"Gulay lang ang menu, Jam!" paalala niya. "Magsabi ka lang kung kailangan mo ng assistant. Puwede ako kahit tagapaypay mo," at nagbibirong nginisihan niya ito. Tumawa nang magaan si Jamir. "Tagapunas ng pawis, puwede rin?" balik ni Jamir. "Oo naman!" tawa rin niya. "Pa-picture ako mamaya, ah? 'Yong hubad ka pa at pawisan. At nang mai-post sa sss!" Nagtatawanan na sila ni Jamir. Si Marrio na may sumpong na naman yata, tumayo na lang mula sa sofa at nag-walk out. Dumeretso sa kuwarto at hindi na lumabas. Deadma lang si Lemuella. Sanay na sanay na siya sa hindi ma-spell na ugali ni Marrio. Lalabas din ang isang iyon kapag nagutom na. Inaliw na lang niya ang sarili sa pagtulong at panonood kay Jamir. Chapsuey ang niluluto nito. Chapsuey na hindi kompleto. Mas nag-enjoy siyang manood. Ang c

