto ka?" Sabay pa nilang tanong sa isa't isa. Ang lalaki ay nasa sahig pa rin, parang walang balak bumangon. Si Lemuella naman ay nasa 'warrior peg' position pa rin. Handa siyang sipain ang 'DOM'-na sariwang sariwa pala at hindi bilasa-kapag nagkamali ng kilos. Hindi dahil guwapo ay may karapatan nang mang tsantsing! Pero puwede namang pag-usapan, sabi ng utak niyang naka-kondisyon nang magpa-devirginize. Isang gabi lang at sa fresh na fresh pang papa. Okay na kahit sa hula ni Lemuella ay bata ng ilang taon sa kanya. Keri na, Ellah! 'Wag nang choosy! "Ako pa ang Impakto?" balik ng lalaki, bakas na ang pagkaasar sa mukha. Hindi yata makatayo. Napasama ang bagsak ng balakang sa sahig. "FYI, Miss-who-ever-you-are, this cottage is mine!" ah, guwapo pa rin ang boses kahit asar na. "Walang ibang gumagamit ng kamang 'yan kundi ako at si Grandma!" Okay. Nag-hang saglit ang utak ni Lemuella. Cottage daw nito ang cottage niya? Naguluhan siya. Si Lola Pinang ba ang sinasabi nitong Grandma? "Nakahilata ka na sa kama ko, ako pa ang Impakto?" parang pikon na pikon na dagdag nito. "And then, what? You'll accuse me of-" "Ginagapang mo naman talaga ako, ah!" mabilis na agaw ni Lemuella. "Panay kaya yakap at halik mo sa akin!" bulyaw pa niya. "Buti nga may kumot, eh. Kung wala ano? Eh, 'di nilamutak mo na ang ganda ko?" Gustong tumawa ni Lemuella sa pagka-shock na dumaan sa mga mata ng lalaki. Ang laki ng pagkakanganga nito. Ang anyo ay mukhang iuumpog ang ulo sa dingding kung may malapit na pader lang. Pigil na pigil niyang matawa. Hindi alam ni Lemuella kung bakit parang naaliw siya sa hitsura ng lalaking nang-intrude sa cottage. Intruder na nagiging malinaw na sa kanya ngayon kung sino-ang apo na binanggit ni Lola Pinang. "Wow!" ang lalaki. "Nilamutak ang ganda mo?" may sobrang diin sa 'nilamutak' "You're insane!" "And you're mapanantsing!" pinandilatan pa niya ang loko. In-english pa ang pagsasabing baliw siya? Tadyakan niya kaya ang bruho nang magtanda. Napasabunot na ang lalaki sa naka-style na buhok. Parang commercial ng men shampoo. Sa paraan na iyon yata ay pinipigilan ang sariling emosyon. Sa tagpong iyon sila naabutan ni Lola Pinang na dumating kasama ang babaeng naghatid sa kanya ng hapunan. Pagkapasok ng matanda ay nagulat-at naningkit ang mga mata ng makita ang lalaki. Ang sumunod na eksena ay nonstop sermon na with matching hampas ng libro sa Intruder. Panay naman ang aray ng loko, paulit-ulit ang sorry at pagbibigay ng dahilan kung bakit hindi agad nakauwi. Marami daw work. Sunod-sunod ang TVC shooting at photo shoot. Mayamaya ay tumatawa na ang lalaki. Inaawat na si Lola Pinang gamit ang lambing. Yakap nang yakap na ito sa matanda at halik nang halik. Ang matunog na yakap at halik na ginagawa nito kanina sa kanya ay inulit lang kay Lola Pinang. Hindi pa rin matapos tapos ang litanya ng matanda pero niyakap na rin ang apo at parang bata pang hinagod-hagod ang buhok ng nagpapa-baby na damulag! Sa huli, napangiti na lang si Lemuella habang pinapanood ang dalawa. Halatang mahal na mahal ng mga ito ang isa't isa. Pagkatapos ng lambingan ng mga ito, saka pa lang ang paliwanagan kung bakit nang-intrude sa cottage ang apo ni Lola Pinang na Marrio Debil ang pangalan. MD Greech daw sa showbiz, dugtong pa ni Lola Pinang na hindi masyadong na-gets ni Lemuella kasi hindi naman niya nakikita sa TV si Marrio. Pero kilala naman niya si Piolo Pascual, Sharon Cuneta at Eddie Garcia. Oo na, matanda na siya. Eh, sa iyon ang henerasyon ng mga artistang kilala niya. Bakit ba? Hindi siya mahilig manood ng TV kaya hindi na niya kilala ang mga bagong henerasyon ng artista ngayon. Artista si Marrio? Kaya naman pala parang naglalakad na ilusyon si Kuya. Perfect! Ang sama nga lang ng ugali. Ugh. WOW, ah? Ikaw na kuya! Wagas na ang angas wala pang pakialam sa kapwa. Sinalo lahat ng nega attitude ng isang 'to talaga! Hindi maawat ni Lemuella ang nagngingitngit na isip. Ang subject ng ngitngit niya ay walang iba kundi ang lalaking nang-agaw ng kama niya sa cottage. Ang apo ni Lola Pinang na parang naglalakad na ilusyon sa pagiging perfect ng hitsura pero prinsipe ng angas—si Marrio Debil. Ah, bagay ang last name sa ugali ng bruho! Salamat na lang talaga at binigay sa kanya ni Lola Pinang ang sampung libo. Cash. Hindi masisira ng angas ni Marrio ang good mood ni Lemuella. Hindi lang iyon. Ibinigay na rin ng matanda ang sinasabing 'espesyal na gift'. Nagulat pati ang kaluluwa niya. Bakit hindi kung ang sinasabing gift ay isang white gold black diamond solitaire ring! Nganga at windang kanina si Lemuella. Literal na napamaang lang kay Lola Pinang. Hindi niya maintindihan kung bakit ibibigay sa kanya ang singsing at gusto pa ng matanda na isuot niya. Kung tama siya ay engagement ring iyon. Bakit ipinamimigay? Ang sabi ng matanda, isipin daw niyang simbolo iyon ng tiwala nito sa kanya. Itago daw niya ang singsing. Hindi kasya sa ring finger ni Lemuella kaya ginawa niyang pendant sa stainless chain necklace na kanyang suot. Ang bilin ni Lola Pinang, kung hindi niya isusuot ay itago nang mabuti ang singsing. Kukunin daw nito ang singsing kapag nakita na ng matanda ang taong hinahanap. Medyo mababaw ang dahilan ni Lola Pinang na 'malilimutin na' kaya siya ang inutusang magtago ng singsing. Kung ang pasaway na apo raw kasi ang magtatago, baka ibenta lang o maiwala. Hari ng mga careless daw ang apo nito. Walang pakialam sa maraming bagay. Ang concern lang daw ni Marrio ay kung paano mas magpapa-guwapo. Mababaw man ang mga binanggit na dahilan ni Lola Pinang, hindi na nagtanong si Lemuella. Ang cash na walang kahirap-hirap niyang nakuha ang nagbibigay ng 'lutang feeling' sa kanya. May pang-gastos siya sa paghahanap ng lalaking mangde-devirginize sa kanya. May papayag kaya sa limang libo? Parang ang desperada lang ng dating—magbabayad siya ng lalaki. Deadma na lang muna sa pride at self respect. Mas mahalaga ang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD