Three

1089 Words
MAGAAN pa rin ang pakiramdam ni Lemuella nang bumalik sa cottage para humilata sana. Balak niyang ubusin ang natitirang oras sa resort—na hindi na nagawa ng dalaga nang maabutan niya sa kama si Marrio, nauna pala na humilata at natulog! Wala talagang pakialam sa kapwa ang lalaki. Alam nito na siya ang guest na naka-occupy sa cottage, talagang nananadya! Inagawan siya ng kama ng bruho! Ang nagawa na lang ni Lemuella ay saktan ang lalaki sa isip niya. Ang haba rin ng ngitngit lines niya—sa isip nga lang—habang inaayos ang mga gamit. Sa ugali ng apo ni Lola Pinang, mas okay na umalis na siya ng resort. Baka magkalamat pa ang 'new friendship' nila ng matanda kapag hindi siya nakapagtimpi at sinaktan niya ang maangas nitong apo. Pigil na pigil ni Lemuella ang sarili. Masarap sanang magwala para magising ang maangas na lalaki pero mukhang mahimbing ang tulog nito. Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang maging malupit. Likas yata siyang mabait o may kung ano sa nakikita niyang kapayapaan sa mukha ni Marrio na pumigil sa kanya. Kung gaano kasi kaangas ang lalaki kapag gising ay ganoon naman kapayapa ang anyo nito sa pagtulog. Parang anghel...na walang kakayahang manakit ng kapwa. At tinititigan mo talaga ang kaaway, Ellah? Sumulpot na tanong sa utak ni Lemuella. Bigla niyang binawi ang tingin. Mas binilisan ang pag-aayos ng mga gamit. Kailangan na talaga niyang umalis ng resort bago pa magising ang apo ni Lola Pinang at magkainisan sila. Halata naman kasi na hindi siya 'feel' ng bruho. Okay lang naman. The feeling is mutual. Aba, buhok pa lang nito, hindi na niya gustong maaninag. Bakit? May kung ano sa dating ni Marrio na iba. Parang energy na hindi niya feel, ganoon. Parang 'guwapo ako kaya maganda lang ang gusto kong kausap' attitude. At dahil hindi siya maganda, hindi rin sexy, parang ilalantad nito ng walang limitasyon ang sama ng ugali. Lantarang ipaparating sa kanya na hindi siya gustong kausap. Puwes, lalo namang hindi niya gustong kausap ang lalaki. Ano, ang mga guwapo lang ba ang may karapatang magpakita ng 'hindi kita feel' attitude? Hindi puwede iyon! May karapatan din siya! Sa mismong sandali na isinara na ni Lemuella ang zipper ng travel bag ay napansin niyang kumilos ang lalaki sa kama. Hindi iyon pinansin ng dalaga. Walang ingat niyang binitbit ang bag at dinala sa isang tabi. Magpapalit na lang siya ng damit at go na siya sa pagrampa paalis ng resort. Pero nahinto ang sana ay paghakbang ni Lemuella nang mapatingin siya sa kama—bumangon na pala ang lalaki, nakatingin na sa kanya ngayon at medyo magkasalubong ang kilay. Disoriented yata, parang iniisip pa kung nasaan eksakto at kung bakit naroon din siya. "Kama ko 'yan ngayon," inunahan na niya ang bruho. "Inagaw mo lang kaya 'wag mo akong matingnan-tingnan ng masama, Marrio, ah? Baka masaktan kita," pantay ang tonong sabi niya. "Guest ako ni Lola Pinang. Cottage ko 'to, uy! Inagaw mo lang kaya 'wag kang maangas diyan." Kasunod ang pag-irap. "Pero 'wag kang mag-aalala, Debil," sabi niya uli, inabot ang inilabas nang bihisan na nasa wooden chair. "Paalis na ako. Solong solo mo na ang cottage. Gusto ko pa sanang magpalipas ng gabi pero baka 'di na kita matantiya, eh. ' 'Wag na lang." Umasa ng sagot si Lemuella, na pabalang rin at masakit sa tainga pero wala. Bumalik tuloy ang mga mata niya sa lalaki—para mapasinghap lang nang makita niyang titig na titig ang bruho sa dibdib niya! Naningkit ang mga mata ni Lemuella. "Bastos ka talaga, 'no?" agad siyang nakalapit sa kama, hinablot ang isang unan at hinampas si Marrio Debil na nabigla yata, hindi sinalag ang hampas niya. Nasapol sa mukha. Nakanganga ito nang tumingala sa kanya, na parang hindi makapaniwalang sinaktan niya. "Isang tingin pa sa boobs ko, dudukutin ko na 'yang mata mo!" banta niyang naniningkit ang mga mata. Para namang natauhan si Marrio, tumikom ang bibig. "Boobs," ulit nito, bulong lang yata sa sarili. Umiling-iling bago tumawa. At mas nawindang siya nang ibalik nito ang tingin sa dibdib niya! Pinaghahampas niya ng unan ang bruho pero hindi na nakatama pa si Lemuella. Sinalag nito ang bawat hampas niya. Sa huli, siya rin ang sumuko nang mapagod. "Bastos—" "You know what, Sisa—" "Aba't—" "Kung napansin ko ang boobs mo, hindi ka na sana nakatayo diyan," mula sa mukha niya ay lumipat sa kama ang tingin nito. "You're lying here," itinuro ang kama. "Screaming my name in pleasure!" Gustong saktan ni Lemuella ang sarili na ang virginity na kailangan niyang itapon ang naisip niya nang mapatingin sa kama. Kung para sa buhay niya, handa siyang gawin ang kahit sa panaginip ay hindi niya maiisip gawin. Ang makipag-one night stand sa pasaway na apo ni Lola Pinang! Agad niyang itinaboy ang ideya. May ten thousand siya. Hanap na lang siya ng lalaking okay na sa five thousand sa isang gabi. Baka laitin pa ni Marrio ang katawan niya. Ngisi pa lang ng unggoy na ito, wala na siyang tiwala. Bago pa tuluyang kumulo ang dugo ni Lemuella, tinalikuran na niya si Marrio—na hindi niya inaasahang biglang hahabol at may balak palang korner-in siya. Nakita na lang niya ang sarili na nakasandal sa dingding ng cottage, nakaawang ang bibig sa gulat at nakatingala kay Marrio na nakayuko naman sa kanya. Saka lang napansin ni Lemuella ang pagitan ng height niya. Ang tangkad pala nito! Six footer yata ang bruho! "Ano na namang problema mo—" "Ano'ng napag-usapan n'yo ni Grandma?" putol nito sa mariing tono, titig na titig sa mga mata niya. Wala na halos silang pagitan. Ang dalawang kamay niya ay hostage nito sa itaas ng kanyang ulo. Na-stress bigla si Lemuella sa lapit ni Marrio. Naaamoy niya ang bango nito! Nagpabango ba ang lalaki bago humilata sa kama? Bakit ang bango bango ng bruho? Ang sarap sa ilong ng scent! Parang...parang gusto niyang isiksik sa leeg nito ang mukha at mas amuyin ang bango... "A-Anong napag-usapan? Wala!" sa wakas ay naapuhap niya ang boses. "Hindi ka magsasabi ng totoo?" si Marrio na umangat ng bahagya ang isang kilay. "Iki-kiss kita hanggang hindi ka na makahinga—" "Bakit kiss lang?" agap naman ni Lemuella, inipon ang lahat ng lakas ng loob at tapang ng mukha na mayroon siya. Nakahanap siya ng perfect chance sa plano. Baka makalusot. Subok lang naman. Puwede naman niyang lunukin muna ang panlalait nito para sa buhay. "Mag-s*x na rin tayo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD