"O, BAKIT pang-Biyernes Santo ang mukha mo, Len?" si Lemuella sa kaibigang si Lenlen. Linggo iyon at sabay silang magsisimba. Lumabas ng unit ang kaibigan na parang binagsakan ng langit at lupa. "Mas pumangit ba ako?" tanong ni Lenlen, kung posibleng sumayad ang nguso sa hallway, naapakan na niya. Bagsak din ang mga balikat nito. Wala ang nakikita niyang ngiti at glow sa mga mata. "Ang hirap ng 'di ma-reach ang crush, Ate Ellah!" "'Di ma-reach? Kasama mo lang sa unit, 'di ma–reach? Tsansingan mo 'pag tulog!" biro niya para pagaanin ang mood nito. Para kasi talagang pasan ang daigdig. Magkasabay na silang naglakad patungo sa elevator. Pati mga hakbang ni Lenlen, ang bigat din. "Nasaan ba kasi si Sir Crush?" usisa niya nang nasa tapat na sila ng elevator. "Namasyal..." "Namasyal lang p

